Chapter 17: Barkada Christmas Party

1.6K 5 0
                                    

(KC's POV)


Had a super happy and exciting weekdays this week! It's because nagsimula na ang simbang gabi, and Kris kringle na namin magtotropa. I remembered last saturday ng magbunutan kami for monito/monita. Kaya lang hindi si Sam ang baby ko. But it's okay, kahit naman hindi sya ang monito ko, pwede ko pa din naman syang regaluhan eh :-).

*Flashback*

•Monday (Something sweet)•
Pagkadating ko sa school from simbahan, dahil sumimba ko sa 1st day ng simbang gabi and I'm so proud of that, derecho agad ako sa locker ko, to check if nag-iwan na ng regalo ang monito/monita ko. And oh yes! Meron na nga :-). When I opened the paperbag, I was shocked! Yung mga trip kong chocolates ang laman (Hershey's Kisses, Cadbury Dairy Milk and Ferrero Rocher) WOW! I think alam ko na kung sino ang monito ko. Syempre si Sam! Clue na yun eh, alam nyang favorites ko yun, tapos 3 pa, meaning- ILOVEYOU. OMG! Hahaha <3

Pagkatapos kong kunin yung gift na natanggap ko, iniwan ko na sa locker ng monito ko na si Migs ang gift ko, it's a chocolate cake from Goldilocks. Haha.

I'm the luckiest! Ang mga natanggap kasi ng iba ay chocolates din. Pero tig-isa lang sila. But me, I got 3! Yey!

•Tuesday (Something Reminiscent of Childhood)•
Pagkadating ko ulit sa school from simbahan ulit syempre, yun ulit ang ginawa ko. Derecho agad agad sa locker. Excited talaga ko makakuha ng gifts eh. Pagpunta ko dun, meron na nga. Wow, aga palagi ah. Pagbukas ko ng regalo, BARBIE DOLL. Hmmm. Parang nafeel ko tuloy na hindi si Sam ang monito ko. Baka si Barbie. Eh kasi, yan ang clue, BARBIE. Kagaya na lang ng name nya. At pagkatapos iniwan ko na yung regalo ko kay Migs na mga laruang kotse.

•Wednesday (Something embarrassing to carry in public)•
This is the funniest theme in our Kris kringle (so far) :-). I got broomstick! Hahaha. Yeah I know it's weird and embarrassing to carry in public. But it's fine, kasi HARRY POTTER FAN naman ako eh. Haha. And mas nakakatawa naman ang natanggap ng mga friends ko. Si JB, sanitary napkin. Si Chacha, dustpan. Si Steph, basahan. Si Barbie, floormop. Si Drew, panty. Si Sam ko, poster of ONE DIRECTION. Hahaha! Sino man ang nakabunot sa kanya, thank you! Hahaha. At ang gift ko sa monito ko is 'BRA' na neon colors pa. Haha. The funny thing about this theme, kailangan ipakita namin sa lahat yung nareceive namin na gifts. Kasi nga the theme is 'Something embarrassing to carry in public' kaya dapat makita din ng madlang people. Hahaha. Ngayon, I feel na si JB ang nakabunot sakin. Kaming dalawa kasi ang #1 FAN ng HARRY POTTER :-)

•Thursday (Something that represents you)•
When I saw my gift, feeling ko Valentines day. Haha! Kasi simula sa wrapper with hearts design, tapos lalagyan ng food na heart, then finally yung mamon na korteng puso. Feeling ko naman ngayon, si Chacha ang monita ko. Kasi, palagi nya sinasabi sakin "Meron ka talagang pusong mamon" And see, mamon na korteng puso to. At isa pa, mahilig yun sa mga heart na design.

Pagkatapos ko, dating gawi, nilagay ko na sa locker ni Migs yung gift ko na tshirt with star designs. For me kasi, star sya. Kasi isa sya sa star player sa basketball team eh. Haha.

•Friday (Something beautiful)•
Pagpasok ko sa school, at pagkacheck ko sa locker ko, himala! Wala pa yung gift ko. Well, mahaba pa naman ang araw. Baka mamaya pa ibigay ng monito/monita ko yung gift ko.

Lunch time na, pero wala pa din ang gift ko. Dami ko tuloy naisip. What if someone took it? Or what if tinamad na syang magbigay ng gift. Or baka wala pa syang pera pambili ng gift. Or baka naiwan nya sa bahay nila yung gift. Or baka naman namisplace nya dito. Hay. Ano ba naman kasi, kainggit. Lahat na sila nakatanggap ng gifts. Nabigay ko na nga din sa monito ko yung gift ko na abstract painting, napansin ko kasi na mahilig sya sa mga ganun. Kaya ayun ang binigay ko.

Ay mag-uuwian na. Sana pagkacheck ko, meron na :-(
Ooops! Yey! Meron na nga :-)!
Madaling madali agad ako na lumapit sa locker ko, pagbukas ko ng gift ko, photo album. Pero eto na ata ang pinaka-cool na photo album na natanggap ko. Photo album tapos lahat ng pictures ko andito. Wacky, stolen, serious at selfie shots ko nandito. Ayiee! Eto na, final na! Si Buko nga ang monito ko <3

Bago kami mag-uwian, pinakita namin yung mga nareceive namin na gifts. Pinakita ko sa kanila ang BEAUTIFUL photos ko, jk! Haha. At medyo mukhang seryoso si Buko. Kaya medyo nag-aalinlangan din ako kung sya nga ba monito ko o hindi. O baka naman umaarte lang sya na ganyan para di ko isipin na sya ang monito ko? Hmmm. Well, 1 day na lang naman at revelation na. So malalaman ko na din kung sino ang monito/monita ko :-).


*End of flashback*

And now it's SATURDAY! Just got home from church, 6th day na ng simbang gabi :-)
Mamaya, we (Sam,Migs,Drew,JB,Chacha,Barbie&Steph) have a christmas party sa may court malapit sa school namin.
Revelation na! Finally, malalaman ko na din kung si Buko nga talaga ang monito ko. Kasi medyo naguguluhan pa ko eh. Parang lahat sila naging monito/monita ko per theme.

Now I'm gonna rest for a bit, kasi maya-maya mamimili na kami ng foods nila Jase and Tristan. Meron din kasi silang christmas party with their teammates.

At tapos na kong magrelax dahil dumating na ang dalawang kolokoy. Start na kami mamili sa SM :-)

After almost 1 hour sa supermarket, tinatamad pa kaming umuwi, kaya naman kahit sobrang aga pa, nag-arcade na kami. Yahoo! Tagal ko na din di nakakapag-arcade eh. Medyo naging busy sa school dahil graduating na kami eh.

At inabot na kami ng siyam-siyam! Kung di pa kami sinundo nila Mamu at Mamita di pa namin mamamalayan ang oras. Kaya ayun derecho uwi na agad kami.

Ay. Medyo madami pa kong gagawin. Kailangan ko pang tulungan si Mamita na magluto ng specialty nyang 'Pancit Palabok' at si Mamu sa paggawa ng oreo cheesecake. Ako kasi nakatoka dun. Tapos maliligo pa ko, at dapat maaga ko pumunta sa venue kasi magdedecorate pa kami dun. Pero keri lang yan. Sisiw yan samin ng Powerpuff girls :-)!


After 4 hours....


Start na ng aming masayang Christmas party :-)! May special guest pa kami! Ang aming favorite science teacher Sir Jake!

Sya bali ang host ng party namin. Tutal wala naman daw syang gagawin ngayong christmas break and he wants to have fun. That's why we invited him.

"Goodevening everyone!" Pambating panimula ni Sir Jake.
"Goodevening Sir." Sabay sabay naming sagot na para bang nasa klase pa din kami.
"Bago tayo mag-umpisa sa ating party party, magdasal muna tayo."
After we prayed.
"Ngayon lumamon na muna tayo dahil tom jones na tom jones na ako. Dali! Lafang na!" OMG. Natawa kaming lahat sa the way na magsalita si Sir Jake. Yeah we know that he's really cool, pero di lang siguro kami sanay na ganyan sya magsalita. Palibhasa teacher namin sya kaya naman lagi pormal kung mag-usap usap kami. At ayun, lumamon na nga kami.

At eto na, revelation na! Yes! Sa wakas malalaman ko na din kung sino sa kanila ang monito/monita ko.

"Let's form a circle." Sabi ng aming napaka-gwapong host na si Sir Jake. Gwapo din neto. Lahi talaga nila ang mga gwapings. Kaasar. Haha.
"Sino gusto magstart?"
"Ako! Ako!" Excited na excited na sagot ng baklita kong bff na si JB.
"Ang baby ko ay si Steph." And he gave her perfume Tommy Girl. Yaman talaga neto ni JB. Ang daya pati! Ako never ako binigyan nan ng pabango eh. Tss.
"Ang baby ko naman ay si Chacha." Then Steph gave her customized shirts. Lucky Chacha! Yan ang trip nyang suotin ngayon eh. Mga customized stuffs.
"Ang baby ko ay si Drew." Then Chacha gave him varsity jacket. Oh di ba kahit anong init sa pinas uso talaga ang vartisy, este varsity jacket. Hahaha.
"Ang nabunot ko naman ay si JB." Everyone laughed kasi nagtutuloy-tuloy yung pagbanggit na 'ang baby ko si __' tas pag dating kay Drew di nya sinabi na 'baby' nya si JB.
"Bakit ayaw mong sabihing ako baby mo Drew?" Nag-iinarteng tanong ni JB. Hahaha. Wawa!
"Arte neto talaga oo. Oh eto na." Inabot nya yung sumbrelo at tshirt na pink. Since favorite naman talaga ni JB ang penk, este pink. Haha!
"So sino susunod?" Tanong ni Sir Gwapo. Este Sir Jake. Kasi kay JB natapos eh sya na nga nag-umpisa.
"Ako na." Nagpresinta na si Barbie.
"Ang monito ko ay si Sam." Then she gave him blue jansport backpack. Wow! Lucky Sam. Hehe. Nasa wishlists nya yun eh. Eto na, si Sam na mag-rereveal kung sino ang baby nya. Tatlo na lang kaming natitira. Si Barbie, Migs at ako. I hope ako na yun. Haha.
"Ang monita ko ay si... Barbie!" Oh? That was unexpected. So, that means, si Migs ang may baby sakin? Wow. Parang partner partner ha.
Then he gave her make up kit. Mahilig nga naman kasi magmake-up ang future sis in-law ko :-)
"So, meaning nan. Kayo KC at Migs ang magkamonito, monita." Sabi ni Sir Jake. So binigay ko na yung regalo ko sa kanya. Portrait of his face. Wala lang. Wala na kasi ko maisip na iregalo eh. Besides suggestion naman yun nila Mamita. At ayoko din mag-gift ng masyadong common. Like shirts, etc.
Then Migs gave me his gift, PANDA & PENGUIN bear. Aww :"> My favorites! I'm so happy! Hihi :-)

After ng revelation, party party na! Sayaw sayawan muna habang hinahanda namin ng Powerpuff girls yung games.

"Buko, bakit parang malungkot ka? Okay ka lang ba?" Napansin ko kasi kanina pa sya walang masyadong imik eh.
"Pagod lang." Ang tamlay nya -_-
"Buko naman."
"Okay, nagselos kasi ako kay Migs."
"Ha? Bakit ka naman magseselos?"
"Ewan ko ba. Alam ko naman na di ako dapat magselos. Pero, yun yung naramdaman ko eh. Kasi tuwang tuwa ka sa mga gifts nya sayo. Lalo na ngayong revelation. Tapos sya din yung baby mo. Tss. Sayang lang tuloy yung gift ko." He looks so sad.
"Sorry Buko. Syempre kahit naman hindi si Migs yung nakabunot sakin, matutuwa ako sa mga gifts na matatanggap ko. Ngayon naman, kaya ang saya ko sa natanggap ko, kasi alam mo naman di ba yung addiction ko sa panda at penguin?"
"Yeah I know. That's why I said sayang lang yung gift ko sayo. You won't need it anyway. Cause you already have it." Already have it? Ano kaya gift neto?
"May regalo ka sakin? What? Where?" Na-excite tuloy ako :">
"Hwag na. Tatapon ko na lang. Sigurado di mo magugustuhan, kasi meron ka nga nun eh."
"Ay nako. Bahala ka nga dyan." Magwawalk-out na sana ko pero pinigilan nya ko at inabot yung regalo nya sakin.
"Buksan mo na." Ano kaya laman?
Pagbukas ko...
"OMG. Panda bear and penguin bear. Wow! Thank you." Kiss sabay hug :D
"Nagustuhan mo ba talaga?" Aba, parang di pa sya naniniwala na natuwa ako sa gift nya ah.
"Oo naman. Kahit na parehong pareho to ng gift sakin ni Migs, mas gusto ko to. Kasi galing sa mahal ko to eh ;-)." Yey! Ngumiti na din sya.
"Iloveyou Buko." While hugging him.
"Iloveyou more Pandan." Best christmas gift <3 Thanks to GOD!

After ng QT namin ng Buko ko, ayun na nag-games na kami.
1st game: PAPER DANCE (Chacha&JB),(Migs&Steph),(Barbie&Drew) and (BUKOPANDAN)
'Winner'- BUKOPANDAN :-)!

2nd game: FIND THE PISO IN THE FLOUR. Same team pa din.
'Winner'- Chacha and JB!

3rd game: PAHABAAN
2 groups na. G1(Barbie,Steph,Drew&Migs) vs. G2(Chacha,JB&BUKOPANDAN)
'Winner'- G1!

Fair na lahat. Lahat na ng team nanalo. So ang final game na namin is TRUTH OR DARE. Pero dahil gusto nga ni Sir Jake na mas maging masaya ang party, hindi na daw TOD, dapat daw DARE OR DARE. OMG. I hate that game! Hahaha. No choice kasi eh. But since, it's christmas naman, okay na din yun :-)

Mag-midnight na ng matapos ang aming ubod na, saksakan pa sa kasiyahan na christmas party :-)!

I'm so happy that everybody is happy. Wala na kong mahihiling pa na iba. Siguro, ang hihilingin ko na lang ay para sa ibang tao. Na sana maging maligaya pa din ang pasko ng mga nasalanta ng bagyo, at napinsala ng lindol.

Bukas, we're planning to go to Tacloban. Para ihatid ang christmas gifts namin sa kanila na foods, mga di na nagagamit na damit at mga gamot.

Ang saya talaga sa pakiramdam pag alam mong nakakatulong ka sa ibang tao :-) This is going to be the best christmas ever :-)



>>•<<•>>•<<•>>•<<•>>•<<•>>•<<•>

What's up guys?! Advance Merry Christmas. Advance gift na to :-) Pero, maybe before or after christmas i-update ko ulit to :-) Hope you'll take time to read it and I hope you'll like it. Thank you in advance sa mga magbabasa. Lovelove <3 Ingat kayong lahat. Godbless :-)

Why Why LOVE &lt;3?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon