Author's noteMga idol, ngayon pa lang ay gusto ko ng humingi ng pasensya kung mapapansin nyo na yung mga binigay ninyong mga character ay naiiba ang traits... hindi naman po kasi pwedeng pare parehong cheerful smile at brilliant minds ang mga character natin hahahhahaha... sasabihin ko na ang totoo halos pare pareho talaga kayo ng traits kaya nga andito ang inyong lingkod para baguhin ito ng konti... wag po kau mag alala konti lang po ang mababago... muli maraming salamat po sa inyong patuloy na pagsubaybay...
Rak na!!!
************************************
Lance' POV
Nang imulat ko ang aking mga mata ay narito akong muli kung saan kami huling nagkita kita ng grupo... sa Skull Island..
Nilibot ko ang aking paningin upang hanapin ang mga kasama ko, chineck ko din ang VS ko nagbabaka sakaling naka log in na ang mga ito at hinihintay na lang ang pagdating ko, subalit wala ang mga ito..
Saka ko lang naalala na tumawag nga pala si Jeric kanina sa akin at nagyayang mag malling, tumanggi lang ako dahil wala talaga ako sa mood lumabas ng bahay...
Binantayan ko talaga ang update dahil iba ang kutob ko dito... nakaugalian na kasing magbigay ng advance notice ng PH Server sa tuwing magkakaroon ng maintenance, pero itong huli ay kakaiba dahil biglaan ito at walang pasabi.
Chineck ko ang mga items ko at stats.. walang nagbago sa mga ito... totoo nga kayang simpleng update lamang ito?
Nagdududa talaga ako pero ang tanging magagawa ko lang sa ngayon ay alamin ang mga nangyayari dito sa loob... dahil hanggang doon lang ang access ko... sana nga ay mali ang hinala ko...
Ang pangyayaring hindi pagrespawn ng mga NPC sa tribo nina Hermione ay isa ng malaking palaisipan... kakaiba ito kesa dati... ang mga non player characters ay awtomatikong magrerespawn every five minutes pero hindi ito nangyari... nagawa pa ngang gamitin ni Mirra ang kanyang revive skill para lang buhayin ang mga ito.. which is not normal either... ang totoo walang kakayahan ang mga players na buhayin ang kahit sinong NPC dahil nakatala na sa datos ng laro kung sino ang mamatay o kung sino ang mabubuhay.. This is the rule and nature of RPG's... that's why i'm wondering... what the hell is happening? nagsimula lang naman ito ng magsulputan ang mga taong nakaitim...
Una ang naging pagbabago ng virtual perception... nang maikwento sa akin ni Jeric ang nangyaring laban sa kanila ng babaeng gumagamit ng yelo at ang matinding sakit na naramdaman nito doon pa lang ay nagduda na ako na maaring nagbago na ang pain percentage ng laro... isang bagay na lubhang napakadelikado para sa
buhay at kaligtasan ng mga manlalaro...Pangalawa ay ang pangyayaring hindi pagrespawn ng mga NPC, sinubukan ko lang noon kung totoo ang mga sapantaha ko kaya ko hiniling kay Mirra na buhayin ang mga NPC... alam kong sa mga nakakaalam ng game system, isang kabaliwan ang hiling ko pero... unti unti akong kinilabutan ng makita kong muling nabuhay ang mga NPC dahil sa skill ni Mirra.
Pangatlo... ang mga sinabi sa akin ni Master G na lubhang nagpapagulo ng utak ko... ang mga kaalaman at kakayahan nito na pang out of this world... hindi ko maipaliwanag pero alam kong hindi player ang taong yun... at mas lalong hindi ito isang Artificial Intelligence Character na ginawa ng Gamelux... kakaibang nilalang ang isang ito... at kung sinoman o anuman ito... ay hindi ko alam..
BINABASA MO ANG
BATTLE ROYALE ONLINE
Fiksi IlmiahYear 2025, GAMELUX CORP. invented the very first Virtual Reality Game in history, Ang BATTLE ROYALE ONLINE or B.R.O May ilang magulang ang nag alala dahil baka hindi ito safe ipalaro sa mga anak nila pero mas marami ang natuwa most of them ay puro k...