Chapter 21: Love is not a competition

149 7 0
                                    

(KC's POV)

Ang saya dahil wala kaming pasok ngayon. Nag-JS kasi eh. Kaya eto, tambay kaming lahat dito sa bahay namin. First time lang kami nagkaroon ng tambay na kumpleto kaming lahat (Sam, JB, Chacha, Barbie, Drew, Migs, Steph at Tristan at syempre ako at si Jase).

Dami namin nagawa, kahit umaga pa lang. Una, nagbreakfast sila dito sa bahay namin. Tapos nagswimming kami dito sa pool namin. Tapos, nagbasketball ang mga boys (Sam, Tristan, Migs vs. Jase, Drew, JB) Yup, kasali si JB. Kung di nyo natatanong, magaling din yan magbasketball. Aba, di naman porke bakla, di na pwedeng magbasketball di ba? Tapos, nagvolleyball naman kaming mga girls. At si JB naman ang coach namin.

At ng matapos na kami magpapawis, it's time to eat na! Nanay (our yaya since baby pa kami ni Jase) cooked Puchero and Sinigang for us. Yummy :-)

Pagkatapos namin mag-lunch, nagpahinga lang ng kaunti, tas nagsports na naman kami. This time, patintero naman (Barbie, Chacha, Jase, Migs, Steph vs. JB, Drew, Tristan, Sam and Me) and we won! Hahaha. Kami pa ba ni JB papatalo? Eh bihasang-bihasa na kami sa paglalaro neto eh. Hahaha.

Next game is, Taguan ng tsinelas. At dahil si JB ang naka-isip na laruin yun, sya ang taya. Hahaha! Nakaka-ilang rounds na kami, pero sya pa rin palagi ang taya. Nakaka-awa naman. Hehe. Hay, sarap bumalik sa pagkabata. Namiss ko sobra maglaro ng mga ganito eh.

Umayaw na din sa wakas si JB after 10 rounds. Hahaha. Pano kasi, sya pa din ang palaging taya. At nag-sawa na din naman kami sa game na yun. Kaya eto na, new game na naman. Sekyo :-) Namiss ko to! Isa to sa mga paborito kong laro nung elementary ako eh. Bago pa mag-uwian or lunch break. Haha!

At pagkatapos naming magpapawis part 2, it's meryenda time na!

"Grabe, sobra kong napagod sa pinag-gagawa natin ngayong araw! Para kong nag-gym the whole day." Hihingal hingal na sinabi ni Drew.

"Oo nga bro! Pero okay lang, atleast, nakatipid tayo sa bayad sa gym di ba?" Pag-aagree naman ni Sam ko.

"Ulitin ulit natin to next time ha?" Excited na pagyayaya ni Steph.

"Oo guys, ulitin natin to. Ngayon ko lang kasi nakita na walang kaartihan to si Steph." Pang-aasar ni Migs. Haha. Kilig naman si Steph. Naturn-on sa kanya si Migs. Haha. Crush na crush kasi ni Steph yang si Migs eh. Well, they look good together. Sana, magustuhan na din sya ni Migs. Para everybody happy na :-)

"Kace, labas mo na yung meryenda natin." Pag-uutos ni Jase, with lambing naman, so sinunod ko na sya. Haha.

Paglabas ko, dala-dala yung mga foods, aba, aba, parang mga naging PG tong mga friends ko, una-unahan sa pagkain. Akala mo, mauubusan. Hahaha. Nakakatawa mga itchura ng mga to eh.

"Guys, guys. Hinay-hinay lang! Di naman kayo mauubusan. Meron pa naman dun sa loob."

"Yaman nyo talaga girl! Meryenda lang, Black Forest Roll cake pa! Goldilocks pa talaga ha. Tapos yang pizza, Greenwich pa, mahal kaya yang Barkada menu ng All-meat at Peppe ni Roni..." Everybody laughed.

"Bastos mo JB! Baka Pepperoni!" Natatawang pagkokorek ni Chacha.

"Ay sus! Maka-react ka teh? Bakit, walang kang pepe?" Gagi talaga to si JB. Walang hiya sa mga pinagsasasabi eh. Kahit alam nyang may mga lalaki pa kaming kasama. Hahaha. Nahampas tuloy sya ni Chacha ng tsinelas sa pwet.

"Change topic na nga. Bastos neto eh." Sinabi ko sakanila while looking at JB. Haha.

"Isa pa to. Bakit, wala ka din bang..." Bago pa nya mabanggit yung word, sumingit na ko.

"Ano? Wala din ba akong, ano? Ano ha, JB?" Nilakihan ko pa mata ko sa kanya para lang di nya sabihin yung word na yun. Haha.

"Wala! Tara na nga't lumamon na lang tayo!" Grabe to si JB kung sumubo eh. Ang laki! Haha. Parang ano ang sinusubo eh. Hahaha!

Why Why LOVE <3?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon