Chapter 13: Relationship LEVEL UP!

184 7 0
                                    

(KC's POV)

Simula nung nagtanong si Sam na kung pwede na ba sya manligaw, palagi na kaming lumalabas na kaming dalawa lang. Lalo pa syang naging sweet. I hope hindi lang sya sweet ng dahil sa nanliligaw sya, sana if ever maging kami na, sweet pa din sya, or mas sweet pa :">

Everything seems to be perfect. Then, unexpectedly, something unexpected happened. Magka-away ang dalawa kong bestfriends. Si Chacha at JB. At ang malala pa, ang twin bro ko ang dahilan. Well, everyone knows naman na patay na patay si JB kay Jase eh. Kaya when he found out na si Chacha mismo ang nagbigay ng phone no. ni Barbie kay Jase. Galit na galit sya ng sobra pa sa sobra kay Chacha.

Hay. I hope magkabati na sila SOON! Hirap naman gumitna sa kanila eh. Syempre pag may sinamahan akong isa, sasama naman ang loob nung isa. Eh di naman pwedeng pareho ko silang samahan dahil di nga sila pwede magsamang dalawa. Yan tuloy, sari-sarili muna kami ngayon. Ayaw naman nilang magbati kahit pinagbabati ko na sila

Eto na ko sa school. Ayun! Si JB, nag-iisa. Masamahan muna, tutal nagtext naman si Chacha na malalate daw sya eh. Kaya okay lang siguro sa kanya kung samahan ko ngayon si JB.

"Hey JB!"

"Oh? Kilala mo pa pala ko?" Hala. Ano ba sinasabi nya? Bat sya nagagalit sakin? Tsk.

"JB, syempre naman no. Bestfriend kaya kita."

"Sus! Di naman ako bestfriend mo eh. Yung matabang baboy na yun!"

"Grabe ka naman JB. Chubby lang."

"See? Pinagtatanggol mo pa! Palibhasa bestfriend mo sya."

"Ano ka ba! Pareho ko kayong bestfriend no." Nakaka-jonteng naman to si JB.

"Hmp! Kaya nga BESTfriend eh. Yung the best! Isa lang yun. Di pwedeng kaming dalawa." Hay nako. Onti na lang talaga bibingo na sakin to si JB.

"Oo nga. Ang best na friend ko sa babae, si Chacha. Ang the best na friend ko naman sa lalaki, ikaw!"

Di na sya sumagot. Tas tinalikuran nya ko.

"JB naman. Ano bang kailangan ko pang gawin para magkabati na kayo ni Chacha? Magkakaibigan tayo di ba? Ang magkakaibigan, di nag-aaway, di ba?"

"Kaibigan?! Yun ba yung tinuring nya sakin simula ng binigay nya ang number ng impaktang Barbie na yan sa kakambal mo ha?!"

"JB, she just did kung ano yung sa tingin nyang tama. You know, sa lahat ng nangyayari na to, I feel so guilty. Feeling ko, it's all my fault."

"Pano mo naman naging kasalanan? Di naman ikaw nagbigay ng number ni Barbie kay Jase."

"Yes. Pero, ako yung dahilan kung bakit binigay ni Chacha yung number ni Barbie kay Jase. Akala nya kasi, by doing that, pag nagkagusto na si Barbie kay Jase, titigilan na nya ako at si Sam at magiging happy na kaming lahat."

"Happy? Ano bang nangyari? Naging happy nga ba kayong lahat?"

"Hindi. Pero sana naman magbati na kayo. I'm sure, di naman nya sinasadya na masaktan yung feelings mo. Ako na ang nahingi ng sorry for her."

"No. Makikipagbati lang ako sa kanya pag sya ang unang nag-sorry sakin." Sh*t. Pride talaga oh.

"You know that will never happen. Sa lahat naman ng misunderstandings nyo kahit sya ang may kasalanan, ikaw ang unang nagsosorry, remember?"

"Yeah. But not anymore. Let's see kung sinong mas matigas samin. For sure di naman nya kayang mabuhay ng wala ako no." Wow ha!

"Kaya kong mabuhay ng wala ka! Hindi ka pagkain! Hwag kang assuming!" Biglang sagot ni Chacha. OMG. I think she heard lahat ng napag-usapan namin ni JB. Gera to! Sh*t.

Why Why LOVE <3?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon