(Sam's POV)
After 1 week nakauwi na din from vacation sa Hongkong. Dami kong namissed, sabi ng mga tropa ko nagkainitan na naman daw si Barbie at Kylie Cinderella. Sus! Wala naman bago dun eh. Pero this time, nagkapisikalan na daw. Sabi ni Migs nasampal daw ni Barbie si Kylie Cinderella. Ano kaya dahilan? Eto talagang si Barbie, palaaway. That's one of the reasons kung bakit di ko sya magustuhan. Isa pang balita, inamin na daw ni Migs kay Kylie Cinderella ang feelings nya, but too bad, busted agad sya.
"Bro! What's up?" Speaking of Migs.
"Ayos lang. Kamusta ang nabusted?" Pambating panimula ko agad. Bwahaha!
"Bro naman! Aga aga sinisimulan mo na ko. Well, eto, okay lang."
"Okay lang daw.. Sus! Nakita kita last week sa locker room eh nagsesenti ka!" Pang-aasar pa ni Drew.
"Well, at first syempre di okay. Pero friends na naman kami eh."
"Friends? Friends lang?! Di pwede yun dude, lalo pa't type mo sya!" Si Drew talaga. Kontra bulate.
"Eh kung yun lang ang way para maging close ako sa kanya di ba? Why not?"
"Tama yan bro!" Ano kaya feeling ng mabusted? Hahaha!
(KC's POV)
Review review din pag may time! May quiz kasi sa chem eh. Di ako nakapagreview kagabi, kasalanan to ni Jase eh!
*Flashback*
"Gagawin ko lahat ng gusto mo for 1 week, turuan mo lang ako sa Math, Kace!" Nagmamaka-awa for the first time to si Jase.
"Sige tuturuan kita, pag nasagot mo yung tanong ko. Deal?"
"Deal! Ano ba yang tanong mo?"
"Anong mas mabigat, isang kilong papel o isang kilong bulak?"
"Seriously Kace? Yan lang ang tanong mo? Eh pang prep naman yang tinatanong mo eh."
"Dami mong satsat, sagutin mo na lang kaya no?"
"Eh di yung isang kilong papel!"
"Mali!" Hay nako, slow talaga to!
"Bakit naging mali ha?"
"Kasi po Sir Jase, wala naman pong mas mabigat. Kasi nga po pareho silang isang kilo di ba?"
*End of flashback*
Hay nako! Common sense na lang ang gagamitin eh. Tss.
At bago pa ko matulog ha, nag-away pa kami nan ni Jase na yan.
*Flashback*
Mag-1 hour ko na sya tinuturuan dito sa equation na to, di pa din nya magets.
"Jase, sapatos ka ba?"
"Bakit?"
"Shoe-nga ka eh!"
"Yabang mo ah! Porke magaling ka sa math, grabe ka na magsalita. Palibhasa para sayo madali lang yan."
"Eh sino ba naman kasing hindi maiinis? Halos isang oras ko na tinuturo sayo yang napakasimpleng equation na yan, di mo pa din makuha-kuha."
Nag-dabugan pa kami at nag-walk out pagkatapos.
*End of flashback*
Naiinis talaga ko sa kanya, sya pa may ganang magalit, kasalanan ko ba kung di magets ng utak nya?!
"Hey Kace!" Buti at dumating na tong mga tropa ko, less badtrip na somehow.
"Have you heard? Oxygen and Potassium went on a date. It went OK!" Binanatan agad ako ng chemistry ni Chacha.
BINABASA MO ANG
Why Why LOVE <3?!
RomanceIt's not just an ordinary love story. In this story, makikita nyo what love can do, and what you can do for love :).