Chapter 30: Ouroboros

4.5K 182 5
                                    



Jeric's POV

Pagkatapos ng pulong ng mga player ay naghanda na kami para gagawin namin atake sa halimaw na si Ouroboros, pinagkatiwala namin ang labang ito sa ideya ni Zero na gamitin ang isang formation, ang Ballista formation.

Hindi ko man alam ang ibig sabihin nun ay buo ang tiwala ko sa kanya dahil alam kong malakas talaga sya at hindi naman siguro sya gagawa ng ikakamatay naming lahat.

At isa pa, ilang beses na ba nya kaming tinulungan ng mga kasama ko? kanina nga lang ay tinulungan nito si Sofia sa pag atake ng halimaw na ito,bukod pa doon ay wala naman akong nararamdamang masama sa taong ito.

Maya maya pa ay nagsipaghilera na ang halos isang daang mahigit na holy knights, archers at mga magic user na may malayong range.

Ang mga Archer at Magic users ay nasa isang tila diretsong linya, samantalang ang mga holy knights na may mataas na defense ay nasa harapan, hinati naman ang mga healers sa dalawang grupo, ang iba ay napunta sa likuran ng mga nasa formation at ang iba naman ay sa mga short range na kagaya namin.

Nasa halos isang daan na lang ang mga short range attacker na kagaya ko kaya naman sinabihan kami ni Zero na magdoble ingat at kelangan namin umatras kapag nagbigay sya ng senyales.

Tumingin ako sa direksyon ni Zero, nasa harapan ito ng mga attackers at kampante lang itong nakatayo, ni hindi mo ito kakikitaan ng takot at pangamba.

Mas lalo akong humanga sa kanya, hindi lang dahil malakas sya, kungdi dahil sa kakayahan nitong mag isip at maging leader sa mga gipit na pagkakataon.

Nang maayos ang formation ay nanggilalas kami sa nakita naming tila kakaiba sa formation..

Parang hugis crossbow ito..

Ballista

-a catapult used in ancient warfare for hurling large stones.
-a large crossbow for firing a spear.

"Nakita nyo ang itsura ng formation?parang crossbow hindi ba? ganito ang gagawin natin, ang mga archer at wizards ang gagawin nating tanker."narinig kong sabi ni Zero.

Napakunot noo ako sa sinabi nito.

Ang mga archer at wizards ang magiging tanker? hahahaha ano ang magagawa ng mga ito kapag umatake ang boss? siguradong punit ang mga ito dahil sa lambot ng mga ito.

"Pre, nasisiraan ka na yata, alam mo bang mababa lang ang defense naming mga wizards at archer? paano kami magiging tanker ng boss na yan?anlabo naman nun." narinig ko sabi ng isang wizard.

Hindi naman sa wala akong tiwala sa desisyon nya pero, tama din ang sinabi ng wizard, parang malabo nga talaga yun.

"Magtiwala kayo sa akin, sigurado akong makakalusot ang planong ito para talunin ang event boss." mariing winika ni Zero na nagpatahimik sa lahat.

Seryoso ang taong ito, at sa pagkakataong ito ay kelangan naming magtiwala sa kanya dahil tanging sya lang ang nakakaalam ng attack patterns ng kalaban.

"Magtitiwala kami sayo pre, kaya sana hindi kami magkamali." sabi ni Orochi.

Sinabihan ni Zero na maghanda ang lahat para gagawing atake.

Nagfull buffs kaming lahat para madagdagan ang mga def at damage namin.

Sumenyas si Zero hudyat ng pag atake kay Ouroboros.

Tumira ng mga stun skills mga archer at pagkastun ng mga ito kay Ouroboros ay agad kaming lumusob para umatake.

"Spinning Kick!!!"

BATTLE ROYALE ONLINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon