"So alam mo kung paano makukuha ang kapangyarihan ng 7 Great Knights?" tanong ni Alex"Yup!" simpleng tugon ko.
"Paano?" si Alex uli habang naghihintay naman ang ibang mga kasama namin sa sasabihin ko, kelangan kong mag ingat sa bawat salitang bibitawan ko.
"Kapag level 100 mo, may hidden quest na lilitaw sa quest board mo, ang The Great Knight Quest, kagaya nito." sabay pinakita ko sa kanila ang quest sa VS ko.
Agad nilang tinignan ang VS ko, pagkatapos ay chineck nila ang mga VS nila kung may quest silang kagaya ng sa akin.
Pero halos nabaliktad na nila ang
mga VS nila pero wala ang quest na tinutukoy ko."Wala sa akin." si Jeric.
"Wala rin sa akin." si Amazona.
"Wala rin dito." si Joana.
"Sa akin din wala." si Jerome.
"Sigurado ka bang lumalabas yang quest na yan?" si Alex na di na mapigilang mainis.
Sandali akong tumahimik habang nakatingin lang sa kanila, mukhang nayayamot na ang mga ito.
"Binasa nyo bang mabuti ang description ng quest na pinakita ko sa inyo?" tanong ko sa mga ito.
Nagkatinginan muna sila pagkatapos ay sabay sabay na umiling.
Binuksan ko uli ang VS ko at pinakita sa kanila, muli naman nila itong tinignan at sa pagkakataong yon ay binasa na nila ito.
The Great Knight Quest ( level 100)
- Only the person who makes the quest for Chaos Area are permitted to make
this quest, however, this quest will become activated when you finished the seven dungeons guarded by powerful demons.This is a one time quest only so you should choose wisely.
Rewards:
Mark of the Great Knights
????
????Sandali silang tumahimik matapos itong basahin, mukhang alam na nila ang dahilan kung bakit wala silang quest ng Great Knights.
Makukuha mo lang ang quest
na ito kapag level 100 mo, yun
eh kung personal mong matatapos ang chaos area quest sa Forest of Despair sa Earth Nation."Ibig mo bang sabihin kelangan pa naming bumalik ng Earth Nation para lang kunin ang quest?" tanong ni Alex.
Tumango ako, sa mga oras na ito hindi na magiging madali ang mga makakalaban namin, kaya kakailanganin namin ang dagdag na kapangyarihan na pwede naming makuha.
"Pagkatapos nating mag save point sa Ocean City, sasamahan ko kayong bumalik sa Aetheria Capital para tulungan kayong tapusin ang quest, pero hanggang doon lang maitutulong ko, hindi na ako pwedeng sumama sa loob ng Chaos Dungeon dahil nakapasok na ako dati doon." paliwanag ko sa kanila.
"Mas magiging madali na yang quest na yan sa inyo dahil buong party na kayong kukuha at mas matataas na ang mga levels ninyo, makakasabay nyo lang ako kumuha ng quest dito na sa water nation dahil hindi ko pa ito natatapos." dugtong ko.
"So that's our plan, mas mabuti na ito
kesa matalo tayo ng mga Black Magic
Team yun." sabi ni Chin na nabuhayan na ng loob.
BINABASA MO ANG
BATTLE ROYALE ONLINE
Science FictionYear 2025, GAMELUX CORP. invented the very first Virtual Reality Game in history, Ang BATTLE ROYALE ONLINE or B.R.O May ilang magulang ang nag alala dahil baka hindi ito safe ipalaro sa mga anak nila pero mas marami ang natuwa most of them ay puro k...