Chapter 17: Ambush

4.8K 190 6
                                    


Lance POV

Dalawang araw na rin ang lumipas mula ng matalo ko si Belphegor at narito ako ngayon sa pangatlong bayan ang Fire Nation
Mula noong nag log in ako ay wala naman akong napansing kakaiba sa akin o binago sa character ko,maari kayang hindi lang nila napansin ang stats ko?kunsabagay mataas na rin ang level ko kaya maaring hindi nila ito napansin pa.
Inisip ko na lamang na swerte pa rin ako dahil pag nagkataon, ban ang pinakamababang parusa sa akin,pero
kahit ganun ay kinakailangan ko pa ring mag ingat dahil hindi ko alam kung kailan ako mauubusan ng swerte.

sa loob ng dalawang araw na yun ay wala akong ibang ginawa kundi ang pagpalevel at magpalakas,malapit na kasi ang Event na ibibigay ng PH Server kaya puspusan ang lahat na maabot ang pinakamataas na level na pwede nilang makuha.

Congratulations you leveled up!!

You are now Level 95

Acquire skills:

Triple shot(Attack skill)
- Shoots three consecutive shot that paralize enemy .
-Every shot contains half of your total damage.
Effect:
Stuns enemy for 5s
required: sniper rifle
cooldown 2 mins

Berserk(buff skill)
-Increase evasion by 80%
-Attack speed increase by 600
-Increase damage of basic combat by 2x
duration: 40 seconds
Cooldown 3 mins

"Ayos!! pwede ko ng makuha yung next quest."natutuwang sabi ko.

May level requirement kasi ang chain quest na information of the treasure, At kelangang level 95 ako para makausap ang taong itinuro sa akin ng diwatang si LuLu, at papunta ako ngayon sa taong ito,ang magician ng Fire Nation na si Malik.
Si Malik daw ang sunod na makakapagbigay impormasyon sa akin tungkol sa hinahanap ko.

Habang naglalakad ay pinagmasdan ko ang lugar, Hindi naman na bago sa paningin ko ang mga ito dahil nakita ko na rin naman ito dati pero hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa galing ng pagkakadisenyo ng mga bayan sa larong ito, ang bawat lugar ay nakabase sa pangalang meron ito,kung ang Earth Nation ay may mga kagubatan at ang Ice Nation ay mistulang ice age, ang Fire Nation naman ay mga maliliit na bulkan sa paligid nito na nagbibigay ng init sa sinumang pupunta dito.
Nakaramdam ako ng init kaya tinanggal ko ang costume ko na adventurer hood,unti unti kasing nababawasan ang SP ko dahil sa init at kahit na may 20% pain lang ang laro ay hindi ko maiwasang makaramdam ng init dahil balot na balot ako.
Malapit na ako sa Ember city,ang pangunahing lungsod sa Fire Nation upang kausapin si Malik.

"Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo ginoo?" bati sa akin ni Malik ng makita ko sya sa isang vending tent sa market ng Ember City.

Nagulat ako sa kaanyuan nito,isang babae?isang napakagandang babae ang tinatawag nilang Fire expert Malik.

Nakabawi ako sa pagkagulat ko at sinagot ang tanong niya.
"Pinadala po ako ni Diwatang LuLu dito upang malaman ko ang daan patungo sa kinahihimlayan ng natatanging yaman ng mga dakilang kabalyero."sabi ko.
Nakita ko sa mukha nito ang pagkagulat.
"Ginoo,lubhang mapanganib ang impormasyong nais nyong malaman,hindi naman sa ipinagdadamot ko ito sa inyo subalit kelangan nyo munang patunayan kung karapat dapat kayo sa impormasyong ibibigay ko."sabi nitong nakangiti.
Napangiti ako,ito ang kagandahan sa mga NPC dahil madali mong mabasa ang susunod nilang magiging hakbang,simulat sapul ay alam kong hindi magiging madali ang paghahanap sa kayamanan ng 7 Great Knights kaya naman simula pa lang ay hinanda ko na ang sarili ko sa katakot takot na quest at pakikipaglaban na haharapin ko.
"Ano po ba ang kelangan kong gawin upang mapatunayan ko ang aking sarili?"tanong ko dito.
Pagkatapos kong sabihin yun ay may lumabas sa VS ko.

BATTLE ROYALE ONLINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon