Chapter 12: PAG-AMIN <3

170 7 0
                                    

(KC's POV)

Simula nung moments namin sa storage room ng Theater Club, tuloy-tuloy na yung pagiging mabait nya sakin. Lagi nyang pinagsasama yung tropahan nya sa tropahan ko, pag lunch time. Tapos di sya nauwi hanggat di pa nadating yung sundo ko. Hay. Kulang na lang talaga ay magtanong na sya kung pwede manligaw. Everyone's asking kung kami na daw. Duh! Di ba pwedeng manligaw muna bago maging kami? Hahaha! Syempre, I'm not easy to get naman no.

First class namin ang P.E, sobrang excited ang lahat, kasi wall climbing ang gagawin namin. Tapos we have a game pa, pabilisan makaakyat! I'm not that excited kasi it's not my 1st time. Nung bata kaya kami ni Jase palagi namin yang ginagawa. Well, kaya naman excited ang iba, kasi 1st time lang nagkaroon ng wall climbing sa p.e.

So, nagstart na ang game, at magkalaban ang girls at boys. Si Sam ang napartner sakin, sya ang makakalaban ko. Well, I'm confident na mananalo ako, kasi matagal ko ng ginagawa to at natatalo ko si Jase dito. Haha!

Turn na namin ni Sam. I'm nervous. Kasi sya ang kalaban ko. And matagal na din yung last time na ginawa ko to. Sobrang bilis ng kolokoy na to. Di ko alam kung sya ba si Spider Man or Monkey Boy or baka naman sya si SpiderMonkey! Hahaha. Ang bilis nya talaga. Ilang akyat na lang panalo na sya, pero oops! Nahulog sya.

"See? I'm fallin for you!" With matching kindat pa. At dahil sa napaka-lakas ng boses nya nung sinabi nya yun, naghiyawan ang mga classmates namin na para bang kilig na kilig sa loveteam namin.

After ng match namin, nilapitan nya agad ako at binigyan ng tubig at bimpo. How sweat, este sweet!

"Bakit ka nga pala nalaglag? Madulas ba yung nahawakan mo? Okay ka lang ba?" Ui, concern concernan ang peg ko. Hahaha!

"Actually, di talaga ko nadulas. Sinadya ko lang talaga na malaglag para masabi ko sayo yung sinabi ko kanina. Ang sweet ko di ba?" Sh*t! Ang cute nya talaga lalo na kapag kumikindat. Hahaha! Achuchu :">

(Sam's POV)

I never thought na magiging ganito akong kasaya. Kala ko kasi lahat ng girls, parepareho lang. Pero iba talaga si Kylie Cinderella, ibang-iba. And that's why I like her so much! Dati, di ako sweet sa mga nagiging chika babes ko, kasi nababaduyan ako eh. Lalo na yang mga pick-up lines na yan. Corny kaya! Pero ngayon, kahit masabihan na ko ng baduy at corny ni Migs at Drew, okay lang. Basta para kay Kylie babes :">

Eto pang isa ang never kong ginawa sa naging chika babes ko, ang hatidan sya ng pagkain. So, I'm on my way sa court dahil andun si Kylie babes. Pag pasok ko ng entrance ng court, may malupit na nag-welcome sakin. Guess what? Ang flying volleyball ball na binato ng captain ball ng team na si Kylie Cinderella! Ouch, that hurts!

"Sam! Sam! Sorry, sorry. Di ko sinasadya, di ko talaga sinasadya. Okay ka lang ba ha? Okay ka lang?" Imbis na magalit ako dahil nasapul ang ulo ko, di ko kaya. Kasi si Kylie naman yun eh. Nakakatuwa sa feeling na concern sya sakin. Nakakatawa pa syang mag-alala, paulit-ulit kasi yung bawat sinasabi nya. Mehehe! Cute :">

"Kailangan ko na ata magpa-check up." Hinawakan ko ulo ko habang sinasabi ko yun. Actually, di naman sya sobrang sakit. Umaarte lang ako, kasi ang cute talaga sobra ni Kylie kapag nag-aalala sya.

"Hala! Bakit? Ano bang nararamdaman mo?" Concern <3!

"Kasi, may nararamdaman na ko.... SAYO!" Everyone says "YIEE!" to us.

Tinulak nya ko, pero di sya galit. Nakangiti sya at pulang pula na parang kamatis. Ganda nya oh!

"Teka, nagpaparamdam ka ba?" Nag-bublush talaga sya. Cute nya :)!

"Bakit, nararamdaman mo na ba?" Kinuha ko yung kamay na at nilagay sa dibdib ko. Everyone says "YIEE!" again for the 2nd time. Hahaha! Ang mga fans namin oh. Tinakpan nya yung mukha nya sa sinabi ko. Alam kong kinikilig sya at nahihiya dahil nang-aasar yung mga audience. Hahaha! Cute talaga namin together.

Why Why LOVE &lt;3?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon