Chapter 25

69 6 0
                                    

(KC's POV)

*FLASHBACK*

*knock knock*

"Sino po sila?" "Ay Señorita Cinderella" -Manang Sonya

"Manang talaga! Lagi nyo talaga ko tinatawag na señorita."

"Saan ka ba nanggaling na bata ka ha? Isang bwan kita hindi nakita, nag ibang bansa ka ba?"

"Hindi po. Ah, Manang Sonya, nandyan po ba sila (Mamu/Mamita/Jase)?"

"Ay oo. Halika na't pumasok ka ng bata ka."

Ilang steps na lang, malapit ko na ulit sila makita. God! I don't know kung ano mararamdaman ko.

"Madam, andito po si Señorita."

Manang talaga, career na career ang pag tawag sakin ng Señorita, kailang tuloy -_-

"Kace!" Nakita agad ako ni Jase, at nagmamadaling tumakbo papalapit sakin at sabay niyapos ako ng sobrang higpit, yung tipong di ka makakahinga. Bano to ah! Sya ata may galit sakin eh.

"Bitawan mo ko, di ako makahinga."

"Sorry, sorry."

"Just so you know, I'm not here to talk, I'm here for one thing. And I'm here to listen. Tell me everything that I should know. And when I say everything, I want to know everything."

Umupo kaming lahat, ang nagtinginan muna sila, para bang naghihintay ng hudyat kung sino ang unang magsasalita sa kanila.

"First of all anak, I'm so sorry.."

"Enough with that sorry."

"Okay. So here it goes, John and I, used to be best-friends. We're so close, too close kaya naman di naglaon at nainlove ako sa kanya. I thought we had that thing called 'mutual understanding' but how can that be possible, eh di naman ako ang hanap nya. Hindi tulad ko ang gusto nya. One time, we went on the party, we're so drunk, then you guys happened. Akala ko, it's a sign na we're meant to be, well, everything seems to be perfect that time. But that's what I thought, one day nasa cafeteria kami, may lumapit sa kanya na guy, ex nya pala. At dun na nawala lahat ng pag-asa ko na pwedeng magkaroon ng kami. Lumayo ako, tapos nalaman ko na buntis na pala ko. Pero kahit di pa naghihilom yung mga sugat sa puso ko, binalikan ko sya, hinanap ko sya, only to find out na wala na pala sya. Umalis na sya papuntang states. Naghintay ako, God knows na naghintay talaga ko para sa kanya, one year, one more year at ilang mga taon pa. Pero napagod na ko. I lost my hope, for that day na babalik pa sya. Kasi di ba, kung minahal nya talaga ko, kahit na alam nyang galit ako sa kanya, babalik sya. Pero naisip ko, never nga pala nyang sinabing mahal nya ko. Never nyang sinabi na minahal nya ko. Kaya napagdesisyunan ko, na hwag na lang sabihin sa inyo ang bawat detalye tungkol sa kanya. Kasi mga anak ko kayo, mahal na mahal ko kayo, at ayokong madamay kayo sa sakit na nararamdaman ko, ayokong lumaki kayo na may galit sa tatay nyo, ayokong lumaki kayo na madaming tanong sa isip nyo."

"Kaya di mo samin sinabi ang totoo?"

"Dahil ayokong masaktan kayo."

"So ayaw mo kong masaktan kaya di mo sakin sinabi yung totoo? Sa tingin mo, mas napasaya moko ngayon?"

"I'm sorry, I'm really really sorry."

"Tama na Ma! Akala mo ganung kadali mawawala yung sakit? Na kapag nagsorry ka, makakalimutan ko na lahat ng sakit?"

"If I could bear your sadness, I would. If I could take away your pain and make it mine, I would..."

"I would, I would? Sana nga Ma! Sana ikaw ang nasa sitwasyon ko. Para malaman mo, kung gaano kasakit."

Why Why LOVE <3?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon