Chapter 5

7 0 0
                                    

Rus':

Umalis ako ng bahay nila na puno ng sama ng loob. Kahapon lang sinabi sakin ni Kikel ang pustahan. Gustong gusto ko siyang saktan pero alam kong walang mangyayari at ayoko rin siyang saktan.

Text siya ng text sakin. Pero di ko siya pinapansin gumagawa na siya ng paraan para pansinin ko siya. Pero wala pa rin. Pinatigas ko ang puso ko para matigil ang kalokohang ayaw ko ng matuluyan.

Isang gabi nagulat ako ng may humaharana sa baba.

Magbalik by Callalily

Nagulat ako ng may mga hawak silang puso na pink. Hanggang sa nakita ko si JM. "Baby kaya kong iwan ang lahat kaya ko isugal ang lahat kaya ko gawin ang lahat, mapatawad at mahalin mo lang ako."

Bumaba ako at hinayaan kong mag explain sakin si JM hindi ko alam pero ang una kong ginawa ay ang akapin siya. Umayos ang lahat at muling bumalik ang pagiibigan naming dalawa.

Minsan nagkakaroon ng away pero nauuwi sa lambingan at suyuan.

Napapatukso rin kaming gumawa ng di pwede para samin pero pinipigilan niya ang sarili niya at nirerespeto niya ko.

Napunta sakin lahat ng atensyon ni Bubot.

Pinapayagan ko pa rin siya magLoL kasama ang mga tropa niya. Sinusuportahan ko siya sa bawat laro niya. At siya naman sinusuportahan ako sa pag aaral.

Nakita ng mama ko ang pic ni Bubot sabi niya na parang tambay daw sa kanto ang napili kong lalake. Ayaw din ng ate ko sa kanya at ang kuya ko naman walang imik kundi ang asarin lang ako.

Ang papa ko? Iniwan na niya kami nung 1 yr old palang ako. Pero sana'y magustuhan rin niya si Bubot.

Kahit papano at kahit na may boyfriend na ko alam ko ang limitations ko. Naging honor student pa ko kaya hindi rin napansin ni mama ang pagpatuloy naming pagmamahal ni Bubot.

Love Game LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin