Chapter 1: The Fresh Start :)

486 8 1
                                    

(KC's POV)

I'm so excited sa 1st day of school, pero hindi dahil gusto kong mag-aral. Gusto lang makita yung mga friends ko no! Isa pa, nasa senior year na kami, last year na namin dito sa school na to. How sad. Pero somehow, okay na din. Atleast, di ko na makakasama ang pinakamayabang na taong nakilala ko, si Sam Villaraza.

Oh, speaking of the devil...

"Hello ganda" with a smile at kindat pa!

"Ewan sayo!"

"Oh bakit ka nag-react? Bakit maganda ka ba?" with nakakaasar na tingin pa talaga sya.

"Aba, oo naman!" sagot ko naman agad agad.

"Oh talaga? Teka, bibigyan kita ng mapa ha at ipakita mo sakin kung saang banda!" tatawa tawa pa nyang sinabi.

"Alam mo," bago ko pa tapusin ang sasabihin ko sumabat na agad sya.

"Hindi ko alam"

"Tsk! Talk to my hand!"

"Okay. Hi hand!"

"Hay nako. Ang corny mo talaga. Oh eto piso, maghanap ka ng kausap mo!"

Bakit ba palagi na lang nya ko iniinis?! Di ba talaga makukumpleto araw nya ng hindi nya ko pinagtitripan?! Hay nako. Pinanganak siguro talaga sya, para maging kontrabida sa buhay ko! Sayang pa tuloy yung binigay kong piso. Pang candy din yun eh. Tss. Bwisit ka talaga Samuel Villaraza!

(Sam's POV)

Hahaha! Sobrang nakakatawa talaga sya. Lalo na pag nagagalit sya. Yung tipong umuusok ang tenga't ilong nya sa sobrang inis sakin. The truth is, pinagtitripan ko lang naman sya, dahil sobrang cute nya pag paiyak na sya. Pero di ko sya crush ha. Sya, sya ang may crush sakin. Di lang nya maamin, kasi syempre ako school hearthrob dito, baka nga naman bustedin ko sya kaya natatakot sya. Well, I can't blame her kung magkagusto sya sakin. Sa gwapo ko ba namang to. Hahaha!

"Aray! Gago ka ah!" dumating na ang mga kalokohan buddies ko. Si Drew at Migs, ang bestfriends ko since childhood days.

"Sorry naman. Para ka kasing baliw dyan, tumatawa kang mag-isa." Puna ng funniest guy sa tropahan namin na si Migs.

"Siguro, may pinagtripan ka na naman no?" Tanong naman agad ni Drew.

Nginitian ko lang sila.

"Sabi na eh. Sino naman Bro?" Tanong ni Drew.

"Eh sino pa ba? Isa lang naman ang favorite nyang pagtripan di ba? Si KC!" Banat ni Migs.

"Alam mo Bro, di kita maintindihan. Kung type mo si KC, bakit di mo ligawan? Hindi yung ganyan, tintrip mo palagi. Luma na yang style mo eh. Ayan, kunwari tinitrip trip mo, yun pala crush mo. Yan tayo eh!" Nag-highfive pa ang dalawang mokong.

"Di ko sya crush mga Bro's! Sya ang may crush sakin. Believe me." Sagot ko naman agad agad.

"Sus! Style mo bulok! Sige pa, deny lang ng deny hanggat kaya pa." Pang aasar nitong si Migs.

"Oo nga Bro. Sige ka maunahan ka pa ni Migs. Alam mo namang type ni Migs yun." Banat ni Drew.

"Ano ka ba Bro! Crush lang naman yun no. Pero kung type mo naman talaga sya Sam, sige na sayo na sya." Sagot ni Migs.

"Kung makapagpa-ubaya ka naman dyan Bro, parang girlfriend mo na ah." Nagtawanan na lang kami at kung saan saan na napunta ang usapan namin.

Kaya mahal ko tong dalawang gago na to eh, dahil sobrang kasundong kasundo ko. Pero hoy, di ako bading ha! Ang daddy ko lang...

