PROLOGUE

11.1K 242 7
                                    

Author's POV

Year 2023, makikita ang isang malawak na hardin sa tahanan ng mga Grandcross, makikitang masayang naguusap ang isang lalaki na nasa edad 40 at isang lalaking nasa 18 habang sa di kalayuan makikita ang dalawang magandang babae na naghahanda ng pagkain, isang edad 35 at isang nasa edad 18....
Nang biglang may limang armadong lalaki ang pumasok sa eksena at walang habas na pinagbabaril ang buong pamilya...
pagkatapos ng 30 minutes lumabas ang mga ito at nagmamadaling sumakay sa isang itim na van.
Samantala sa hardin ng mga Grandcross....
Isang lalaki ang duguan at pilit bumabangon upang saklolohan ang ama ngunit ng makalapit sya ay nakita nyang wala na itong buhay,
lumingon ito sa kinaroroonan ng ina at ng kasintahan nya at nakitang duguan din ang mga ito...
kahit hirap ay pilit syang lumapit habang tinatawag nya ang mga ito,
napaiyak sya ng makitang wala na ring buhay ang mama nya, lumapit sya sa kasintahan nya nagbabakasakaling buhay pa ito,  "Anna!?gumising ka!wag mo
kong iwan please!" humahagulgol na sabi ng lalaki. Subalit kahit anung yugyog ang gawin nya sa babae ay nanatili itong nakapikit...napayakap ang lalaki sa walang buhay na katawan ng babae, isa lang ang nasa isip nya... wala na.... wala na ang pamilya ko.... wala na rin maging ang babaeng pinakamamahal ko...
"Aaaaaaaaaahhhhh!!!!" sigaw ng lalaki habang patuloy itong humahagulgol...
Maya maya pa at bumagsak itong nakayakap sa babae at nawalan ng malay.

end of pov
----------------------------------------------
xenxa na po kung medyo lame at madrama hahaha....gagandahan ko po sa susunod...

BATTLE ROYALE ONLINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon