Chapter 51: The Prophecy

3K 121 17
                                    


Water Nation, Island of Black Water

Lance' POV

Nakabalik na kami sa Black water tribe..  wala pa ring malay ang manghuhulang si Lala kung kaya ay napagpasyahan naming manatili muna sa tribo habang hinihintay ang paggaling nito.

Hindi na kami nakatanggi ng magdaos ng isang masaganang piging si Elder Ibarra bilang pasasalamat sa ginawa naming pagtulong sa kanila at sa pagliligtas namin kay Lala.

Pinagmasdan ko ang mga kasama kong abalang nakikipagsayawan sa mga taga tribo, nakita ko rin si Hermione na kasama si Mirra at nagpapaturo ng mahika.

Mabuti na lang at tila nakalimutan na nito ang nangyari kanina..

Napangiti ako ng makita kong kakamot kamot ng ulo ang batang babae na mukhang hindi masabayan ang tinuturo ni Mirra.

Itatanong ko sana dito kung paano nya nalaman na kalaban ang lalaking kasama nila kanina ngunit minabuti kong wag na muna silang abalahin sa kanilang pagsasanay.

Tumayo ako at naglakad lakad nang hindi sinasadyang napatingin ako sa kubol na kinaroroonan ng manghuhula.. wala kasi doon si Elder dahil kasalukuyan itong nagkakasayahan kasama ang ilang nakatatanda sa piging.

Napakunot noo ako ng makita ko si Lala na nakatayo sa pintuan at nakatingin ng matiim sa direksyon ko...

Nakatitig ito sa akin...

Marami akong gustong malaman dito...

Una ay ang sinasabi nitong propesiya...

Pangalawa ay ang nangyari kanina sa loob ng kweba..

Alam kong nakita nya ang lahat ng mga nangyari....

at gusto kong malaman kung ano ang nakita nya..

Few hours ago...

Maingat akong pumasok sa loob ng kweba, kahit wala akong nakikitang bantay ay hindi ko winala sa isip ko na baka may mga patibong sa paligid.

Ilang minuto din akong naglakad ng makarinig ako ng mga ungol at daing na parang pinapahirapan.. nanggagaling ito sa loob ng kweba..

Nagmadali akong marating ang pinakadulo ng lagusan at ganun na lang ang pagkabigla ko ng makita ko ang isang malaking nilalang, nilalatigo ang isang babaeng nakadipa at nakakadena ang mga kamay at paa.. duguan ito at punit punit ang damit sanhi ng latay na idinudulot ng latigo.

Parang may kung anong biglang sumulak sa loob ko kasabay ng tila bulong sa isipan ko...

Patayin mo siya!!!!

Mabilis kong nilabas ang aking riple at inasinta ang ulo ng nilalang... akmang papaluin sana uli nito ng latigo ang nanghihinang babae ng mag lock ang crosser sa ulo nito.

"Piercing Bullet!!"

"PANG!!"

Umalingawngaw sa loob ng kweba ang malakas na putok ng baril...

Sapul sa ulo ang malaking nilalang, napahinto ito dahil sa effect ng skill ko..

BATTLE ROYALE ONLINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon