Chapter 14: FIRST DATE :-)

163 8 0
                                    

(Sam's POV)

Sobrang saya ko, cause finally, kami na ng babaeng gustong gusto ko talaga. At first, akala ko napepressure lang ako, nagpepretend, pero talaga pa lang nainlove na ko sa kanya. Because she makes me smile, she makes me happy, she makes me sad, lahat lahat na ng emotions. Ngayon, I want to make her happy like how she makes me happy. That's why I'm willing to watch that stupid horror film. Dahil gusto kong ipakita sa kanya na mahal ko talaga sya. And I will endure like 2hrs watching that film, cause I know it won't be that bad, basta't kasama ko sya.

Ideal first date ng ibang girls? Yun yung magdinner date kayo dalawa, tapos may music, may flowers and chocolates, tapos fireworks. Pero ang girlfriend ko, kakaiba talaga! Gusto lang nya manood ng HORROR film sa sinehan, sa totoo lang, di naman sa duwag ako, but that's not really my trip. Gusto ko kasing mga films, kung hindi action, comedy. Pasalamat sya, mahal ko sya kaya kung anong gusto nya, pagbibigyan ko, basta masaya sya.

While we're watching the movie, napapapikit na ako at sinasabi ko sa kanya na di naman nakakatakot yung film, kaya inaantok tuloy ako. But the truth is, nagugulat ako kaya napikit pikit ako. Hahaha!

Finally, after almost 2hrs, natapos na din yang bwisit na film na yan. Makakahinga na din ako ng maluwag.

"Ganda nung movie no?" Ngiting ngiting tinanong ng girlfriend ko.

"Di naman. Nakakaantok nga eh."

"Sus! If I know, kaya ka papikit pikit kasi natatakot ka sa mga nalabas dun sa movie."

"Ako? Takot? Sus! Di ah." Kung alam mo lang, tama ka dyan. Haha!

"Sige deny lang ng deny. Para sa next date natin, horror ulit papanoorin natin!" Hala! So alam nyang takot ako, kaya ayoko manood ng horror films?

"Ha? Deny?"

"I heard from Migs and Drew na never ka daw nanood ng movie na katatakutan kasi mabilis ka daw matakot." Gago yung dalawa ah!

"Nakakahiya mang aminin, pero oo, medyo matatakutin nga ako. Pero medyo lang ha!"

"Kaya nga, I didn't expect na papayag ka to watch that horror movie with me eh."

"Bakit naman hindi? Alam mo, I will do everything I can para sayo, it doesn't matter kung ayaw ko o gusto ko yun. What matter is, masaya ka. Kasi pag alam kong masaya ka, masaya na din ako ;-)"

"Aww. I'm so happy to have you! So, let's go na, Buko?"

"Sure Pandan!"

At sa wakas may tawagan na din kami 'Buko Pandan'. Yun kasi ang paborito naming flavor :D

(KC's POV)

First time kong nag-HHWW (Holding Hands While Walking) with someone, in public. Syempre, first time ko lang naman magka-boyfriend eh, at first time ko lang din makipag-date. While we're walking, feeling ko may mga matang nakatingin samin.

"Yun oh! Sobrang cheesy talaga!" Biglang banat ni Migs.

"Parang greenwich pizza!" Duksong naman ni Drew.

"Ano ginagawa nyo dito dalawang kolokoy?" Natatawa kong tanong.

"Wala lang. Balita kasi namin ngayon ang first date ng newest couple sa school eh. Syempre dapat masubaybayan namin ang mga pangyayari sa lovelife nyo di ba?" Loko loko talaga to si Migs kahit kailan. Hahaha.

"Hoy, kayong dalawa, umuwi na kayo bago pa mag-init ang ulo ko." Mukang ma-bbv na nga si Sam ah.

"Pwede bang maki-join?" Tanong ni Drew with puppy eyes.

Why Why LOVE <3?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon