Continuation...Island of Black Water...
Lance' POV
Higit sampung minuto kaming nakatulala sa mga taong nagkakagulo at hindi magkamayaw sa pagiyak at pagyakap sa mga walang buhay na mga mamamayan.
Ang mga kasama ko naman ay malungkot lang na nakatingin sa mga ito, marahil ito ang unang beses nilang makakita ng ganitong klaseng pagdurusa..
"MagicMirra." tawag ko dito ng hindi tumitingin.
Lumingon ito sa akin at lumapit...
"Ano yun Zero?" tanong nito.
Nagdadalawang isip ako sa pabor na hihingin ko dito dahil hindi rin ako sigurado sa pwedeng kahinatnan nito, pero mas mainam ng subukan kesa tumunganga lang kami dito at panoorin ang mga taong nag iiyakan.
"May resurrection skill ka ba?" tugon ko sa dalaga.
Saglit nitong sinuri ang mga skills at pagkatapos ay tumingin sa akin, naglapitan din ang ibang kasamahan namin para makiusyuso sa pinag uusapan namin."Meron, pero hindi ko pa ito nagagamit, ka receive ko pa lang kasi nito nung mag level 125 ako." wika ni Mirra.
"Maaari mo bang gamitin yang skill na yan sa kanila?" sabi ko dito sabay turo sa mga namatay.
Napakunot noo ito maging ang mga kasamahan namin.
"Pwede ba yun?" nagtatakang tanong ng mga ito.
"Tsaka di ba magrerespawn naman ang mga NPC within five minutes kapag namatay sila?" si Mirra.
Totoo yun, ang respawning time ng mga nasawing NPC ay limang minuto, kagaya rin ng mga player, subalit lipas na ang oras ng pagrespawn ng mga ito na lubos kong ipinagtataka... gusto kong malaman kung totoo ang hinala ko..
"Labing limang minuto na ang lumilipas pero wala pa rin tayong nakikitang bakas na may magre respawn sa kanila, subukan mo lang..anong malay natin baka gumana di ba?" sabi ko dito.
"Pero..." ani ni Mirra na nag isip.
"MagicMirra, marahil ay hindi mo pa nararanasang mawalan ng mahal sa buhay, pero kung ikaw ang nasa kalagayan ng batang yun.." sabay turo ko sa isang batang babae na humahagulgol habang yakap yakap ang bangkay ng kanyang mga magulang.
"Lahat mahihiling mo... na sana may kapangyarihan kang magligtas ng buhay, na may kapangyarihan kang bumuhay ng patay... na sana.... panaginip lang lahat ng ito..." dugtong ko.
Napayuko si Mirra at napahigpit ng hawak sa kanyang tungkod.
"Hindi madaling mawalan ng taong minamahal MagicMirra, alam ko yun dahil naranasan ko na yun ng hindi lang isa kundi tatlong beses... masakit... sobrang sakit na halos hilingin mo na mamatay ka na lang din." huminto ako para itago ang paggaralgal ng boses ko, napayuko ako at pilit pinipigilan ang mga luhang sumungaw sa aking mga mata.
Katahimikan ang namayani sa amin, walang nagsasalita, lahat ay nagulat sa mga isiniwalat ko...
"Kahit mga non player character lang sila, para sa mundong ito, tao sila na masayang namumuhay... at kagaya natin, ang pagpanaw ng kanilang mga mahal sa buhay ay isang bagay na ayaw din nilang mangyari." pagpapatuloy ko.
BINABASA MO ANG
BATTLE ROYALE ONLINE
Science FictionYear 2025, GAMELUX CORP. invented the very first Virtual Reality Game in history, Ang BATTLE ROYALE ONLINE or B.R.O May ilang magulang ang nag alala dahil baka hindi ito safe ipalaro sa mga anak nila pero mas marami ang natuwa most of them ay puro k...