JM's:
Lumipas ang maraming taon at nakatapos na kami ng pag aaral.
Naging isa akong singer sa maliit na studio samin. Araw araw kasama ko si Baby sa mga lakad ko kahit saan mapunta. Kahit papano ay nagkakaroon ako ng sweldo at minsan dumadami ang nakikinig sa mga kanta ko. Minsan hindi na siya nakakasama dahil busy siya sa pag aaral niya magiging doctor kasi ang Baby ko.
Habang tumatagal sinasabi sakin ni Rus na mag apply na ko maging chef dahil un ang natapos ko. Sinunod ko ang utos niya at oo naging magaling akong chef dahil every lunch break dun siya kumakain at dun kasama ko siya. Kahit na puro papel na rin halos ang nakaharap sa kanya sinusubuan ko nalang siya. Totoo nga siguro na secret recipe ang pagmamahal.
Tumagal pa at minsan kumakanta ako sa mga decent bar. Dun nga lang hindi na makapunta si Rus sakin dahil pagod siya o dahil nag aaral pa siya. Pero iniintindi ko ang mga oras na un. Inaantay ko nalang na matapos niya ang mga pangarap niya.
Isang gabi, habang palabas ako sa bar may nakita akong babae na nakasandal sa poste namin. "Miss?" Sabi ko hanggang sa nakita ko na si Nikki pala ang babaeng un.
Dinala ko siya sa bahay nila pero iba na pala ang nakatira dun. Pilit ko siyang ginigising pero hindi siya magising. Dinala ko siya sa condo unit ko at dun pinalitan ang suot niya. Nakisuyo ako kay Kikel na pahanapin ang bagong bahay ni Nikki. Kwinento ko ang lahat kay Kikel. Hindi ko mapigilan ang sarili kong hawakan ang mga binti niya ang mukha niya. Gusto ko siyang halikan?
Habang papalapit ako sa mukha ni Nikki biglang bumukas ang pintuan ko.
Akala ko si Kikel lang pero hindi. "Surprise!" Nakangiti ng nakita ko si Rus pero unting unti ng tumutulo ang luha niya.
"Hindi mo po tanda? Happy monthsary! Sorry ah ngayon lang natapos ang lahat." Habang may dala dala siyang lobo na nakatali sa kamay niya at regalo na nakaipit sa kili kili niya at cake na taban taban niya. Unti unting nanghina si Rus. Pansin ko sa mukha niya at halatang namumutla.
"JM bakit mo ko niloko?" Tanong niya sakin habang inaabot ko ang tubig at nakatitig siya kay Nikki. "Baby let me explain kasi ganito un dib-" sinampal niya ko at kinuha ang cake.
Hiniwa niya muna sa gitna ang cake at nilagay sa box. Hinampas niya sa mukha ko ang kalahati ng cake. Inuwi lahat ni Rus ang regalo. Napaiyak ako at wala akong nagawa kundi hayaan siyang umalis ng condo ko.

ŞİMDİ OKUDUĞUN
Love Game Love
RomancePano nga ba kung ihahantulad mo sa larong to ang larangan ng pag ibig. Laro sa pag ibig? Mauuwi sa lokohan? Pustahan? Duyaan? O seryosohan? Papatalo ka ba sa laro na pag ibig? Kaya mo bang ipusta ang lahat kahit alam mong ikaw din ang matatalo? Tit...