Chapter 10

179 7 0
                                    

(Sam's POV)

Sobrang saya ng naging weekend ko! Naka-text ko na din sa wakas si crush. Ang saya ko kasi feeling ko, inch by inch we're moving closer. Never akong na-excite pumasok sa school, but ever since na naging crush ko na si Kylie Cinderella, gustong gusto ko na lagi sa school kasi para palagi ko sya nakikita.

Ganito pala feeling pag seryoso ka na sa isang girl, pag talagang gusto mo sya. Yung tipong ayaw mong nawawala sya sa paningin mo, wala ka sa mood pag di mo sya nakikita, ngitian ka lang nya busog ka na tapos pag kausapin ka pa nya, buong buo na yung araw mo.

Hay. Ansarap sa feeling. I just hope the feeling is mutual. I can still remember, nung sinabi nya sakin na crush nya si Tristan. Pero, nalaman ko lang lately na almost 4 years na pala syang galit kay Tristan. So paano yun? Hindi kaya, ginamit nya lang na excuse si Tristan para tigilan ko sya sa pang-aasar na sakin sya may gusto? Sana ganun nga yun. Sana talaga joke lang yun.

Andito na ko sa school, finally any moment makikita ko na din si Kylie.
Pero teka, asan kaya ang mga tropapits ko?

"Hi Sam." Pagbati ni Barbie. Last time namin nakapag-usap, nung sinabi ko sa kanya na sana hwag na lang ako ang magustuhan nya. Di na nya ko kinausap after that. So, ano kaya gusto nya ngayon? Bakit nya ko kinakausap?
"Hello. Kamusta ka na?"
"I'm great! How about you?"
"Okay lang naman." This is so awkward. Why is she acting like everything is fine between us?
"By the way, Drew & Migs are waiting for you. Andun sila sa tambayan natin before, with Steph."
"Oh. Okay. Thanks!"
"Are you going there na ba?"
"Yup. How about you?"
"Well, yeah. Uhm. Sam. I hope kalimutan na lang natin lahat ng napag-usapan natin the last time. And let's start again as friends."
"Okay. That's cool! Let's be friends."

Okay na kami, sakin okay na talaga. Pero sa kanya, okay lang ba kaya talaga na friends lang kami?

Pag dating namin sa tambayan, nagkukwentuhan na sila.

"Alam mo ba yung alamat ng cute?" Tanong ni Migs kay Steph. Haha. For sure, kalokohan na naman yan. Lagi nya pinagtitripan si Steph eh.
"Hindi eh. Ano ba?" Tuwang tuwang sagot ni Steph. Lagi syang natutuwa talaga everytime na kinakausap sya ni Migs. Syempre crush nya yan eh.
"Isang araw, pinanganak ka." Naks! With matching kindat pa. Kilig na kilig tuloy si Steph. Tuwang tuwa pa.
"Tuwang tuwa ka naman dyan! Tandaan, ang alamat ay isang kathang isip lamang o malayo sa katotohanan." BOOM! Sabi ko na nga ba titripin na naman neto ni Migs si Steph eh.
"Gago ka talaga Migs! Akala ko, pinopormahan mo na si Steph eh." Tawang tawang sabi ni Drew.
"Sus. Di ah." Parang nandidiring sinabi ni Migs. Hahaha.
"Tse. Dyan na nga kayo. Let's go na Barbie sa canteen. Tse!" Asar na asar na pagyaya ni Steph. Disappointed kasi talaga sya. Haha. Hopia sya kasi na magugustuhan sya ni pareng Migs.


(KC's POV)

Happy monday! Ihahatid na naman ako ni twinny sa school ko, with Tristan pa. Di sila aabsent, panghapon lang class nila today.

"Dude, may syota ka na naman? Kaka-break mo lang kay Elly ah?" Gulat na gulat na tanong ni Tristan sa twin ko.
"Sus! What's new pa ba? Eh lagi namang may flavor of the week yan si Jase? Para ka namang di makapaniwala dyan."
"Grabe ka naman Sis." Maka-react naman to si Jase, kala mo di totoo.
"Pero ang bilis naman. Kala ko seryoso ka na sa kanya." Di pa din talaga makapaniwala to si Tristan.
"I thought so. Pero, nakakaasar kasi ugali nya eh. Nakaka-sakal na."
"Eh san mo naman nakilala tong bagong chicka baby?"
"Tropa ni Elly yun." Proud na proud pa nyang sinabi, kaya naman binatukan ko sya.
"Aray Sis!"
"Hwag mo nga kong ma-Sis sis dyan! Grabe ka talaga Jase ha! Ginawa mo namang fishball yung mga girls, tinuhog mo na lahat!"
"Alam mo Sis, ang mga desperadong magka-lovelife, parang BDO. They find ways." Sarap batukan pa nito ng isa pa. Hay nako!

Why Why LOVE <3?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon