Chapter 28: SniperZero vs Killervin

4.6K 170 2
                                    




Killervin's POV

Nakakagulat ang ginawa ng lalaking ito, una ay ginawa nitong pagliligtas kay Sofia, pangalawa ay ang ginawa nitong pag atake sa event boss na si Ouroboros habang buhat buhat nya ang babae.

Aaminin kong pati ako ay natulala sa husay na pinamalas nya,pero ang hindi ko matanggap, nagawa na nga nyang magpasikat sa mga player at GMs na naririto sa event, ay nagawa pa nyang magpasikat kay Sofia.

Hindi ko ito matatanggap!!!

Akin lang si Sofia.... Akin lang...

Biglang may sumulak na kung anong pwersa mula sa loob ng katawan ko...

At lumabas sa noo ko ang isang marka...

Mula ng makuha ko ang kapangyarihang ito sa taong iyon ay parang napakabilis ng mag init ang ulo ko, sa umpisa ay binabalewala ko lang ito dahil laro lang naman ito at wala naman itong masamang idudulot sa katawan ko sa realidad.

Pero nitong mga nakaraang araw, mula nung malaman ko ang tungkol sa pasikat na nakamaskarang iyon ay bigla bigla na lang umiinit ang ulo ko kahit wala namang ginagawang masama sa akin ang mga taong nasa paligid ko.

At ngayon nga ay dumating na ang araw para makilala ko ang lintik na nakamaskarang ito.

May pahood hood ka pang nalalaman ah, akala mo ba hindi ko malalaman na ikaw yan?

Humanda ka dahil sa araw na ito ay papalamunin kita ng lupa!!!

Kakaibang kapangyarihan ang bumalot sa katawan ko at naging blangko ang lahat ng nasa paligid ko...

Isa lang ang nasa paningin ko ngayon, ang lalaking kasama ni Sofia na nakikipaglaban naman ngayon sa
mga Player Killers na sumusugod dito.

Nakaramdam ako ng matinding selos dahil sa titig na binibigay ni Sofia sa lalaki...

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sumiklab ang galit ko....

Unti unting umaangat ang mga bato sa paligid ko at isa isa ko itong itinira patungo sa direksyon ng lalaking nakahood...

KKAABBOOOOOOMMM!!!!
(Yumayaman na tayo kaya lumulupit na rin ang sfx hehehe)

Malakas na pagsabog ang sumambulat sa Arena na nagpatigil sa lahat..

Makapal na usok at alikabok ang bumalot sa lugar kung saan nangyari ang pagsabog..

Unti unting napawi ang usok at lumitaw ang imahe ng isang lalaki...

Isang lalaking nakayakap sa babaeng Holy Knight...

Natanggal ang hood nito sa ulo dahilan para makita ang kulay itim na maskara nito..

Kay gandang pagmasdan ng itim ring buhok nito na sumasabay sa bawat pag ihip ng hangin...

Lance POV

Nagawa kong iwasan ang lahat ng atake ng event boss na si Ouroboros, mula sa itaas ay nakita kong nakatingin ang mga tao sa akin.

Ito na nga ba ang sinasabi ko eh, kaya nga ba ayokong makialam sa labang ito.

Paglapag namin ni Amazona sa lupa ay nakatingin pa rin sa akin ang mga tao at maging si Amazona ay tila ayaw bumaba sa pagkakabuhat ko sa kanya.

BATTLE ROYALE ONLINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon