Chapter 4

7 0 0
                                        

Napaisip ako na baka nga makatulong samin ni Nikki to. Pero gusto ko na rin si Rus?

Nagtext sakin si Rus. "Oy. Kailangan kita ngayon. Kita tayo kahit saan mo gusto."

Inisip ko na puntahan nalang sila sa bahay nila. Nagpatulong ako kay Cy.

Nakita kong mugto ang mga mata niya. Inakap ko nalang siya pero napaakap ako sa leeg niya. "Ano ba! Bibigtiin mo ba ko?" Sabi niya. "Ay sorry sorry."

Kwinento niya sakin na naalala niya ang papa niya. Mag isa lang siya sa bahay kaya nasobrahan ang pag drama niya. Nagpadeliver nalang kami ng ice cream para lumamig ang ulo niya.

Halos dumalas na ang bonding naming dalawa. Nakalimutan ko ang bisyo, ang tropa, si Nikki. Sumaya ako ng lubos sa kanya. Naramdaman kong mahal na mahal ko na siya hanggang siya hindi ko siya mapakawalan. Umabot na magkaroon kami ng monthsary at sabay naming sinecelebrate.

"Baby, may aaminin ako sayo." Sabi ko sa kanya habang nakahiga kami sa bubong namin. "Bakit Bubot?" Yan ang nickname na binigay niya sakin dahil mukha daw akong isa sa cartoon character at dinagdagan niya nalang para gumanda. "May aaminin ako sayo." Sabi ko. "Mahal na mahal kita Rus alam mo yan diba? At pero-" sinasabi ko un habang hinawak ko ang kamay niya sa dibdib ko. "Shh" habang hinawakan niya ang labi ko. "Alam ko na. Pustahan ba?" Sabi ni Rus sakin. "Alam ko na yan Bubot." Sabi niya sakin at inakap ako. Lumuha siya. "Alam mo mahal na mahal din kita. Pero inaaamin ko nasaktan rin ako. Sinabi na sakin ni Kikel ang lahat." Huminga lang siya ng malalim at tsaka umalis.

Hinatak ko ang kamay niya. "Rus please let me explain." Inalis niya ang kamay ko. Napaluha rin ako. "JM alam kong mahal mo ko pero naging laro ang umpisa neto at alam kong laro lang din ang kahahantungan neto.

Love Game LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin