Chapter 46: Stone versus Ice

3.1K 124 15
                                    


Continuation...

"Huhuhu!!! Tulungan mo ako Ginoo, nasa loob ng imbakan ang mga magulang ko!!!" pagmamakaawa ni Hermione habang umiiyak.

Napatulala ako, parang nakita ko ang sarili ko kay Hermione, biglang bumalik sa alala ko lahat ng nangyari sa akin dalawang taon na ang nakakaraan... sumariwa sa puso ko ang sakit ng mawalan ng taong mahal sa buhay..

Bumalik ang aking kantinuan ng marinig ko ang boses ni Mirra mula sa likuran..

"Ancient Gods and Goddesses I invoke thee,waters from the sky let it be.
I command thee all, to thee now, listen to my desire... let water fall from the
sky..." usal ni Mirra ng incantation, pagkatapos ay itinaas nito ang kanyang tungkod sa langit.

"Rain Storm.."

Biglang bumuhos ang napakalakas na ulan na umapula sa mga nasusunog na bahay sa paligid kasama na roon ang imbakan kung saan nakakulong ang mga magulang ni Hermione.

"HEAVY PUNCH!!!" sigaw ni Jeric sabay suntok sa tarangkahan..

Nawasak ang pintuan ng imbakan sanhi ng malakas na suntok ni Jeric, pagkatapos ay agad kaming pumasok sa loob ang mga kasamahan ko para saklolohan ang mga bihag na nasa loob nito.

Nang makalabas ang lahat ay nag iyakan ang mga ito at niyakap ang mga mahal sa buhay, ang ilan naman ay tumakbo patungo sa mga bangkay na kani kanilang mga kamag anak, kaibigan, magulang at mga asawa.

Napaiwas ako ng tingin dahil hindi kaya ng dibdib kong tignan ang kahabag habag na kalagayan ng mga tao sa lugar na iyon, ito siguro ang tanawing ayoko ng makita pa... ang pagyakap mo sa pumanaw ng mahal sa buhay...

Napapikit ako at napakagat ng labi dahil sa napipintong pagtulo ng mga luha ko...

"Bakit kelangan ko pang maramdaman ang sakit na ito... kung kelan unti unti na akong nagiging masaya..."

************************************

Earth Nation

Swords and Magic Guild Hall...

Makikita sa loob ng Guild Leader Office ang tatlong tao na mainit na nagtatalo...

"Ano?! gusto mong sumama kami sa'yo? nagpapatawa ka ba?" ani ng isang lalaking may puting buhok at asul na mga mata, isang draconian beast
class na brawler na nagngangalang Glazier, ang Rank 3 at Vice Commander ng Swords and Magic Guild.

"Mukha ba akong komedyante para magpatawa huh?! tsaka hindi naman ikaw ang kinakausap ko eh yang leader nyo." maangas na wika ng kausap.

"Hah! ang tindi rin ng apog mo no?! baka nakakalimutan mo na kung ilang players namin ang tinambangan at pinatay ng grupo mo? at ngayon lalapit ka sa amin at aaluking sumali sa inyo? nahihibang ka na yata, Killervin?" sabi ni Glazier.

"Tsk! tsk! tsk! masyado pa lang maingay itong alaga mong aso, Orochi." tugon naman ni Killervin sabay lingon kay Orochi na nakaupo lamang at matamang nakikinig sa kanila.

Nagngalit ang bagang ng brawler sa narinig at pumorma ito na parang susugod, hindi nya hahayaang pagsalitaan sya ng ganun ng kung sino sino lang...

BATTLE ROYALE ONLINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon