Chapter 3: Father's Day

237 8 0
                                    

(KC's POV)

Tong araw na to, ay isa sa mga araw na ayoko. Cause it's Father's Day. Buong buhay ko, wala pa kong binabati na "Happy Father's Day!" Eh wala naman kasi kami daddy eh. Sabi ni Mamu, di pa daw nya kami pinapanganak, iniwan na kami ni Dada. Kinuha na agad sya ni Lord. Minsan, tuloy parang gusto ko magtampo kay Lord. Parang andaya daya kasi eh, ang aga nya kinuha samin si dada. Ni hindi man lang kami nakita ng tatay namin at di man lang kami nakaranas magkaroon non kahit isang beses. At ang isa pang nakakainis, di man lang namin alam kung ano itsura nya, kung ano pangalan nya, kung anong klase ba sya ng tao, kung mabait ba sya, wala, wala talaga kaming alam na kahit na anong tungkol sa kanya. Si Mamu kasi eh, tuwing nagtatanong kami ng mga bagay tungkol sa tatay namin, kung hindi nya iibahin ang topic, magdadrama sya at eto pa ang palagi nyang sinasabi "Di pa ba kayo kuntento sa akin mga anak? Lahat naman ginagawa ko para di nyo maramdaman na parang may kulang pa sa inyo."

Pero somehow, parang kasalanan din namin ni Jase kung bakit di na kami nakaranas magkaroon ng tatay. Wish kasi namin yun kay Mamu. Na hwag na lang sya mag-asawa ulit. Kasi ayaw namin magkaroon ng kahati sa pagmamahal nya samin, at lalong ayaw namin maagaw ng sino man ang nanay namin sa amin. She's all we've got.

"Goodmorning sweetie." Finally, may umistorbo na din sakin, para matigil na ang pagsesenti mode ko dito.

"Goodmorning Mamita! Early dismissal po ulit kami later. That means, I can come with you later."

"Later? Anong meron?"

"You forgot Mamita? It's Father's Day di ba. Hindi po ba natin bibisitahin si Lolo?"

"Oh. Yes. I forgot! Sabi na nga ba may nakilimutan ako eh. Thanks for reminding me, sweetheart. Oh, get up na. Gigisingin ko pa ang kakambal mo."

"No, Mamita. Ako na lang po."

"Are you sure? Baka mag-away na naman kayo nan ha. Ang aga aga."

"Hindi po. I just have something to tell him lang po. Sige na po. I'll wake him up na."

Get ready Jase! Babadtripin na kita in 5,4,3,2..

Pagbukas ko pa lang ng pinto nakita ko na ang flying pillow na binato nya, kaya naman nailagan ko to kaagad.

"Nice try Jase!"

"Sige na, bumaba ka na. Gising na ko oh."

"Jase, nga pala agahan mo uwi mo mamaya."

"And why?"

"Sasamahan natin si Mamita. We're gonna visit Lolo."

"Oh yeah. Father's day nga pala. If meron lang sana tayong tatay, may mababati sana tayo."

"Oo nga eh. Kaso, wala naman. Tama na nga, baka mag-iyakan pa tayo dito. Bumaba ka na ha!"

While I'm on my way sa school, sa entrance pa lang naririnig ko na yung mga schoolmates ko, talking about Father's day. Nakakaasar talaga. Sometimes, gusto kong i-wish na wala na lang Father's day, wala naman din silbi yun para sakin dahil wala naman ako tatay. Pero, ang selfish ko naman para hilingin yun, eh ako lang naman ang walang tatay.

"Hoy KC!" Nawala na ang pagsesenti ko ng ginulat ako ni Chacha.

"Ui. Andyan na pala kayo. What's up?"

"Eto, excited na! Mamaya kasi after class, magdidinner date kami ng buong family, para i-celebrate yung Father's day." Excited na sinabi ni JB. Bigla naman syang siniko ni Chacha. Alam naman kasi nila na wala akong tatay eh.

"Sorry. KC kasi, tinanong mo pa ko ng 'what's up?' yan tuloy na-excite akong ikwento yun."

"Ano ba kayo? Okay lang naman sakin na pag-usapan nyo yung mga plans nyo para sa mga tatay nyo. It's their day. Ayoko naman ma-spoil yung excitement nyo dahil lang sa alam nyong o.p ako sa usapang ganyan."

Why Why LOVE <3?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon