Continuation...."Hahahaha!!!anong ititira mo sa akin?normal attack?matamaan man ako nyan hindi ako kayang patayin nyan!!!" sabi nitong tumatawa habang hinahanda ng ibato ang one hit skill nya.
Totoo yun wala na akong ibang skill na pwedeng gamitin sa kanya dahil nasa 15 seconds pa ang cooldown ng mga skills ko...
maliban sa isa...
Ang skill na ngayon ko pa lang gagamitin,hindi dahil ayoko kundi dahil sa walang pagkakataon.
Unti unting bumuo ng hugis bilog na kulay pulang liwanag ang dulo ng baril ko...
Nagulat si Belphegor sa ginagawa ko.
"A-Ano yan? imposible!!wala ka na dapat magagamit na skill!!" sabi nito na tila kinakabahan dahil hindi pa rin nya maibato ang skill nya dahil hindi pa kumpleto ito.
"Yan ang pagkakamali mo kabayo,masyado mong minaliit ang kakayahan ko,alam mo ba yung kasabihan na wag mo agad ilalabas sa umpisa ang iyong alas?"sabi ko dito habang patuloy na nagiipon ng pwersa ang baril ko.
2.5 seconds ang casting time nito pero sapat na yun dahil mabagal din namang magbitaw ng skill si kabayo kaya ng akmang ibabato nya na ang skill nya at siya namang kalabit ko ng gatilyo.
"HEAD SHOT!!!"sigaw ko at bumuga ng malaking kulay pwersa ang baril ko.
Ito ang one hit skill ko,lahat ng damage ng skill na ginamit ko ay nai stack sa skill na to,sa labang itong gumamit ako ng 23 na skill na lagpas 20k ang damage. multiply the skill damage to 23 times at ito ang magiging total damage ng Head Shot.
(read chapter 10 for skill info)
Nagsalubong ang dalawang skill namin pero dahil mas malakas ang skill damage ko ay nilamon ito ng pulang laser beam na itinira ko kasama na sya na hindi na nagawang sumigaw dahil natunaw sya agad at naglaho.World Notification!!!
The Demon of Hate Belphegor
Level 150
Chaos Area 2 dungeon boss
Has been defeated by a solo player.Chaos Area 2 located at Ice Nation has been cleared and opened for all players...
Ito ang balitang gumulat sa mga manlalaro ng BRO,halos lahat ay di makapaniwala sa mga nabasa nila...
Kung ang Chaos Area 1 na nga lang hirap na silang tapusin ang dungeon boss, pero ang solo player na ito nagawang iclear mag isa ang Chaos Area 2.
Anong klaseng nilalang kaya ito at napakalakas nya?mga katanungan sa isip nila.
Marami ang natuwa dahil sa bagong spot na pwedeng pagpalevelan.
Pero marami din ang nainggit na normal lang sa mga RPG games,pag may nakita silang mas malakas sa kanila iisipin nila na mandaraya ito or masyadong overpowered ang mga gamit nito.
Isa lang nasa isip nila CHEATER ang taong ito.
Naging usap usapan ito sa loob ng game at maging sa official page ng BRO,naiisip nila ang na maaring isang player lang ang tumapos sa dalawang boss na ito.
napakaraming comments tungkol sa solo player na tumapos ng dalawang naunang Chaos Area.Grabe ang lakas nung player na yun.
Oo nga ang lakas nya,ang lakas mandaya!
Sobra ka naman sir,natalo lang yung dalawang chaos boss mandaraya na?
Oo nga naman sir wag naman padalos dalos sa pagbibintang sa tao may karma yan.
hindi nambibintang yan,tanungin nyo mga sarili nyo paano mo matatalo ang chaos boss ng mag isa ka kung hindi ka cheater?
Sir ang alam ko perpekto ang gameguard ng game na ito kaya walang cheats na makakapasok sa game ok?!
Bobo spotted!!bobo na inggitero pa!!chaka!!
BINABASA MO ANG
BATTLE ROYALE ONLINE
Ficțiune științifico-fantasticăYear 2025, GAMELUX CORP. invented the very first Virtual Reality Game in history, Ang BATTLE ROYALE ONLINE or B.R.O May ilang magulang ang nag alala dahil baka hindi ito safe ipalaro sa mga anak nila pero mas marami ang natuwa most of them ay puro k...