Chapter 25: Duel

4.5K 181 7
                                    


Lance POV

Pagkalabas ko ng dungeon ay agad kong chineck ang lahat ng mga items na ibibigay ko sa grupo ni Jeric, kailangan nilang lumakas dahil magagamit ko sila sa pagtapos ng misyon ko..
Balak kong sumama sa grupo nila after ng event para umpisahan ng pasukin ang ikaapat na mapa, ang Water Nation na nakalutang sa gitna ng karagatan.
Para maiwasan ang kaguluhan sa lagi kong pagtapos sa mga boss ay ito na lang ang naisip kong paraan, mas madaling intindihin ng tao kapag party ang nakapatay sa boss kesa isang solo
player lang.

Matapos ang pagaayos ko ng mga items ay nag private message ako kay Jeric para makipagkita sa kanya, hindi ko alam kung papayag itong makipagkita sa akin pero nagbakasakali lang ako... pag send ko ng message ay nagteleport na ako sa exit area ng Fire Nation papunta sa meeting place namin ni Jeric.

Jeric's POV

Andito kami ng grupo sa isang NPC sa
Fire Nation para sa isang quest, hindi mawala sa usapan namin ang taong tumapos sa ikatlong boss.
Grabe talaga ang taong yun, kailan lang ay napagbintangan na itong cheater pero hindi pa din ito tumitigil, para bang gusto nitong sabihin na wala syang pakialam sa iisipin ng iba..

Maya maya ay may nagpop out na notification sa VS ko, isang private
message.
Napakunoot noo ako ng makita ko kung kanino galing ito..

Gusto kitang makausap, may mga bagay akong gustong ibigay sa inyo, pumunta ka sa exit area ng fire nation at makikita mo ako dun, mas maganda kung mag isa ka lang.
                                      SniperZero

Sa totoo lang nagulat ako dahil hindi ko inaasahang magme message ito sa akin, hindi kaya may balak itong masama sa akin? wala naman siguro, niligtas nga nya kami di ba? tsaka
mukha lang syang misteryoso, pero
mukha naman syang mabuting tao...

Sige pupunta ako...
Tugon ko sa paanyaya nya..

Gusto kong sabihin sa mga kasama ko ito pero baka magpumilit lang ang mga itong sumama dahil alam nilang hindi ordinaryong player itong kakausapin ko, lalo na itong si Chin na mukhang idolo pa yata nya itong nakamaskara.

Mas minabuti kong ilihim sa kanila ang pagkikita namin ni SniperZero dahil kumplikado ang sitwasyon, lalo na ngayong pinaghahanap ito ng PK guild na pinamumunuan ng rank 10 sa BRO na si Killervin.

Baka madamay pa ang mga kaibigan ko kaya mabuting ako na lang ang makipagkita sa kanya, pagkuway nagpaalam ako sa kanilang may lalakaring importante kaya mauna na sila sa quest namin at susunod na lang ako..
Kahit nagtataka ay hindi na nagtanong pa ang mga ito at sinabihan na lang ako sumunod sa kanila pagkatapos ko sa gagawin ko.

Agad akong nagteleport patungo sa kanya...

Nakita ko si SniperZero na nakatayo sa may gate ng exit area,lumapit ako sa kanya at binati ito..
Tumingin sya sa akin saka nakita kong kumumpas sya sa hangin para ilabas ang VS nya..
Nagsend sya ng trade request at inaccept ko yun, nagulat na lang ako sa mga trinade nya sa akin, puro mga legendary items yun, mula sa walong armor set at iba ibang weapons, lahat legendary at pawang may malalakas na damage, def at effects..

"Pre,ibinibigay ko ba sa akin ito?"nagtatakang tanong ko sa kanya..
Tumango lang ito at hindi nagsasalita.
"Pre mukhang hindi ko ito matatanggap,sobra sobra na ang tulong mo sa amin ng guild ko eh."sabi ko sa kanya at narinig ko syang bumuntong hininga,pagkuway may pinindot ito sa VS nya at may nagpop na notification sa akin, nagulat ako sa nakita ko sa VS ko.

BATTLE ROYALE ONLINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon