Jeric's POVGumawa kami ng Guild kasama ng tropa ko kagaya ng napagusapan.
Pinangalanan namin ito ng "Knightmares" at ako ang naging guild leader,vice leader naman si Alex at ang commander ako ay si Joana(as in Kumader ko talaga)Balak naming magparegister sa Aetheria Capital para sa darating na event pero mas minabuti muna naming magpalevel at maghanap ng magandang weapons at armors na pwede naming magamit sa darating na event. bumalik kaming lahat sa Chaos Area ng Earth Nation. Ang Forest of despair para tuparin ang pangako namin na babalik kami sa lugar na ito kapag malakas na kami.
Magandang Hunting spot ang Chaos area dahil bukod sa magandang exp na bigay dito ay magaganda rin ang mga items na drops sa lugar na ito, pero sobrang lalakas din ng mga halimaw sa lugar na ito at muli na naman naming napatunayan ito.pero dahil matataas na ang level namin ay hindi na masyadong masakit ang mga damage nito sa amin.
Pero kahit ganun ay hirap pa rin kaming tapusin ang mga dungeon boss at field boss sa lugar na .
Tumingin ako sa mga kasama ko,walo kaming lahat,anim sa amin ay level 80+ at ang dalawa ay level 50+ kaya madali sa amin na iclear ang lugar dahil marami kami at mataas ang level.Pero sino kaya ang soloer na nagclear dito mag-isa?kasing level din kaya namin sya nung pumasok dito?kung sino man ito ay siguradong napakalakas nito.
maaring kayang makita ko sya sa darating na event?
Sana,dahil gusto kong makita kung gaano kalakas ito.
Natigil ako sa pagiisip ng biglang sumigaw si Joana
"Hoy!!ano ba iniisip mo at parang wala ka sa sarili?!"sabi nito sa akin at tumira
ng skill."Freezing arrow!!"sabi nito na nagpahinto sa mga mobs.
"Sword dance!"si Alex
"Earth Splitter"si Jerome naman.Sinundan naman ito ng ibang ibang skill galing kina Sofia,Mirra at Chin.
Nang mapatay namin ang kalaban ay lumapit sa akin si Joana at tinanong ako.
"Lalim ng iniisip mo ah."sabi nito
"Wala yun may naalala lang ako,pero wag kang magalala hindi ibang babae"pabiro kong sabi dito.
Tumawa ito ng parang nakakaloko.
"Malala ka na talaga Jerichulit,dapat sayo nagpapagamot na."sabi nito.
Natawa ako sa sinabi nito wala talagang punchline ang tumatalab sa babaeng ito.
Pagkatapos magpahinga ng konti ay naglakad na kami para ipagpatuloy
ang paghahanap sa pangalawang dungeon.Dalawang tao ang gusto kong makilala sa larong ito..ang taong nakatapos sa Area na ito...pangalawa ay ang taong nagligtas kay Chin, ang lalaking may itim na maskara...
Lance POV
Nasa harap ako ngayon ng Last Dungeon Gate ng Chaos Area sa Ice Nation,balak kong tapusin na at iclear ngayong araw ang Chaos Area para makapasok na ang ibang player dito at makalipat na ako ng ibang map.
Tinulak ko ang gate at nakita ko ang Guardian nito na tila hinihintay ang pagdating ko.
"Tao,ano ang maipaglilingkod ko sayo?"tanong sa akin ng Guardian na mukhang itim na centaur,meron itong dalawang sungay sa ulo nito at may hawak itong sibat.
"Naparito ako upang labanan ka at tanggalin ang itim na enerhiyang bumabalot sa lugar na ito."sabi ko dito."Hah!!!tampalasang nilalang,sa tingin mo ba matatalo mo ako?!!
Eh isa ka lamang kutong lupa!! halika dito at titirisin kita!! sigaw nito..
Napangiwi ako dahil nakakabingi ang sigaw nito..
"Ganyan din ang sinabi nung Demon of Lie sa akin noong nakaharap ko siya bago ko siya pinatay."sabi ko dito habang kinukutkot ang tenga ko dahil parang nabingi ata ako sa lakas sigaw nito.
"Ikaw pala ang tumalo kay Mephistopheles...siguro naman alam mong sa magkakaiba ang antas ng lakas ng bawat guardian."sabi nitong nakangising demonyo.
"Hmmm, tingin ko magpareho lang kayo nung Mepeste na yun,pareho kayo ng magiging kapalaran,dahil pareho kayong matatapos sa mga kamay ko." sabi ko dito sabay handa ng mga baril ko at nagbuffs ng Over Charge.
Lalong pumangit ang mukha ng halimaw sa galit at ipinadyak ang unahang paa nito na tanda na maguumpisa na itong umatake.
BINABASA MO ANG
BATTLE ROYALE ONLINE
Science FictionYear 2025, GAMELUX CORP. invented the very first Virtual Reality Game in history, Ang BATTLE ROYALE ONLINE or B.R.O May ilang magulang ang nag alala dahil baka hindi ito safe ipalaro sa mga anak nila pero mas marami ang natuwa most of them ay puro k...