Chapter 18: The Heartbreaking Moment

145 7 0
                                    

(KC's POV)

Ang saya ng naging christmas ko last year! First time ko kasi na hindi napa-bilang sa grupo na SMC or Samahan ng Malalamig ang Christmas. Haha. At syempre, di lang ako happy dahil sa may lovelife na ko, masaya tong naging pasko ko kasi mas madami na ko nakasama na kaibigan, at nakatulong pa kami sa mga napinsala ng pesteng bagyo na si Yolanda sa Tacloban.

Masaya din ang naging new year ko, una, kasi di na din ako kasali sa SMY or Samahan ng Malalamig ang New Year. Haha. At masaya ang naging pagsalubong ko sa bagong taon dahil, niregaluhan ako ng love na love kong Mamu at Mamita ng iPhone 5S at iPad Air :-) Yey! Happy kid here :D

So after ng mga holidays, back to reality na ko. Back to school. Hay. Simula na naman ng paghihirap sa 4th year. Pero okay lang, graduating na naman kami eh. Mamimiss ko din tong school namin kahit anong mangyari.

Nakakaasar lang ngayong pagbalik namin sa school. Yung family kasi nila Sam nagbabakasyon ngayon sa Paris, halos 1 month na nga sila dun eh. Hay. Miss na miss na miss ko na ang aking Buko ;-(

Wala tuloy ako gana pumasok sa school. Haha. Now I know the feeling, yung minsan, kaya ka lang papasok sa school, kasi may gusto kang makita. Haha. Sana bumilis na ang oras, araw, para makabalik ka na dito Buko ko :|

(Sam's POV)

Ang ganda talaga dito sa Paris! Ang gaganda ng mga pasyalan, pero wala na talagang mas gaganda pa sa pinakamamahal kong Pandan. I miss her so much. The truth is, ayoko naman talaga sumama sa parents ko dito. Pero I need to, kasi ngayon lang namin ulit makikita yung twin-brother ni Tito Jake, si Tito Jay for almost 2 years.

Pero kampante naman ako, kahit magkalayo kami ngayon. Good girl naman yun eh, alam kong wala yung gagawing kalokohan dun. Haha. At hindi talaga sya makakapagloko dun, dahil habang wala ako, pinaki-usapan ko si Migs na bantayan muna si KC. Mapagkakatiwalaan ko naman yun si Migs eh, pati na din si Drew. Pero kasi si Drew, walang paki-elam yun sa mundo, kaya di ako sure kung mababantayan nya si KC habang wala ako.

Pero excited na talaga ko, kasi almost 1 week na lang, uuwi na kami! Yey! Makikita at makakasama ko na ulit si Pandan ko.

(KC's POV)

Simula ng umalis si Sam ko, bantay sarado na ko dito kay Migs. Di ko naman to maintindihan si Sam, bakit ibinilin-bilin pa ko kay Migs. Ano bang tingin nya sakin, 5y/o? Akala mo naman may gagawin akong masama para pabantayan pa. Haha.

First class namin is science, pero dahil wala din si Sir Jake, vacant ulit kami. Wala din kasi sub eh.

"KC, gusto mo sumama pumunta sa library?" Pag-yayaya ni Migs sakin.

"Sige sama ko!" Makasama na lang din kay Migs, wala naman magawa dito eh. Si JB at Drew absent. Sila Barbie nag-papractice ng sayaw, si Chacha naman busy na busy, kasi nakalimutan nya gawin yung homework nya sa math.

Pagpunta namin sa library, walang katao-tao, kahit yung librarian. Tapos di pa mahanap ni Migs yung libro na gusto nya hiramin.

"Nakakaasar naman. Pumunta-punta pa tayo dito sa library, wala naman pala yung libro na hihiramin ko." Pagrereklamo ni Migs.

"Chill. Di naman nasayang pagpunta natin dito eh. May hihiramin din akong libro."

"Ano namang libro yun?"

"How To Have A Healthy Relationship."

"Gustong-gusto mo talaga na tumagal kayo ni Sam no?" Tatawa-tawang tanong ni Migs.

"Hmm. Pwede din. Wala na naman akong hahanapin pa kay Sam eh. Mabait, gwapo, matalino, matapang, gwapo ulit, tapos sporty, at gwapo ulit. Oh ano pa ba, di ba?"

Why Why LOVE <3?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon