Chapter 7:Soloer

5K 202 13
                                    

SniperZero's POV

Pagpasok ko sa loob ay biglang bumukas ang mga apoy sa sulo na nagsilbing liwanag sa loob ng dungeon.
Nakita ko ang isang halimaw na kawangis ng paniki na doble ang laki sa akin.

Bat King "Night Cry "level 120
Category:Dungeon boss
HP: 247,650
Skill:
Wind Gust
Scream
Air Stomp
One hit skill:
Multiple Wind Slash

Noong nasa beta test ako isang buong party kami na tumapos sa halimaw na ito at ngayon mag isa lang akong humahamon sa nilalang na ito..
Nagbuff ako ng Over Charge, maingat na inasinta ang halimaw na nakatayo sa di kalayuan..tatlo sa pinakamalakas kong skill ang magkakasunod na pinakawalan ko...
"Freezing Bullet!!!"
"Piercing Shot!!!
"Aimed Shot!!!"
Nabawasan ito 7% dahil na rin sa buffs ko na Over Charge na may double damage at crit rate effect.
Umungol ng malakas ang Bat King dahil sa sakit at ibinaling ang atensyon sa akin, Lumipad ito at ipinagaspas ng malakas ang pakpak.
Wind Gust nakasulat sa VS ko, at isang pwersang gawa sa hangin ang ibinato nya sa akin, dali dali akong nagdash pakanan para maiwasan ito ngunit dahil isa itong AOE ay tinamaan pa rin ako at nabawasan ng 23%.
Sunod itong bumulusok pababa para gamitin ang isa pang skill nito, ang Air Stomp, pero bago pa ito makalapit at ginamitan ko agad ito ng stun skill ko.
"Violent Bombardment!!" sabi ko sabay kalabit sa gatilyo,lumabas ang maraming bala na sabay sabay tumama sa boss na ikinatigil nito.
Sinamantala ko ang pagkakataon, nagdash ako papunta sa likuran nya at gumamit ng normal attack,hindi ako pwedeng mag aksaya ng mga skill ko dahil iilan lang mga ito at lahat halos ng mga ito ay may cooldown na 6 seconds.
Saktong nawala ang  stun ay ginamitan ko naman ito ng Laser Shot para sa blind effect kung saan sa ibang direksyon mapunta ang atensyon nya sabay dash palayo..
Sa ngayon 200 meters ang max ng shooting range ko,pagabot ko sa maximum distance sakto namang nawala ang blind ng kalaban at lumingon ito sa paligid na parang hinahanap ako.
Napangiti ako at lumuhod sabay asinta sa  ulo ng Bat king, nang maglock ang crosser ng rifle ko ay kinalabit ko ang gatilyo,"Freezing Bullet!!" sabi ko at lumabas ang bala na may nakapalibot na puting aura na tumama sa ulo ni Bat king.
Nang ma stun uli ito ay sunod n sunod na normal attack ang pinakawalan ko sa ulo nito na pawang mga critical hit, hindi ko ito tinigilan kahit wala na ang stun dahil di pa rin ito masyadong makakilos dahil sa slow effect ng Freezing Bullet...
Nakita kong bumaba sa 50% ang HP ni Bat King kaya inulit ulit ko ang mga skill na  ginawa ko hanggang mapaabot ng 5% ang HP nito.
Unti Unting nabalutan ng itim na aura si Bat King na nagpagulat sa akin.

Bat King"Night Cry" is on Rage

Nakalagay sa VS ko, Nag charge si Bat King ng pwersang gawa sa hangin.

Multiple Wind Slash(One Hit Skill)

Muli kong nakita sa VS ko kaya nagmamadali akong nagdash palayo.

Ibinato nito sa kin ang one hit skill, isang 6 na magkakasunod na pwersa na may korteng letter C, siguradong bagsak sa 0% ang hp ko nito sa isip isip ko, pero napakunot noo ako dahil parang mabagal ang mga skill na parating sa kin...malinaw ko itong nakikita...

Hawk Eye Skill has been activated

Hawk Eye There is nothing you cannot see...
Yun ang lumabas sa VS ko, napangiti ako" Swerte pa rin ako kalahati."sabi ko, bago pa tumama sa kin ang isang Wind slash ay mabilis ko itong nailagan,ganun din ang lima pang kasunod nito,habang umiiwas ay nagawa kong mag buff ng Over Charge.

BATTLE ROYALE ONLINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon