Antinoty's:
Habang papasok ako ng school ay madami ang taong nasa labas. Halos lahat sila nakatingin sakin.
"Anton!" Mingrid hay nako. "Dun ka sa classroom namin ha? Magkakaklase tayo nila Ro." Oo nga pala kaklase ko siya. Hay nako sino kaya un? Hindi ko matanong kay Mingrid ang tungkol dun dahil baka sabihin niya kay Rosetta ang lahat.
Bigla akong inexcuse ng grupo ng ate ko habang nagsusulat kami ng activity. "Bakit ba ate?" Sinundan nanaman ako ni Mingrid para makausap si ate. "Hi ateeee!" Kaya siguro nagkakasundo tong ate ko at si Mingrid parehas silang maingay hayst. "Umm bunso kasi." Utal utal si ate habang nakangiti ang mga kaibigan niya. "Ano ba Kriem? Ako na nga magtatanong tss." Hinatak ng kasama ni ate siya para padaanin ang babaeng lumapit sakin. "Bakla ka ba?" Nagtawanan silang lahat. Napakunot ang noo ko.
Nagulat ako ng biglang hinatak ni Mingrid ang kamay ko, at binulungan ako. "Halikan mo ko o sasabihin mo ang totoo?" Pati ba naman si Mingrid? Wala na kong magawa dahil un na ang tingin sakin ng lahat. Hindi ko naman hahayaang maulit sakin ung nangyari nung bata ako. Hinalikan ko si Mingrid at, "Ano bakla pa ba? Ha?" Umalis sila kasama ang ate ko na nakayuko.
Pagkauwi na pagkauwi ko ng bahay ay susugudin ko na sana ang ate ko sa kwarto niya pero nakita ko siya sa kusina. "Ate! Ano ba yan! Bakit mo ba ginagawa yan?" Nilapitan ko siya at kinuha ang kutsilyong hawak niya. "Im sorry bunso. Sorry sorry sorry. Kaya ko lang nagawa un dahil inakala nilang inagaw ko ang BF ni Chelly kaya sinisiraan ka nila. Naiungkat nila ang nakaraan mo. Im sorry kung di man kita naipagtanggol." Inakap ko ang ate ko at inintindi nalang siya.
Gusto kong makalimutan ang lahat ng nangyari sa buhay namin. Ngayon nakita ko na rin na mas mahina ang ate ko sa larangan ng nabubully sa kanya.

ŞİMDİ OKUDUĞUN
Love Game Love
RomancePano nga ba kung ihahantulad mo sa larong to ang larangan ng pag ibig. Laro sa pag ibig? Mauuwi sa lokohan? Pustahan? Duyaan? O seryosohan? Papatalo ka ba sa laro na pag ibig? Kaya mo bang ipusta ang lahat kahit alam mong ikaw din ang matatalo? Tit...