(KC's POV)
Simula ng nagkabati kami ni Tristan, lalo ng sumaya sa bahay namin. Dati kasi, everytime na tumatambay sya sa house namin, naiirita ko at nagkukulong na lang sa kwarto. But now, pwedeng pwede na kong makisali sa mga kalokohan ng dalawang kolokoy na yun. Speaking of kalokohan, tignan mo, di na naman sila papasok, palibhasa nasa bakasyon si Mamu at Mamita. Tsss. Pero okay na din na di sila pumasok, para mahatid nila ulit ako sa school ko. Hehe.
"Thank you ulit sa paghatid dalawang kolokoy!"
"Anytime Kace." Sabay pa silang dalawa sa pagsabi nun, parang sila talaga ang magkakambal eh no?
"Oh sige na. Bye. Ingat sila sa inyo!"
Pagpasok ko ng school, solo flight ako. Wala pa si JB at Chacha. Di naman ako maaga pumasok, di din naman ako late, eh bakit kaya wala pa dito yung dalawa?
"Goodmorning Kylie Cinderella!"
"Goodmorning Samuel Villaraza!" Oh? Akala ko si Sam. Di pala.
"Oh, Migs, hello! Sensya na, akala ko si Sam, kasi naman sya lang naman ang nag-iisang tumatawag sakin sa buo kong pangalan dito sa school di ba?"
"Yeah, I know. How are you?" Medyo awkward sa feeling, kasi naman kahit sinabi ko na friends kami, parang di naman kami masyado naging close.
"Okay lang naman. Wait, bakit nga pala di mo inaccept yung friend request ko sa facebook ha?!"
"Di ko kasi ma-accept.... na friends lang tayo." BOOM! Wth?! Seryoso?
"Syempre joke lang!" Tatawa tawa nyang sinabi, sus, akala ko talaga totoo. Kasi naman, seryoso muka nya kanina eh.
"Eh bakit nga di mo inaccept?"
"Eh kasi, yung inadd mo siguro, yung dati kong account. Wala na yun eh, nahacked na. Tignan mo na lang sa profile ni Sam, andun yung new profile ko."
"Ah okay." Silence again. Awk-ward!
"May tanong ako sayo." Wow! Seryoso na naman sya.
"Sige, ano yun?" Kabado ko ah.
"Ano last name ni Anchor?" Anchor? Sino yun?
"Ano?"
"Eh di, TIS! AnchorTIS!" Wow! Joke pala yun. Makatawa nga, nakakaawa sya eh, sya lang yung natawa sa joke nya. Sariling sikap lang eh no?
"Ah. Eh ano naman first name ni Nemo?" Hahaha joke time to!
"Oh ano?"
"Eh di, ANCHOR! ANCHORnemo, ulul!" Tawa lang kami ng tawa hanggang sa nawala na yung awk-ward feeling.
Finally, after one year, joke lang, o.a lang, nakarating na din si Chacha at JB sa school. Science class ang 1st subject. Yes!
"Ba't ansaya mo ata?" Naiintrigang pagtatanong ni Chacha.
"Eh kasi, there's no reason to be sad. Bati na kami ni Tristan, close na kami ni Migs."
"Bati na kayo ni Tristan?!" Duet pa netong dalawa.
"Kailangan paulit-ulit?"
"Paano?" Duet na naman sila.
"Nag-sorry sya, tapos naintindihan ko na sya. Kaya okay na kami."
"Wow! Ayos pala eh, buti naman naawa ka na din sa wakas." Excited na pagsabi ni JB.
Magchichikahan pa dapat kami, pero dumating na si Sir Jake.
"Excuse me Sir, can I go to comfort room?" Kakapasok lang ni Sam, mag-ccr agad sya?
"I don't know. Can you?" Everybody laughed. Patola talaga lagi to si Sir Jake. Magkapatid nga sila ni Tito John, este Tita pala. Hehe.

BINABASA MO ANG
Why Why LOVE <3?!
RomanceIt's not just an ordinary love story. In this story, makikita nyo what love can do, and what you can do for love :).