Chapter 35: Sending her home

4.6K 166 10
                                    



Continuation...

Nakita kong nagngalit ang mga bagang, at kinuyom ni Killervin ang mga kamao nya, mukhang wala itong balak tumigil kaya naman sinabihan ko muna si Amazona na tumabi sandali.

Muling sumugod ang lalaki sa akin ngunit maagap kong hinawakan ang braso saka ko sya tinuhod sa may sikmura, napayukot ito sa sakit dahil sa lakas ng pagkakatuhod ko sa kanya.

Inihawak ko ang kanang kamay ko sa may kuwelyo ng uniporme nya at binigyan ng malakas na siko sa panga, napaatras ito konti, at nawalan ng balanse, sa pagyuko nito ay kinuha ko ang pagkakataong ito para sundan ng spinning heel kick ang lalaki sa likuran, padapa itong bumagsak sa lupa.

Namimilipit ito sa sakit, mukhang hindi na nito kayang lumaban pa kaya tumalikod na ako para puntahan si Amazona.

"Sandali lang, hindi pa tayo tapos!!"matapang na sabi ni Killervin habang hawak hawak ang panga nito.

Lumapit ako sa at tinignan sya ng masama.

Muli syang umunday ng suntok pero sinalo ko na ito ng palad ko saka ko inutog ang ulo ko sa mukha nya, saka ko hinawakan ang ulo nya at inilapit sa akin, siniguro kong hindi makikita ni Amazona ang gagawin ko.

"Wag mong ubusin ang pasensya ko sayo, karate boy huh?!i'll give you a friendly advice...you should not mess with a muay thai expert dahil ka uubra kaya kung pwede lang tumigil ka na bago pa kita mapatay ng wala sa oras!!" pabulong pero madiin ang pagkakasabi ko sa kanya.

Nakita kong namutla ito at natulala, sinamantala ko ang pagkakataon para itulak ito, tumalikod ako at tumungo kay Amazona, hinawakan ko ito sa braso at mabilis kaming naglakad palayo.

Nang makarating kami sa parking lot ay tumigil ako at tinignan si Amazona na tahimik lang na nakasunod.

Pinagmasdan ko ang dalaga na nakatulala lang sa akin, nanginginig ang mga labi nito, bakas mo sa mga mata nito ang takot.

Parang dinurog ang puso ko sa nakita kong ayos nya, hindi ko alam kung bakit pero nasasaktan ako kapag nakikita kong nahihirapan ang babaeng ito.

Pinagpag ko ang mga nakakapit na damo sa damit nito, tahimik lang itong nakatingin sa ginagawa ko, nang maalis ang mga dumi ay binalik ko ang tingin ko sa mukha nya at ngumiti.

"Ayos ka lang ba?"malumanay kong tanong sa kanya.

Napalunok ang babae at nangilid ang mga luha, tumango ito sa akin bilang pagsagot sa tanong ko, pero alam ko... ramdam kong hindi maganda ang pakiramdam nito.

Dahil sa awa at hindi maipaliwanag na damdamin ko para sa kanya ay wala sa loob kong nayakap ko ang dalaga.

"It's ok, im here now... i will not allow anyone to hurt you..." mahinang bulong ko sa tenga nya...

Pagkarinig ni Amazona sa sinabi ko ay naramdaman kong yumugyog ang balikat nito, nanginginig ang katawan at paimpit na umiyak.

Umiyak siya ng umiyak sa dibdib ko, hinayaan ko siyang ilabas lahat ng takot at sama ng loob na dinadala nito.

Makalipas ang ilang minuto ay humupa na ang pag iyak nito, maingat kong inalis ang pagkakayakap ko sa kanya at mataman syang tinitigan.

Pinahid ko ang mga luha nya at ngumiti dito...

"Are you ok now?" tanong ko sa kanya.

BATTLE ROYALE ONLINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon