Chapter 9

7 0 0
                                        

Habang papunta kami sa suprise celebration namin, hawak hawak ko ang kamay ni Rus at kiniss ko habang nasa sasakyan kami.

"Bubot, ngayon at natuloy na ang mga pangarap natin. Tumatanda na tayo. Gusto ko maging masaya ka sa buhay mo. Gusto ko na gawin mo ang mga bagay na magpapaganda ng buhay mo. Mahal na mahal kita tandaan mo yan." Habang nakahawak siya sa mukha ko.

"Baby naman--" hanggang sa narinig niya na ang tahol ng puppy na gift ko sa kanya.

"Wow! Puppy! Natupad mo wish ko thank you Bubot I really love you." Inakap niya at dinilaan naman siya ng puppy. Hinalik halikan niya to at kitang kita naman na sobrang saya niya.

"Ano ka ba baby, kasama lang kita okay na ko." Sabi ko sa kanya habang nakatitig sa kanya.

Ngumiti siya at biglang..

•••

Third person's:

Nabunggo si Rus at si JM sa puno dahil sa hindi inaasahang pag overtake ng isang sasakyan sa kabilang lane ng road nila. Halatang lasing ang lalake na sumalubong sa kanila.

Napuruhan si Rus samantalang nabulag naman si JM.

Tumagal sila sa hospital ng ilang araw hanggang sa nagising si JM. Umiiyak siya dahil sa wala siyang nakita. "Brad brad kumalma ka!" Sabi ni Kikel. "Buhay pa naman si Rus kaso nag aagaw buhay siya."

Tumagal ang ilang araw at nakalabas na ng hospital si JM pero namatay na si Rus dahil sa mahinang resistensya niya.

Walang makapag paalam na nawala na si Rus. Naghire ng matandang katulong ang mga tropa ni JM para matulungan siya.

•••

Yaya Benita's:

Bakit kaya salita ng salita tong batang ito kahit walang kinakausap?

"Iho, ayos ka lang ba?" Tanong neto kay JM. "Yaya Benita oo naman diba baby? Okay lang kahit wala akong mata. Basta may puso pa kong nagmamahal sa baby ko." Habang nakangiti ang binata.

Marami akong kakilalang mga albularyo, mga manghuhula at nakakakita ng mga kaluluwa.

Kinunsulta ko siya sa tatlong un at kwinento nila sakin na may naririnig ang binata na may babae itong nakakausap na dati niyang kasintahan. Ngunit parehas nilang hindi alam na patay na ang babae.

Inintindi ko nalang ang kalagayan ng magkasintahang ito.

Love Game LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin