Chapter 5: Start of something new? :)

217 9 1
                                    

(Sam's POV)

Ang aga ko gumising. Kailangan ko pa kasi dumaan sa coffee shop para i-pick up yung pina-reserve ko na cupcakes at coffee.

Woo. It's not gonna be easy for sure. Si Kylie Cinderella pa! Si Kylie Cinderella na walang araw kong hindi inasar. Si Kylie Cinderella na kulang na lang isumpa ako sa sobrang inis nya sakin. Sya ang taong kailangan kong suyuin ngayon. I need to be a good guy para sa kanya, syempre baka pag nainis yun sakin, ipagkalat nya yung secret ko about my dad. At pag nangyare yun, BOOM! Sira ang reputation ko.

Di ko naman kinakahiya na bading ang tatay ko. It's not his fault na naging ganun na sya. Atleast kahit na bading sya, nakaya pa din nya makabuo, oh di ba? Hahaha! Ang akin lang naman, parang di lang masyadong cool tignan. Ako, na school hearthrob, crush ng bayan, ako na lalaking lalaki tapos ang tatay lalambot lambot pala. Kaya wala ng iba pang dapat makaalam nun. Tama ng si Migs at Drew at si Kylie Cinderella lang ang nakakaalam.

Asan na kaya si Kylie Cinderella? Dito sya sa labas ng library palagi nakatambay tuwing umaga ah. Bakit wala sya dito? Hindi ba sya papasok?

Ayun! Yun ang mga friends nya! Tanungin ko kaya kung nasaan si Kylie Cinderella? Eh kaso, baka isipin pa nila nanliligaw ako dahil may dala ko cupcakes & coffee. Hmm. Well, it's impossible naman na di nila malaman na ibibigay ko to kay Kylie Cinderella. Syempre sila magkasama the whole day, kapag binigay ko na to kay Kylie Cinderella, malalaman na din nila na sakin to nanggaling. Tanungin ko na nga...

"Hi Chacha!"

"Huh? Ako, ba, kinakausap mo?"

"Yup. Ikaw lang naman ang Chacha dito diba?"

"Ahh. Hello!" Obvious na obvious na kilig na kilig sya dahil kinakausap ko sya. Haha. Nauutal utal na kasi sya eh.

"Ahm. Alam nyo ba kung saan ko pwedeng makita si Kylie Cinderella?" It's time to show the killer smile, para sabihin na nila sakin kung nasaan si Kylie Cinderella! Hahaha.

"Ahm, ano kasi Sam. Ma-lalate sya ng kaunti. Naabutan na sya ng traffic eh. Bakit mo ba sya hinahanap?" Pag-uusisa naman ni Biebs, I mean JB.

"Oh really? Uhm. Pwede pagpasok nya pasabi magkita kami sa gym?"

"Yeah sure." Excited na sagot ni Chacha. At nag-bell na!

Late na nga si Kylie Cinderella. Di bale, hintayin ko na lang sya sa gym. Tutal whole day naman training namin ngayon ng team.

(KC's POV)

Aning na aning na nga ako ng dahil sa traffic na to, na-aaning pa lalo ako dahil kanina pa ko pinaflood ni Chacha at JB. At ang nakaka-asar pa lalo, ang mga sinasabi pa nila ay tungkol sa pinaka-kina-aasaran kong tao, si Samuel Villaraza.

Tulad ng mga text na to "Ui, magpopropose na sayo si Sam!" text yan from Chacha. "Girl! Bongga ka talaga! Ikaw na! Ang haba talaga ng hair mo abot na sa EDSA! Kaya siguro traffic eh. May dala pang breakfast for you si Papa Sam!" text naman yan from JB.

Seriously? Ano ba talaga nangyari at kung ano ano pinagsasasabi nitong dalawang to? Nakakaasar!

Finally, after one year! Nakadating na din ako sa school. 18 minutes na kong late. I'm so dead! Terror pa naman si Ms.O, ang teacher namin sa english. Sana hwag ako mapagalitan. Hay.

"Ui bestfriend!" Boses agad ni Chacha & JB ang narinig ko ng papasok pa lang ako ng classroom.

"Oh, where's Ms.O?" Himala, wala sya dito.

"She's sick today kaya di sya pumasok. And we don't have substitute teacher kasi yung isang substitute teacher sa english, nasa ibang class. Absent din kasi yung teacher nila. Kaya vacant tayo!" Pag-eexplain ni JB.

Why Why LOVE <3?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon