Ilang buwan na ang nakalipas ay malapit na ring makagraduate si ate. Nawalan na ko ng ganang pumasok. Hindi sa hiya kundi ang pagkamiss sa kanya. Bigla nalang niya ko iniwan.
Hay nako. Kung alam ko lang na magkakaganun ang lahat sana hindi ko na tinuloy.
Bumalik lang din ako sa dating nangyari. Bakit? Bakit ka pa dumating? Kung ganito lang din naman ang mangyayari sakin.
Ngayon ko lang narealize na bakit ko pa nga bang payagang mangyari ang mga bagay na to? Bakit ako nagpalinlang sa tulad mo? Matagal na kong nag iingat pero dahil sa isang iglap humantong ako sa ganito. Nasaktan pa rin ako ng mga tao lalo na ang kaisa isang babaeng minahal ko.
"Anton kinausap ako ni Mingrid. Tinatanong niya kung kamusta ka na tsaka kung aattend ka daw ba sa grad ko? Si Ro nga pala." Busy akong nagtatype ng essay ni ate habang sinasabi niya na hindi na rin daw pumasok si Ro simula nung hindi ako pumasok. Oo apektado pa ko, at oo mahal ko pa siya.
Dumaan ang graduation ni ate at malapit na kaming pumunta sa England.
"Antinoty mamimiss kita." Habang iniimpake namin ang gamit papasok ng taxi, sumalubong si Mingrid sakin. "Alam kong magiging masaya ka dun. Eto nga pala simpleng gift." Binigyan niya ko ng isang malaking box. "Thank you Mingrid." At ngumiti nalang.
•••
Rosetta's:
Pumunta na ko sa Italy para dun mag aral. Inaya na ko ng mga pinsan ko dun para makamove on kay Hyung. Pero ang hindi nila alam dahil kay Antinoty kaya ako tumuloy ng Italy.
"Rooo ano magsalita ka na. Saan mo gusto? England? Oooor Paris?" Sabi ng pinsan ko. "Bahala ka na ate Lyon." Hayst ano ba namang kailangan pa naming gumala? "Alam mo Lyon kung gusto mo sa Paris dun ka mag isa mo. Hinahatak mo pa si Ro ee isa pa yan na gusto niya ee forever niya kasama niya sa tapat ng eiffel tower." All girls kami dito sa Italy. Nagpapakahirap na nga ko mag aral ng language nila ee pero okay nalang din? Kesa andun sa Pinas.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Love Game Love
RomansPano nga ba kung ihahantulad mo sa larong to ang larangan ng pag ibig. Laro sa pag ibig? Mauuwi sa lokohan? Pustahan? Duyaan? O seryosohan? Papatalo ka ba sa laro na pag ibig? Kaya mo bang ipusta ang lahat kahit alam mong ikaw din ang matatalo? Tit...
