(Sam's POV)
Kailangan ko na mag-ingat. Last time, nang-aasar na si Kylie Cinderella na bading ang tatay ko. Di nya alam, na totoo talaga yun. Di nya pwedeng malaman ang totoo. Pag nalaman nya, I'll be a dead meat!
"Sam, ako na maghahatid sayo." Pagyayaya ni Daddy.
"Po? Bakit po kayo? Asan si Mang Kanor?"
"Lumuwas kaninang madaling araw sa probinsya. Emergency kasi tumawag daw nanay nya. Ano, ready ka na ba? Tara na. Hahatid na kita."
"Ah, dad, si mommy? Sya na lang maghahatid sakin." Di naman sa ayaw ko na ihatid nya ko, pero medyo delikado na kasi ngayon, kailangan ko na nga mag-ingat di ba?
"Bakit, ayaw mo bang ako ang maghatid sayo?"
"Di naman po sa ganun dad. Ayoko lang kayo maabala. Baka busy pa kayo sa office."
"Wala akong work today. Day off ko. May pupuntahan kasi kami ng mommy mo maya-maya."
"Yun naman po pala eh. Magpahinga na lang kayo dad. Magcocommute na lang po ako."
"Ano?! Sinong magcocommute?!" H.B na H.B na tanong ni mommy.
"Yang anak mo. Ayaw magpahatid sakin. Magcocommute na lang daw sya. Ewan ko ba dyan." Paliwanag naman agad ni daddy.
"Hwag ka ng madami pang arte dyan Samuel. Lakad na't umalis na kayo. Baka matraffic pa kayo sa daan nan." Hay. Pa-tay!
"O-kay mom. Bye. Dad, let's go!"
Bago ko bumaba sa kotse, chineck ko muna if may ibang tao sa parking lot. Mahirap na, mamaya may makakita pa sa daddy ko at malaman pa nilang bading to.
"Sige dad. Got to go na. Thanks sa paghatid. Ingat po!"
"Sige, mag-ccr lang ako, okay?"
"Hindi nyo na po ba kayang pigilin?"
"Hindi na. Lalabas na eh!" At nagmadali syang tumakbo mula sa parking lot hanggang sa cr. Maarte din yan eh, di naihi sa tabi tabi lang. Hahaha.
(KC's POV)
Nakakaasar, wiwi ako ng wiwi. Pabalik balik tuloy ako sa cr. Nakaka-asar, dapat nag-pampers na lang ako eh. Para deretcho wiwi na agad. Haha!
"Oh my g, wa poyz na aketchi."
Ui, medyo mild beki language yun ah. The who kaya sya?
Then, I saw a tall dark and handsome guy. Pero he looks like an adult na. Siguro daddy sya ng one of the students here. Pero, bakit parang gayish sya?
"Hello, po?" Nacurious kasi ko kung sino sya. Kaya naman binati ko sya.
"Ay batang froglet ka!" OMG! Confirmed! Vaklush nga.
"Sorry po. I didn't mean to scare you. Natuwa lang po ko sa narinig ko na sinabi nyo kanina."
"Alin dun?" Pa-innocent look pa sya oh.
"Uhm. Yung 'wa poyz na aketchi'. Lagi po kasi yun sinasabi ng bestfriend ko..... Na, bading."
"Hmm. Ganun ba? So, you think I'm gay?" Hala! Ano isasagot ko? Well, there's no point in lying. Kaya sasabihin ko na lang what I'm thinking.

BINABASA MO ANG
Why Why LOVE <3?!
RomansaIt's not just an ordinary love story. In this story, makikita nyo what love can do, and what you can do for love :).