Chapter 8:Sofia Castillo

5.1K 186 3
                                    

Lance POV

Dumilat ako at inalis ko ang DBH, nanatili akong nakatingin sa kisame at parang sinasariwa ang ang mga nangyaring laban sa loob ng game.Pansamantala kong nakalimutan ang misyon ko dahil masyado akong nag enjoy sa paglalaro.
Napabuntong hininga ako ng malalim at umupo sa gilid ng kama, mag aalas sais na pala ng umaga, Sa totoo lang hindi ko rin alam kung ano ang hinahanap ko sa loob ng game,
"Pero bakit ganito ang pakiramdam ko,malakas ang kutob ko na meron akong mahahanap sa loob ng game na may kaugnayan sa mga tanong ko." Tumayo ako at pumasok sa banyo upang maghanda sa pagpasok sa school.

Pagkaparada ni Lance ng motorsiklo nya ay naglakad na ito papunta sa classroom nya, halos lahat ng babaeng makakasalubong nya ay sinusundan sya ng tingin,bakit nga ba hindi,isa ang lalaking ito sa mga pinakasikat na estudyante sa PSU, hindi lang dahil sa gwapo ito kundi dahil matalino rin ito, matangkad at misteryoso. Kahit naka nerd glass ito ay hindi mo maitatago ang kakisigan nito
kaya maraming babae ang humahanga dito at gustong makipag usap,pero dahil lagi itong seryoso at mukhang suplado ay walang nangahas dahil natatakot na mapahiya, kaya
nga nakuntento na lang silang titigan ito kapag dumadaan sa harap nila, isa na dito ang Freshman Architecture student na si Sofia.

Sofia's POV

Ako si Sofia Castillo, 17 years old, freshman architecture student dito sa PSU. Filipino-American, Maganda(ehem), Sexy(ehem uli), 5'4" ang height, itim ang buhok ko at brownish ang mga mata. Amerikano ang tatay ko samantalang pinay naman ang nanay ko, Apelyido ng nanay ko ang ginagamit ko dahil naghiwalay ang mga magulang ko nung 10 years old pa lang ako. Ang tatay ko ang may ari ng isa sa pinakamalaking kumpanya sa U.S kaya naman kahit hiwalay na sila ni mama ay naibibigay pa rin nito ang lahat ng pangangailangan ko... financial needs? yes, sobra sobra pa.. pero pagmamahal ng isang ama??? no comment na lang ako.

Kasalukuyan akong nakatanaw sa isang matangkad na lalaking naglalakad papuntang Engineering Building, Si Lance Alvarez, Ang isa sa apat na pinakasikat na male student dito sa PSU.
Kahit isang beses ko pa lang itong nasisilayan ng malapitan ay hindi na nawala ang maamong mukha nito sa isip ko which is weird para sa akin dahil sanay naman akong makakita ng mga gwapo dahil may mga gwapo din naman akong naging classmate at schoolmate sa previous school ko.
Pero iba itong si Lance, Siya pa lang ang kauna unahang lalaki na nagpabilis ng tibok ng puso ko, at siya lang din ang kauna unahang lalaki na nagsuplado sa kanya na hinding hindi nya matatanggap.Sa ganda kong ito susupladuhan mo lang ako?? "Makikita mo Lance Alvarez, darating ang araw at maghahabol ka sa kin."at tinignan ko ito mg matalim habang papasok ito sa building nila.
"Uy best, nakatingin ka na naman dun sa crush mo,ayaw mo kasing lapitan para makipagkilala."sabi ni Chin na kasabay ko papasok ng classroom namin,napahinto kasi ako kaya siguro napansin nya ang tinitignan ko.Best friend ko si Chin mula pa nung elementary kami, half chinese, magaan ang loob ko sa kanya kaya lahat ng bagay naikukwento ko sa kanya kahit na personal problems.

"Hindi ko sya crush no, but i really want to crush him, literally."irap ko sa kanya.

humagikgik ito na"Hanggang ngayon ba di ka parin maka move on sa pagsusuplado nya sayo 4 months ago?"parang nangaasar na sabi nito.
"Best, utang na loob wag mo na ipaalala pa at nasisira araw ko ok?"madiing sabi ko sa kanya kaya tumahimik na ito, alam nito kung kelan ako napipikon kaya tumitigil na ito kapag iba na ang tono ng salita ko. Hindi naman ako pikuning tao pero kapag tungkol kay Lance madaling uminit ang ulo.

4 months ago

First day namin ni Chin dito sa PSU at nililibot namin ang bago naming school dahil namamangha kami sa ganda ng school na ito,habang paakyat kami ay nabunggo ako ng isang lalaking pababa ng hagdan dahilan para mawalan ako ng balanse, mahuhulog na sana ako ng may isang lalaking sumalo sa akin, tumingin ako sa mukha ng lalaking nagligtas sa akin...kasing asul ng payapa na langit ang kulay ng mga mata nya na binagayan ng kanyang makapal na kilay at mahahabang
pilik mata,matangos ang maliit na ilong nito,mahaba ang itim na buhok at meron din syang mapupulang labi na parang sinasabing"miss,pwede mo ba akong halikan?"namula ang mukha ko sa huling naisip ko,pero nanatili pa rin akong nakatulala sa kanya.
"Ahmm, miss??" Basag nito sa katahimikan ko
"Y-yes?"nauutal na sabi ko habang nakatitig pa rin ako sa mga mata nya.
Ngumiti ito at dahan dahan nilapit ang mukha sa akin,napapikit ako ng mariin,"Oh My God, eto na...eto na ang first kiss ko...juice colored."tili ko sa isip ko nang biglang bumulong ito.
"Miss, nangangawit na kamay ko,wala ka bang balak tumayo?"
Napadilat ako sa narinig ko at saka ko lang napansin ang posisyon namin,nakahiga ako sa sa kanang braso nya habang sa isang kamay ko nakahawak ung kaliwang braso nya,para kaming nagsasayaw ng sway...napansin ko rin na nakatingin lahat ng tao sa amin, ang iba ay nakangiti at kinikilig,may nagchicheer ,at meron din namang mga babaeng masama ang tingin sa akin."Alam mo bang 30 seconds kang nakatulala?akala ko nga nahimatay ka ng nakadilat eh." Pabulong na sabi nito sa akin habang yumuyuko ito para
pulutin ang salamin nito na nahulog ng saluhin nya ako,sinuot nya ito at tumingin sa akin at ngumiti.
lalong namula ang mukha ko dahil sa kahihiyan at inis. Kahihiyan dahil nagmukha siyang tanga sa harapan nito at sa harap ng maraming tao, Inis dahil sa simpleng ngiti lang ng antipatikong lalaking ito ay bumibilis na ang tibok ng puso nya.
Mabilis akong tumayo at tumakbo,hindi ko na pinansin ang pagtawag sa akin ni Chin, ang importante makalayo ako sa antipatikong ito.
naging tampulan ako ng tukso ng mga kaklase kong babae na nakakita ng pangyayari,nagtatanong kung ano daw ang pakiramdam ng mayakap ng isang Lance Alvarez
"Lance Alvarez?"maang kong tanong sa mga ito.
"Hayss Sis, eh di yong poging lalaki na nagligtas sayo. 4th year Mechanical Engineering daw yun at talagang sikat sya dito kasama nung captain ng karate club,at tsaka ng captain ng basketball team at arnis club."sabi nila sa kin

"oh, Lance pala ang pangalan ng mayabang na yun." isip isip ko
At mula nga noon araw araw nya na itong tinitignan sa malayo,hindi dahil crush nya ito na kagaya ng sabi ni Chin, Kundi para tignan kung paano siya makakapaghiganti sa kahihiyang inabot nya.
Ilang araw ang lumipas at sumali ako sa karate club at sa archery club naman si Chin, Dito ko nakilala ang Captain at Best friend ni Lance na si Jeric Sandoval, gwapo at mabait pero madaldal. Alam ko ring may matindi itong crush sa captain ng archery
club na si Joana Rivera..
Nung lumabas ang VRMMORPG na BRO ay talagang pumila kami ni Chin para makabili ng Dimensional Brain Helm at Game console nito. Hindi halata sa amin pero mga RPG gamer at addicts kami,sabay kaming naglaro ni Chin, Isang Swordsman ang character ko samantalang Archer naman sa kanya,pero natigil ito sa
paglalaro dahil nagkaroon daw
ng problema yung DBH nya kaya dinala nya sa game shop para ipaayos.
Ilang araw ng mag isa syang nagpapalevel ng Nalaman nya na naglalaro rin pala ang captain nilang si jeric ng BRO kasama ang crush nitong si Joana maging ang Captain ng Arnis Club na si Alexander Romero pati na rin ang gf nito at member ng arnis club si Mirrabelle Santiago. Niyaya nya ako at pinakilala sa mga kaibigan nito dahil naikwento kong naglalaro rin ako ng BRO , mababait sila at palabiro kaya mabilis ko silang nakagaanan ng loob.
Napagkasunduan naming magkita kita sa game at bumuo ng isang party para magpalevel, and the rest is history, ika nga nila.

Halos karamihan ng Estudyante sa PSU ay gamer ng BRO pero sila Jeric
lang ang pinagkatiwalaan ko para
makasama sa party dahil alam kong mababait sila at tunay na mga kaibigan.
1 week ago tinanong ko si Jeric kung naglalaro rin ba si Lance ng BRO, pero sabi nya hindi daw mahilig si Lance mga RPG games.
Para akong nalungkot nung nalaman ko na hindi sya naglalaro nito...at di ko
mawari kung bakit ganito ang nararamdaman ko..galit ako kay lance pero sa tuwing maalala ko ang mukha nya ay di ko mapigilan ang sarili
kong mapangiti...

"Uy Best galit ka ba?sorry na oh,nagbibiro lang naman ako eh."
sabi ni Chin na nagpatigil sa pagbabalik tanaw ko.
"Hindi ako galit anu ka ba may naalala lang ako."nakangiti kong sabi dito.
umaliwalas ang mukha nito at ngumiti
"akala ko nagalit ka na eh, tara na at malapit na magstart klase natin." sabay kawit nito sa braso at naglakad na kami papunta sa classroom namin.

End of Chapter
___________________________

Ayan guys may new character na tayo...ilalabas ko sa mga susunod na update yung ibang character natin para mas may thrill.. Happy Reading po!!

BATTLE ROYALE ONLINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon