(KC's POV)
Naaasar na ko sa nararamdaman ko. Yung feeling na, pag gising mo, sya agad ang gusto mong makita. Nakakaasar ka talaga Sam! Bakit mo ginagawa sakin to? Di ako pwedeng magkagusto sayo. Ay, di pala sa hindi pwede, ayoko pala na magkagusto sayo. Alam ko naman na di ka marunong maging seryoso sa isang girl, lahat sila pinapaiyak mo lang. At ayokong mapabilang sa kanila. Kaya, di talaga pwede. Ayoko, ayoko, basta ayoko!
"Hoy Kylie Cinderella! Naloloka ka na naman dyan. Kinakausap mo na naman ang sarili mo!" Buti binasag na ni twinny ang trip ko.
"Twin, nakaranas ka na ba na may gusto ka, pero ayaw mo yung feeling na gusto mo sya?"
"Hindi pa. Pero naranasan ko na yung ayoko sa girl pero gusto ko sya maging girlfriend." Proud na proud pa sya oh. Tss.
"Kahit di mo naman na sabihin, alam na alam ko na yan!"
"Sus. Osya sige na, bilisan mo na. Papasok na tayo sa school."
Pag dating na pag dating ko pa lang sa school, nasa entrance pa lang ako, rinig na rinig ko na ang halakhakan ng dalawang poklay na to, si Chacha at JB.
"Hey dear! I found out something!" Sabi na eh. May chika na naman tong baklang to.
"Ano na naman yun?"
"I know what is Victoria's Secret!" Ay sus. Akala ko naman totoong chika. Joke lang pala.
"Oh, what?"
"Her secret is, she used to be Victor!" Tuwang tuwa sila sa joke nila. Nakitawa na lang ako, kahit di naman talaga benta, baka naman kasi malugi eh. Hahaha!
"By the way, nakita mo na ba yung manliligaw neto ni Chacha? He's such a freak. Weirdoo!" Eto talagang si JB napaka-laitero.
"Oo nakita ko na. Okay naman ah. Insecure ka lang! Kasi mas maganda sya sayo if gay sya."
"Hindi naman lahat ng nanlalait ay insecure. Bakit, masama bang magdescribe?"
"Hindi naman sa masama, pero kung mag-jujudge ka, make sure that you're perfect. Eh bakit, perfect ka ba?" OH BURN! Hahaha.
"Osya sige na pasensya na."
"Eh ikaw Cha, what do you think?"
"Di naman kasi sya gwapo eh."
"Alam mo, di naman batayan ang itchura pag nagkagusto ka. Mas masarap ngang magustuhan yung di man mukang pangrampa, alam mo namang gustong gusto ka mula ulo hanggang paa." YUN OH! Hahaha!
Sana natauhan na sya sa mga sinabi ko. Di naman kasi talaga importante ang itchura ng tao eh. Well, sa una yun talaga ang tinitignan. You'll find something attractive sa isang tao. Pero ang importante talaga ay ang kabutihan ng kalooban.
Habang nasa classroom kami, at hinihintay si Sir Jake, kinukulit ako ng kinukulit nitong Yabang Trio, si Sam, Migs at Drew.
"Kylie, may ipis oh!" Pasigaw na sinabi ni Sam. Kaya naman umakyat ako sa upuan.
"Joke lang!" Tawanan naman tong tatlong pugo na to! Sa sobrang asar ko kay Sam, dahil tinakot na nga nya ko tas ngayon naman tinatawanan nya ko, kinagat ko sya sa braso. Ugali ko yun, since bata ako. Haha!
"Aray! Ang sakit!" Naguilty naman ako sa ginawa ko. Alam ko naman na masakit ako mangagat eh.
"Osya sorry naman."
"Sorry daw. Sinaktan saktan mo ko, tapos ngayon magsosorry ka! Para tong tanga."
"Eh mas tanga naman kung magsorry muna ko, bago kita saktan di ba?" Sa sinabi kong yun nagtawanan ang lahat. Sabay "ehem" ng teacher namin na kanina pa pala nakatayo sa may pintuan at nanonood sa pinag-gagagawa namin. Ang babait talaga ng classmates ko, ni isa wala man lang nag-warning na andito na pala si Sir Jake. Dahil sa nangyare, na-detention kami. Hay asar!

BINABASA MO ANG
Why Why LOVE <3?!
RomanceIt's not just an ordinary love story. In this story, makikita nyo what love can do, and what you can do for love :).