Chapter 2 : Ouch, that hurts!

261 8 0
                                    

(KC's POV)

6 am na! Kailangan ko ng gawin ang daily mission ko: Ang gisingin ang napakakulit kong twin brother, si Jase.

Pagbukas ko pa lang ng pintuan sa kwarto nya, sinalubong na agad ako ng flying pillow mula sa kanya.

"Akala mo ha! Di mo na ko maiisahan!" Pang-aasar pa nya habang tatawa tawa pa.

"Mamita!!!!!!!" Hahaha. Lagot ka ngayon kay Mamita!

"Ui, halika nga dito" bigla nya kong hinigit sa kama nya ng marinig nya na paparating na si Mamita.

"Ano na naman bang kaguluhan yan ha?"

"Mamita, si KC kase ang arte, binigyan ko lang ng power hug nagsisigaw na" sinasabi nya yun habang nakayakap sakin.

"Yucky talaga! Eeww! Pano ba naman ako hindi madidiri, eh naaamoy ko yang hininga mo. Nagtoothbrush ka ba kagabi ha?"

"Oo naman" at hiningahan pa nya ulit ako sa mukha. How gross. Yuck!

"Osya sya, tama na yan. Bumaba na kayo at ready na ang breakfast. May pasok pa kayo. Baka malate kayo nan. Baba na!"

"Opo Mamita" sabay naming sagot ni Jase habang nagkatinginan.

"Lakas mo talaga! Nagsumbong ka agad kay Mamita. Para kang bata dyan" Yup, malakas talaga ako, kay Mamita! Favorite ako nan eh. Si Jase naman ang favorite ng Mamu namin. Nung bata kase kami, ayaw magpakiss ni Jase kay Mamita at ayaw nyang sumama sa shopping, eh ako go lang ng go, kaya kami talaga ang naging mas close ni Mamita. Si Jase naman, napakalambing kay Mamu. Mama's boy yan eh, kaya sila ang naging mas close.

"Hay nako. Ikaw pa tong nagagalit dyan. Ikaw nga tong nambato ng unan dyan eh. Sakit kaya!" nagpupuppy eyes pa ko para mukha talagang nakakaawa.

"Patingin nga." Hinawakan nya ang mukha ko sabay nagsorry na parang napilitan lang.

"Kung magsosorry lang, hwag naman labas sa ilong!"

"Ang arte talaga oh. Bumaba ka nga. Nakaboxers lang ako eh. Chupe!"

Nagdali dali na kong tumakbo. Ayaw ko sya makita na nakaboxers no. Mamaya, butas butas pa yung boxers nya. Halos lahat kasi ng boxer shorts nya butas, kasi pinangatngat ko kay Snow white, ang pinakacute na aso namin.

Habang nagbebreakfast kami,

"Mamu, pwede padagdag ng allowance ko?" paawa effect pang sinasabi ni Jase.

"Bakit? Kakabigay ko lang ng allowance nyo kahapon ah."

"Eh Mamu, ano kase eh. Nadekwat yung pera ko. Habang nasa labas kami ng school ni Tristan. May nag-snatch." Tsk. Liar Jase!

"Pero di na lang nya sinabi sa inyo dahil ayaw nyang mag-alala pa kayo." Sabat ko naman, na ikinalaking gulat ni Jase.

"Oh ano gulat ka no? Kasi alam ko yung susunod mong sasabihin. Neknek mo Jase! Narinig kita kagabi no bago matulog. Pinapractice mo kung anong gagawin mong palusot kay Mamu. Tsk."

"Totoo ba yan James Calvin?" Yan ang sign na badtrip si Mamita samin. Once na tinawag nya kami sa buo naming pangalan.

"Eh saan mo naman ginastos yung allowance mo kung hindi ka naman talaga nasnatchan ha Jase?!" Galit na tinanong ni Mamu. Bago pa sumagot si Jase, inunahan ko na sya.

"Ah eh..."

"Sa arcade. Nag-mall sila kahapon ni Tristan, Mamu."

"Pano mo nalaman na yun ang sasabihin ko? Di ko naman pinractice yan kagabi ah."

"Kasi nakita ko kayo ni Tristan kahapon sa mall." Ay sh*t! Nadulas pa ko. Patay!

"At pano mo sila nakita? Ibig sabihin nasa mall ka din kahapon?"

Why Why LOVE <3?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon