(KC's POV)
Pansin ko na parang umiiwas samin si Chacha. Nung saturday kasi eh, niyaya namin sya manood ng movie, gustong gusto nya pa naman panoorin yung Momzillas, pero di sya sumama samin ni JB, tinatamad daw sya. Tapos kahapong sunday, pupunta sana kami sa SM, may mall show kasi si yung cast ng Maria Mercedes, crush na crush nya si Papa Jake Cuenca pero di din sya sumama dahil wala daw sya sa mood gumala. Ano kaya problema ng babaeng to? Di din nagtetext at tumatawag samin ni JB, di din nag-oonline sa facebook, twitter, instagram, skype. Nakakapanibago talaga sya. She's acting like that since nung friday, nung nagka-usap sila ni Tristan sa school. May kinalaman kaya si Tristan kaya nagkakaganyan si Chacha? Lagot sakin yang mokong na yan.
"Kace! Tara na, hatid ka na namin sa school mo!" Namin? Sino bang kasama nito ni Jase?
"Oo, eto na pababa na."
"Goodmorning Kace!" Pambihira! Bakit andito tong si Tristan? Kaaga-aga eh, dumadayo agad.
"Anong ginagawa mo dito?!"
"Dito ko natulog kagabi, wala kaming pasok ngayon eh."
"Ba't di ko alam na dito yan matutulog Jase?"
"Aga mo kasi nakatulog, kaya di ka na namin ginising kagabi. Ano, magchichikahan na lang ba tayo dito? Tara na, ma-lalate ka na!"
Habang nasa kotse kami, otw sa school ko, napapansin ko na titig ng titig to si Tristan sakin.
"Bakit? May dumi ba ko sa mukha?"
"Wala naman. Ang ganda mo lang kasi talaga eh." Bakit ako natutuwa sa sinabi nya? Di ba galit ako sa kanya? Tss. Kainis!
"Ewan sayo. Maghanap ka ng kausap mo!"
"Okay. Jase, usap tayo." Nang-aasar talaga tong Tristan na to! Kaasar!
Walang masyadong traffic kaya maaga ko nakadating sa school.
"Have a good day Kace!" Ngingiti ngiti pa tong Tristan na to. Tse!
"Hindi na to good day, nakita kasi kita eh. Ingat Jase!"
Pag-alis ng dalawang mokong, sinalubong agad ako ni JB at Chacha.
"Bakit hinatid ka ni Tristan? Nililigawan ka ba nya?" Nakakagulat naman tong tanong ni Chacha.
"Ha?! Di ah! Dun kasi sya natulog samin kagabi. Di ko nga yun alam eh. Nakita ko na lang sya ngayon umaga, eh wala sila pasok ngayon kaya sumama sya sa paghatid."
"Okay okay. Akala ko eh."
"Teka nga, bakit ayun agad ang tanong mo sakin ha?"
"Oo nga! Kagulat ka girl!" Pag-sang ayon ni JB sakin.
"Wala lang. Eh kasi di ba, nung friday, sumama sya sa pagsundo sayo, ngayon naman sa paghatid. So, ayun."
"Eh ano bang bago? Lagi naman sila magkasama ni Jase kahit saan di ba? Tsaka di naman eto ang 1st time."
"Hay nako. Tama na nga ang chikahan, malalate na tayo. Tara girls." Buti nagyaya na to si JB, kung hindi baka late na kami. English pa naman. Lagot kame kay Ms.O pag nalate kame.
(Sam's POV)
Nakakainis, aga ko na naman nagising. I really don't like Mondays, pero tuwing naiisip ko na makikita ko naman si Kylie Cinderella, napapabangon agad ako sa kama. I don't know what's happening to me. What if, inlove na pala ko sa kanya? Anong gagawin ko? Pag dating ba sa love, will I listen to what others are saying or to what my heart is shouting? Dang! Ayoko masira friendship ko kay Migs. Naguguluhan na talaga ko. Help me Lord!
BINABASA MO ANG
Why Why LOVE <3?!
RomansaIt's not just an ordinary love story. In this story, makikita nyo what love can do, and what you can do for love :).
