Chapter 49: The game update

2.9K 123 13
                                    


Authors Note:

Dahil new update nga itong game... papalitan natin ng kober huh? nagpapasalamat ako kay YumiAriellaZuzette  na nagtiyagang gumawa ng book cover ng BRO.. maraming maraming salamat po... talagang nag effort pa kayo... nakakatouch po... sana gawan nyo ako nung nakamaskara sa susunod... special request😅...

Tsaka nagpapasalamat uli ako sa mga  sumusuporta sa kwentong ito... nakakatuwa lang isipin na may makaka appreciate pala ng kwentong ito hahaha.. ung trip trip lang dati naging habit ko na... nakasanayan ko na tuloy mag isip ng i a update bago matulog... kayo kasi eh..

Oh siya tama na.. rak na tayo!!'

Lance POV

Napadilat ako ng marinig ko ang malakas na tunog ng alarm clock sa tabi ko, alas diyes na pala ng umaga inabot ko ang orasan na patuloy na tumutunog at pinatay ito.

Humikab ako at pupungas pungas na bumangon sa kama, medyo inaantok pa talaga ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi, mabuti na lang at linggo ngayon at walang pasok kaya ok lang kahit tinanghali ako ng gising.

Nagtungo ako sa banyo at nagsepilyo, habang nakatingin sa salamin ay hindi maiwasang maalala ang nangyari kagabi bago ang game maintenance.

Parang nawala ako sa sarili ko, isa ito sa pinakamalaking nagbago sa akin matapos ang insidenteng iyon... noon ang pananaw ko ay dapat lahat ng kriminal ay nabibigyan ng ikalawang pagkakataon, dahilan ko pa ay hindi naman lahat ng mga ito ay masama.. ang ilan sa kanila ay nawalan lamang ng pagpipilian kaya nagawa ang mga bagay na iyon... mga napaglaruan ng tadhana ika nga.

Pero ngayon... nagbago na ang lahat, tumatak na sa isip ko na dapat lahat ng kriminal at mamamatay tao ay mamatay din at hindi lang dapat simpleng kamatayan... dapat ay yung pinapahirapan... iyong makaranas muna ng kalupitan bago tuluyang malagutan ng hininga.

Kagaya ng mga manlalaro at ilang mga npc na pinatay ko ng walang awa.

Napabuntong hininga ako sa naiisip ko... naging masama na rin ba ako?

Binalot na rin kaya ng kadiliman ang puso ko dahil sa mga masasakit na pangyayari sa buhay ko?

Ito marahil ang dahilan kung bakit ako inalok ni Master G na sumama sa kanya... dahil sa kasamaang unti unting nabubuhay sa loob ko.

Naaalala ko ang mga sinabi ni Master G sa akin nung nagkita kami...

"Pag isipan mong mabuti... sa pagsama mo sa akin... malalaman mo ang kasagutang hinahanap mo, ang tungkol sa pagkamatay ng mga magulang mo at ng babaeng pinakamamahal mo."

Ano ba ang nalalaman nito? mula ng araw na yun ay pinilit kong alamin kung sino ang taong yun, pero bigo akong makahanap ng kahit anong impormasyon tungkol dito, kahit ang magagaling na info broker ay hindi rin ito kilala at wala ring nakakaalam sa kinaroroonan nito...

Siguradong kilala ako ng taong yun at maaring kilala ko rin siya... hindi ko nga lang alam kung sino..

At ang kapangyarihan nito? saan ito nagmula? paano nito nagagawang kontrolin ang kaisipan ng isang tao? pwera na lang kung may special skill ito... or maaaring totoo ang sinasabi nito.

"T*** ina!!" napamura ako sa dahil sa naiisip ko.

Kahit anong gawin kong intindi ay parang napakaimposibleng paniwalaan ang mga nangyayari.

BATTLE ROYALE ONLINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon