Fire Nation exit
5:00 pmPabalik balik sa paglalakad si Sofia samantalang nakaupo lang ang mga kasama nito sa isang sulok at sinusundan siya ng tingin sa kanyang paroo't parito..
"Ang tagal naman nun, sigurado ka ba na dito daw tayo magkikita kita?"naiinis na tanong nito sabay baling kay Jeric.
Napangiti si Jeric sa inaasal ng kaibigan, mula kasi ng sabihin nya sa mga ito ang nga sinabi ni Zero ay excited ang mga itong magpunta sa tagpuan nila ng lalaki.
Hindi nya naman masisisi ang mga ito dahil sa pinakitang gilas at husay ni Zero sa pakikipaglaban ay talaga namang lahat ng player ay humanga sa kanya, kaya naman pagtapos ng event ay agad nyang pinagyabang sa mga ito na may usapan sila ni Zero na magkikita upang pagusapan ang pagsasanib puwersa nila upang marating ang pinakahuling mapa.
"Bakit ba kasi excited ka dyan?eh hindi naman ikaw ang kakausapin kundi ako,isa pa kanina pa ako nahihilo sa kalalakad mo eh, maupo ka na lang kaya muna."sita ni Jeric dito.
"Sabi ko nga eh." namumula ang
mukhang maktol ni Sofia sabay upo sa tabi ni Chin.Maya maya pa ay dumating na ang hinihintay nila, habang papalapit ito ay hindi nila ito maiwasang pagmasdan..
Sa presensya lang nito ay nakaka intimidate na, parang may kung anong misteryosong pwersang bumabalot dito na hindi maintindihan, pakiramdam nila ay nanlalamig sila pagtingin pa lang nila dito.
tumikhim ang lalaki na hindi nila namalayang nasa harap na pala nila.
"Z-Zero, kumusta." bati ni Jeric dito.
"Ayos lang ako." simpleng tugon nito.
Pagkuway tahimik lang itong pinagmasdan ang mga kasama nya,pagkuway bumuntong hininga ito ng malalim.
"M-May problema ba?" si Jeric uli.
Umiling ang lalaki...
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, maaring nasabi na rin ni Ace sa inyo ang dahilan kung bakit ko kayo pinatawag." pagkuway huminto ito at bumuntong hininga uli ito.
"Balak kong marating ang huling area ng larong ito, at syempre hindi magiging madali yun kung mag isa lang ako, kaya hinihiling ko sanang pansamantala muna akong sumama sa inyo kahit sa huling area lang, at ang kapalit ng pagtulong nyo sa akin ay ang mga items na makukuha natin sa mga susunod na Chaos Boss na makakalaban natin." mahabang paliwanag nito.
Tahimik lang ang grupo habang pinagmamasdan ang lalaki sa harap nila.
Hindi sila makapaniwala sa hinihiling nito, ang pinakasikat na player?! humihingi ng tulong sa kanila?!
"A-Ah, eh, alam mo Zero, hindi naman sa ayaw ka naming kasama, pero bakit naman sa amin mo pa gustong sumama? hindi kami ganun kalalakas at isa pa, hindi ba pwede ka namang humingi ng tulong kay Orochi ng swords and magic guild?"nag aalangang tanong ni Joana kay Zero.
"Hindi ko pwede ipagkatiwala ito sa kahit na sino, kaya kayo ang pinili kong samahan dahil sa lahat ng mga player dito, sa inyo lang ako may tiwala." tugon ni Zero.
"Pero, pre, tanong ko lang, paano mo nalaman ang tungkol sa mga Chaos Boss? bakit?!naranasan mo na bang makapasok sa mga Chaos Area?" tanong naman ni Jerome.
Natigilan si Zero at tila nag alangang sagutin ang tanong nito, tumingin ito kay Jeric at naintindihan naman ito ng huli.
"Guys, hanggang ngayon ba hindi nyo pa rin alam? yung mga mga items na binigay nya sa atin, lahat ng yun ay mga drops ng chaos boss... akala ko pa naman alam nyo kasi nasa description naman ng items yun."paliwanag ni Jeric sa mga ito.
BINABASA MO ANG
BATTLE ROYALE ONLINE
Science FictionYear 2025, GAMELUX CORP. invented the very first Virtual Reality Game in history, Ang BATTLE ROYALE ONLINE or B.R.O May ilang magulang ang nag alala dahil baka hindi ito safe ipalaro sa mga anak nila pero mas marami ang natuwa most of them ay puro k...