(KC's POV)

Hala! 7 am na, asan na ang dalawa kong minions? Este bestfriends!?

"Ay anak ka ng ina mo!" Yan ang nagiging reaksyon ko tuwing ginugulat ako nitong mga loko kong tropa.

"Kanina ka pa dito?" Tanong ng napakalusog kong kaibigan na si Chacha. Charity name nya, nakita daw kasi sya ng umampon sa kanya sa isang charity event. Pero yung isang 'cha' ay para sa chu-bby! Pano ba naman, busog lusog talaga tong babaitang to eh. Masyado napabayaan sa kusina, favorite place nya yun eh.

"Oo. Kaninang kanina pa, tinulungan ko pa nga si Lady Gagard na magbukas ng gate ng school natin eh." Lady Gagard, yun ang tawag naming lahat sa babaeng security guard ng school namin.

"Talaga?" Tanong ng napaka-kerengkeng na beki kong kaibigan na si JB, oh, kala nyo Justin Bieber no? Justin lang. Justin Bautista. Pero kaya JB, ayon sa kanya, Justin Beautiful daw. Pero para samin ni Chacha JB is for Justin Beki. Bwahahahaha!

"Oo! Itanong mo pa sa kanya." Nung mukang paniwalang paniwala na si JB na tinulungan ko ngang magbukas ng gate ng school si Lady Gagard...

"Syempre joke lang yun! Ikaw naman. Masyado kang mabilis maniwala eh. Di mo ba nagets na joke joke lang yun? To talagang baklitang to oh."

"Ano?!" Tanong agad nya habang nakamangot ang fez.

"Sabi ko, to talagang magandang to oh" Ayaw nya kasi na tinatawag namin sya na bakla, gusto nya girl na talaga ang ituring namin sa kanya.

"I know right!" Paniwalang paniwala naman sya na maganda sya. Yaan na, pagbigyan na lang natin at libre lang naman ang mangarap.

"Uto uto talaga no?" Bulong sakin ni Chacha na tuwang tuwa na with matching hampas pa!

Bigla kaming napatahimik ng dumaan na ang grupo nila Sam.

Ewan ko ba kung bakit sa dinami dami ng upuan dito sa buong cafeteria, sa tapat pa talaga namin sila umupo. At sakin pa talaga humarap tong Sam na to. Hay nako, sign na to na mabubwisit na naman ako. Bakit ba lagi ako ang target nya ha? Ako, lagi na lang ako. Hay.

"Ganda!" Pang-aasar na naman nitong si Sam. Oo alam ko naman na maganda talaga ko, pero kailangan pa ba nya talaga ipagsigawan sa madaming tao? Well, kahit ilang beses pa sya sumigaw ng 'ganda' hinding hindi ako lilingon. Neknek nya! Di na nya ko maaasar. Bwahahaha!

"Hi HandSAM!" (Handsome daw? Baka handSAMA kamo!) Sagot naman ni Barbie na feelingera, feeling nya sya yung tinatawag na 'ganda'. Sya ang cheerleader namin sa school at ang pinakamaarting babaeng nakilala ko sa buong buhay ko.

"Hi." Oh? Bat biglang nag-iba mood nitong si Sam. Yung muka nya kanina ansaya saya tas nung dumating sila Barbie parang dinaanan sya ng bagyo. Matagal ko ng napapansin yan eh, parang wala syang kaamor-amor kay Barbie. Maganda naman si Barbie, sama nga lang ng ugali. Pero bakit kaya parang di nya feel si Barbie?

Bigla na lang nawala sa isip ko ang iniisip ko ng marinig ko ang ubod ng lakas na bell. Eto na, start na talaga ng school year! Wooo. Good luck!

-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•

Hello guys! First ko na tagalog story yan. Para mas feel na feel ko ang pagkukwento. Haha. Sana basahin nyo to, please? :) Sa mga magbabasa, advance Thank you na! Godbless everyone :)

Why Why LOVE <3?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon