Chapter 37: The Ice Sorceress

4.6K 161 7
                                    


Author's Note

Ayan guys sobrang hinabaan ko talaga yan para sa inyo.. 4,600 characters yan!!! magdamag pinagpuyatan, tsaka pambawi ko na din sa inyo...  ganyan kasi kayo kainportante sa akin...salamat sa suporta mga sir at ma''am!!


Continuation...

Sa dalampasigan ng Ocean City ay may tatlong nilalang na nakatayo roon, kapansin pansin ang mga itim na kasuotan ng mga ito na parang damit ni kamatayan,nakatanaw ang mga ito sa malawak na karagatan na tila may hinihintay...

"Ang tagal naman ng barkong sinasakyan nila, sigurado ka bang dito ang punta ng mga yun?" tila naiinip ng tanong nung isa na boses babae.

"Oo sigurado, walang ibang pupuntahan ang mga yun kundi ang tumungo muna dito sa main city para makapag save point." sagot ng naman ng lalaking tinanong nito.

"Dapat lang!!! dahil hinding hindi ako makakapayag na hindi ko makaharap ang lalaking tumalo sa kapatid ko, ipapakita ko sa'yo Grantz kung paano ko dudurugin ng pinong pino ang gagong yun." sabi naman ng babae.

"Teka, sinong nagsabing haharapin mo sya? ang utos sa atin ay manmanan siya at hindi ang sugurin, baka mapagalitan pa tayo dyan sa iniisip mo eh." wika ng lalaking tinawag na Grantz.

"Teka lang Grantz naduduwag ka ba? kung natatakot ka ay mabuti pang bumalik ka na sa headquarters at baka
mahawa pa kami sa kaduwagan mo, di ba? Wades? sabay lingon nung babae dun sa isang nasa sulok lang at pinapanood ang pagtatalo nila.

"Hindi mo mawawala sa isip ni Grantz ang mag-alala Lotus, nakita nya kung paanong talunin ng lalaking nakamaskara ang kapatid mo gamit lamang ang mga kamay at paa nito, andun na tayo na maaring nagpabaya rin ang kapatid mo kung bakit sya natalo ng ganun, overconfident din kasi masyado ang kapatid mong yun eh kaya napapahamak, pero, hindi mo rin pwedeng isantabi ang natatanging husay ng nakamaskara na yun."
mahabang litanya ni Wades

"Pati ba naman ikaw?! ano ba kayong dalawa?! sa lakas ng kapangyarihan natin sa tingin mo ba may ibabatbat ang hambog na nakamaskarang yun? iba tayo sa kanya, mga napili tayong biyayaan ng kapangyarihan, espesyal tayo! kaya nagtataka ako kung bakit kayo natatakot sa nakamaskarang yun!" napipikong wika ni Lotus.

"Hindi ako natatakot sa kanya, nagiingat lang ako dahil ayokong mapagalitan ni Master dahil sa katigasan ng ulo mo, pero sige, gawin mo ang gusto mo, pero wag na wag mong sasabihin na hindi ka namin binalaan, tara na Grantz." sabi ni Wades sabay talikod dito.

Sumunod naman si ang lalaking tinawag at unti unting nilamon ng itim na usok ang dalawa at tuluyang naglaho ang mga ito, naiwang nagpupuyos ang kalooban ng babae.

"Ipapakita ko sa inyo, dito pa lang sa Water Nation ay tatapusin ko na ang pagaangas ng nakamaskarang yun, makikita nyo."

Ilang sandali lang at natanaw na nito ang hinihintay, ang barkong kinalululanan ng lalaking nakamaskara, napangisi ang babaeng nakaitim na kasuotan.

"Sa wakas dumating ka na rin lalaking nakamaskara, matitikman mo ngayon ang lupit ng kapangyarihan ko." sabi ng babae habang dahan dahan nitong nilulubog sa tubig dagat ang hintuturo nito.

"Frozen World!!" bulong nito at sa isang iglap biglang namuti ang buong paligid, ang malawak na karagatan ay biglang tumigas at nagmistulang yelo,

Biglang napahinto ang barko na may sampung kilometro pa ang layo sa pampang, bagay na bagay ang pangalan ng skill na iyon sa lugar na ito na tila naging isang lupain na nababalutan ng maputing yelo at nyebe..

BATTLE ROYALE ONLINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon