Chapter 11

7 0 0
                                    

Habang tumatagal umiiyak ako ng madalas. Alam ko na ang kalagayan ng relasyon namin. Ayoko pang mapunta kung saan. Ang kailangan ko lang makasama siya.

•••

JM's:
Dumadalas ang pagdalaw ng anak na lalake ni Yaya Benita sa condo ko.

"Yaya Benita baka naman po akitin ng anak mo ang fiancé ko ah pabantayan nalang po." Sabi ko ng pabulong. "Oo naman iho at nakikita ko rin kung gano ka kamahal ni Rus wag kang mag alala magtiwala ka lang ha?" Habang tinatabanan niya ang mukha ko. "O sige kumain na tayo at masarap to."

Ang galing lang dahil every time na lumalapit sakin si Rus lumalamig ang paligid pero pag wala na siya sa tabi ko nagiging normal ang weather. Bakit kaya? Dahil siguro sa pagmamahalan namin? Hahaha

"Baby bakit parang nagkakasipon ka na?" Tanong ko kay Rus. "Ikaw talaga Bubot. Gusto ko lang sana maging normal na ang paningin mo." Sabi niya sakin.

Kahit kailan ay di ko pa nahahawakan si Rus ewan ko ba kung iniiwasan niya ang mga kamay ko. Sabi nalang niya na kapag daw kabukas ng mga mata ko makikita at mahahawakan na daw niya ko. Talaga ang Baby ko napakaconservative.

"Baby ano nga ba papangalan natin sa puppy natin?" Tanong ko sa kanya. "Gusto ko Bubot heaven." Heaven? Bakit kaya? Nakakacurious. Pero hinayaan ko nalang. "Hmm? Heaven! Ganda ah. Sige sige hahaha Baby pagkaayos netong mata ko ah magtratrabaho ako at pupunta na tayo sa Paris okay?" Sabi ko sa kanya.

Umiiyak nanaman siya. Hindi ko naman siya mahawakan at macomfort dahil palagi siyang umiiwas.

Malaking epekto ang nangyari samin ng aksidente pero ang mahalaga nararamdaman ko pa rin ang pagmamahal at pagkatibay ng relasyon namin.

Umiiwas na ako sa mga tropa ko. Sinasabi ko rin kay yaya na huwag silang patuluyin. Ayoko ng mga biro nila. Sinasabi nilang patay na si Rus. Hindi maaari un hindi mangyayari un dahil alam ko mahal na mahal ako ni Rus at di niya ko iiwan sa mundong to.

Love Game LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin