(KC's POV)
Almost two months na simula ng magising ako from coma. At first, I planned to pretend that I have amnesia. Para lang maturuan ng leksyon si Jase. But then, I realized na, kung di naman ako nagdesisyon para sa kanya, kung hindi lang ako nakielam sa lovelife nya, di naman mangyayari yung mga nangyari na. So, kahit na di pa sya nag-sosorry, or if ever wala syang plano mag-sorry, pinapatawad ko na sya :)
* Flashback *
The day na nagising ako from coma..
"Kace? Kace! Mamu! Mamita! Gising na si KC!" Nagtatakbo sa labas ng room si Jase para tawagin sina Mamu at Mamita.
"Asaan ako?" Naks! Lakas maka-teleserye. Bwahaha!
"Nako po! Patay!" Sabi ni Jase.
"Bakit? Anong patay pinagsasasabi mo Jase ha?" Tanong ni Mamu.
"Yan! Ganyang ganyan yung mga napapanood ko sa tv at movies. Magigising yung bida mula sa pagkaka-coma, tapos ang unang-una nyang sasabihin, 'nasaan ako?'" Sabi ni Jase with demo pa. Haha!
"Teka, sino kayo?" Eto na, career na career ko na ang pagiging best actress. Hahaha!
"Ayan pa Mamu, Mamita! Nako, ayan na nga ba sinasabi ko eh. Tamo, sunod nyang itatanong, 'sino ako?' Believe me." Hala, paniwalang-paniwala naman si Jase sa acting ko. Haha!
"Ano ba ibig mong sabihin Jase ha?" Natatarantang tanong ni Mamu.
"Mamu, I think, may amnesia sya."
"Amnesia?!" Sabay na sinabi ni Mamu at Mamita na nanlalaki ang mga mata.
"Oo. Ganyan na ganyan yung mga scenes sa mga napanood ko eh. Oh di ba, ulo ang natamaan kay Kace nung nabangga sya, tapos nacoma pa sya. So it's possible na may amnesia nga sya. Nako, hala."
"Nako, eh kung ganon, Jase tawagin mo na yung doctor dali!"
Palabas na sana si Jase ng kwarto para tawagin yung doctor, pero natauhan na din ako. Haha. Masyado kasi kong nag-enjoy sa pinapanood ko eh. Live pa! Lakas maka-teleserye netong pamilya ko eh. Hahaha. Mga o-a.
"Okay, okay, tapos na ang palabas. Ikaw talaga Jase, amnesia amnesia pinagsasasabi mo dyan!"
"KC!" Kumaripas sya ng takbo papalapit sakin at niyapos ako ng pagka-higpit higpit!
"Aray, Jase, di ako makahinga." Napabitaw sya sakin nung sinabi ko yun.
"Sorry. Sorry for everything Kace. Please forgive me." Lumuhod pa sya sa harapan ko habang sinasabi yun.
"Apology accepted. Ikaw pa ba, matiis ko?"
"Sabi ko na eh. Di mo talaga ko matitiis."
"Anak, nako, buti nagising ka na." Si Mamu din, o-a masyado, kung makayapos sakin, parang wala ng bukas. Haha.
"Oo Mamu. At sa higpit ng yakap mo baka mawalan ulit ako ng malay at di na ulit ako magising nan."
"Sorry Anak. Sorry. Hay. Salamat sa Diyos dahil di nyo pa kinuha ang anak ko. Di ko alam gagawin ko pag-nawala na sya samin."
"Mamu talaga. Oh sya tama na drama drama, pwede na ba ko kumain? Grabe fasting ko, two months. Gutom na gutom na talaga ko."
"Ano gusto mo kainin Sissy? Lechon? Chicken? Spaghetti? Ano?"
"Kahit ano! Basta edible :)"
* End of flashback *
Hay. Home sweetie home. It's good to be back! Kainis lang, medyo nasayang ang bakasyon ko. Two months ba naman akong nakahilata sa hospital. Namiss ko tuloy ang 4th and 5th monthsary namin ni Buko. Ohh, sobra kong namiss ang Buko Pandan. Almost 1 week na lang 7 months na kami :) Yey! My first boyfie, nakalagpas ng 6 months :) Sabi ng iba, once daw na umabot na ng 6 months, karamihan or kadalasan, nagtatagal :) Ohh how I wish :">
BINABASA MO ANG
Why Why LOVE <3?!
RomansaIt's not just an ordinary love story. In this story, makikita nyo what love can do, and what you can do for love :).
