Chapter 21: The Demon of Lust

4.4K 175 7
                                    



Continuation....

"A-Anna?" nauutal kong sabi nito.

"Kumusta ka na."nakangiting sabi ni Anna.
"P-Paanong nangyari ito?P-Patay ka na."tanong ko sa kanya.
"Hindi mo ba tatanggalin yang maskara mo?"balik tanong nito sa akin.
Wala sa loob kong tinanggal ang maskara ko.
Ngumiti ito,"Parang walang nagbago sayo mahal ko."pagkuway lumapit ito sa akin at mabilis akong hinalikan...
Napapikit ako..gaano na ba katagal?gaano ba katagal kong inasam na mahalikan sya ulit.
Niyakap ko sya ng mahigpit...
Anna...sobrang namiss kita,halos ikabaliw ko ang dalawang taon na hindi kita kasama.

"Bakit mo ako iniwan." naluluhang tanong ko sa kanya.
"Mahal ko,lahat ng bagay at pangyayari ay may dahilan." bulong nya sa akin habang hinahawakan nya ang mukha ko.
"Kagaya ng pagkawala ko,pero ngayon magkasama na tayo at hindi na kita iiwan pa."

Muling naglapat ang mga labi namin, parang akong uhaw na uhaw at tanging labi lamang nya ang makakapawi sa uhaw na yun...

Napansin ko ang kakaibang kislap ng mata nya,at dahil doon ay tuluyan na akong napaluha...

Nang maghiwalay ang mga labi namin at hinawakan ko ang mukha nya... at tinitigan.
Masuyo kong hinaplos ang buhok saka ngumiti ng mapait.

Tumalikod ako sa kanya dahil di ko na talaga mapigilang umiyak...
"Bakit ka umiiyak?andito na ako oh, wag ka ng malungkot mahal ko." pang aamo nito sa akin.

Walang humpay ang pagtulo ng luha ko, halos tatlong minuto din akong umiiyak at nanatili lang si Anna na nakayakap sa likod ko.

Pagkuway nagsalita ako habang nakatalikod sa kanya...

"Kaya ako umiiyak ay dahil sa kaligayahan, pero kasama din doon yung kalungkutan."nakangiti lang si Anna si habang nakatingin sa akin.

"Masaya ako dahil nakita kita ulit,pero malungkot ako dahil alam kung hindi ka totoo."napakunot noo sya sa sinabi ko.

Unti unti kong pinulot ang maskara ko at dahan dahan ko itong isinuot sa mukha ko.

"Hindi ko alam kung paano mo nagaya si Anna, pati katawan at kilos nakuha mo sa kanya pero alam mo bang may dalawang bagay kang hindi nagaya sa kanya?"tumalim ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

"Una,kahit kelan ay hindi ako tinawag ni Anna ng Mahal ko, pangalawa, masyado kang wild humalik,walang pag-ibig , kabaliktaran ni Anna na masuyo at punong puno ng pagmamahal."paliwanag ko dito habang unti unting nagbabago ang anyo nito.

"Alam kong mababaw lang yung mga dahilang iyon,pero isa lang ang sigurado,hindi ikaw si Anna at hindi ako tanga para hindi malaman yun,
Pero salamat na rin at kahit sa laro lang ay nakita ko uli ang babaeng minahal ko." sabay bunot ng dalawang baril ko...

Lumitaw ang tunay nitong kaanyuan, isang babaeng may pakpak at sungay ng demonyo, ang dati ring malaparaisong lugar ay unti unting nagbago at nagkaroon apoy sa paligid.

Chaos Area 3  Dungeon Boss
Lilith, The Demon of Lust
Level 160
Attack: 64,580
Defense:44,300
HP:47,420
Skills:
Replicate
Resistance
Dark Hurricane

One Hit Skill:
Ultimate Hypnosis

"Magaling!!lalaki,Nagawa mo sirain ang aking hipnotismo na kahit sino walang nakagawa."Sabi ni Lilith.
"Pagpasok ko palang dito ay agad mo ng ginamit ang kapangyarihan mo para mapasailalim ako dito,ito ang kapangyarihan mo,gagamitin mo ang pagnanasa ng ibang tao upang makuha mo ang kaluluwa nila hindi ba?" paliwanag ko sa kanya.

BATTLE ROYALE ONLINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon