Chapter 7

6 0 0
                                    

Kikel's:

Sht! Wrong timing ang pagka end ng unli ko. Wala naman ng tindahan dito na bukas at kung meron man hindi sila nagloload ng katulad sa sim card ko. Kailangan ko pa naman kausapin si Chelsea.

Papunta na ko sa condo ni JM para sabihin ang address ni Nikki dahil alam kong may surprise si Rus sa kanya. Kung tutuusin ngayon na lang nagkaroon ng oras si Rus na surpresahin si JM dahil kahit anniversary nila ay busy na busy siya sa mga pag aaral niya at pamilya niya. Mag rereview pa sana si Rus pero idadaan lang niya ang suprise kay JM. Kaya ayoko rin mahuli ni Rus na dinala ni JM si Nikki sa condo niya.

Ng papunta na ko nakita kong hila hila ni Rus ang mga lobo. Bakit biglang nawalan ng helium? Nevermind

"Rus!" Sigaw ko sa kanya pero hindi niya ko pinansin.

Huminto ako sa gilid at nagbusina ng malakas.

Nagulat si Rus at nahulog ang regalo pwera sa cake na dala niya. Hayst takaw talaga.

Tinulungan ko siya at inihatid sa bahay. Habang nasa loob kami ng sasakyan, unang umimik si Rus at sinabi ang nakita niya. Inexplain ko ang lahat kay Rus pero mukhang ang nakita niya lang din ang pinaniwalaan niya.

Nung nahatid ko na siya akala ko ibibigay na sakin ni Rus ang cake kaya hindi ko inabot sa kanya pero hindi pala hehehe takaw kasi ee

Nagkwento na sakin ng nagkwento si JM ng nangyari. UmAct nalang ako na parang walang alam. "Ah? Hala ganun ba pre? Hala! Hala? Hala." Sinabi ko rin sa kanya lahat ng nangyari kaya di ko nasend ang address nila Nikki pero nasabi ko na para maihatid na ni JM si Nikki.

•••

JM's:

"Salamat iho" sabi sakin ng mama sakin ni Nikki.

Umuwi ako at tinext sakin ni Shiela, kapatid ni Nikki. "May boyfriend na ang kapatid ko kaya tigilan mo na siya." Huh? Nagtext nalang ako. "Ate meron na rin po akong girlfriend at hindi ko po siya kayang lokohin." Kwinento ko na rin ang lahat ng nangyari at sinabi kong wala akong ginawang masama sa kapatid niya.

Love Game LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin