Chapter 16: #BukoPandanAllTheWay

152 6 0
                                    

(KC's POV)

It's Saturday, Book Fair ngayon sa school namin. Sana makita ko yung science book na hinahanap ko.

"Hi Pandan!" Sabay hug ang aking baby Buko <3

"Ui Buko. Bakit ganyan ang mata mo? Puyat ka ba?"

"Uhm. Oo? Kasi naman, may isang tao dyan sabi tatawag daw sya. Kaya ayan napuyat ako kakahintay. Mukha tuloy akong zombie ngayon."

"OMG! Sabi ko nga pala tatawagan kita no? Sorry Buko. Kasi sila Jase niyaya pa ko maglaro, napagod tuloy ako kaya ayun nakatulog agad ako. Sorry Buko ah?"

"Dahil dyan, kailangan kitang parusahan." Ang mga ngiti nito. Ano kaya pinaplano nitong kolokoy ko? Then he kissed me. Pero kaasar, sa cheek lang. Hahaha. Sayang! Jk.

"Samuel!" Yun ang natatawag ko sa kanya pag naaasar ako sa kanya.

"I love you Pandan." Sabay hug ulit.

"Wala na bang mas tatamis pa dyan?" Biglang singit ng mga tropa naming makukulit.

"Wrong timing talaga kayo." Hahaha. Pansin ko nga tong mga kolokoy na to lagi umeeksena pag nagmomoment kami.

At naghiwalay muna kami. Kasi sila Sam and friends ang naka-assign magbantay dun sa book fair eh.

(Sam's POV)

Sobrang sakit pa ng ulo ko. Late na late na ko natulog tapos aga aga ko pa nagising. Nakakaasar naman eh, weekend na weekend may pasok pa kami, malas pa at kami pa na-assign na tumao dito sa book fair. Di tuloy pwede na di ako pumasok.

"Sam? Sammy!" Sounds familiar ah.

Paglingon ko. Unexpected. My ex bestfriend. Si Maxi.

"Ui Maxi! Ano ginagawa mo dito?"

"Syempre bibili ng book. Ui ano, kamusta na? Long time no see."

"Talagang long time no see. Sino ba ang lumayo dyan ha?"

"Tss. Past is past. So ano, kamusta ka na nga?"

"I'm fine. I'm happy with.." Bago ko pa mabanggit si Kylie. Sumingit na ang mga asungot na si Migs at Drew.

"Maxi? Is that you?!" Gulat na gulat at para bang di makapaniwala si Migs sa nakita nya.

"Miguel? Andrew? Kayo na ba yan?" At nag-group hug sila.

"Grabe, laki na ng pinagbago mo ah. Ano ng nangyari sa buhok mo?" Pang-aasar pa ni Drew.

"Eh di nagpa-straight." Tatawa tawang sinabi ni Maxi.

"Bakit? Kasi ayaw mong maasar pa na basta kulot salot?" Pang-aasar naman ni Migs.

"Well, isa na din yun sa mga reasons. Pero, wala lang. Mas gusto ko lang yung straight hair." Sabay may tumunog na phone na para bang bomba ang ringtone.

"Nagtext sila Barbie. Nagpapatulong. May mga books pa daw na hahakutin sa library." Sabi ni Drew na ready ng umalis papunta kana Barbie.

"Maxi, see you around. Punta pa kami dun eh. By the way, you look good." Then niyaya ko na ang mga ulol na pumunta sa library.

"Babala, pwedeng kiligin. Pero bawal umasa." Pahabol na pabulong pa ni Migs kay Maxi bago kami umalis. Pero narinig ko naman.

"Sam, sama na lang ako sa inyo. Wala akong kakilala dito eh." Tumingin muna ko kana Migs at Drew. Baka kasi pag nakita pa to ni Kylie mag-away pa kami eh.

"Sige na, sama mo na. Kawawa naman eh." Bulong sakin ni Migs.

"Sige na nga. May papakilala din nga pala ko sayo." Ang napakaganda kong girlfriend :-)

Why Why LOVE &lt;3?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon