Chapter 20: A Prom To Remember

156 6 0
                                    

(KC's POV)

Sobrang busy namin this week. Preparation kasi sa JS Prom. Last year na namin to. Mamimiss ko talaga ang highschool. Ang theme ng Prom this year ay 'Once Upon A Time', kaya mala-fairytale ang damit namin. Nakapag-pagawa nako ng gown ko, black swan, yung katulad mismo ng gown ni Bea Alonzo nung Star Magic Ball 2012 :-)

Syempre pa, mas exciting tong prom na to, kasi finally, yung taong makaka-date ko, ay yung taong talagang gusto ko. Nung 1st year kasi ko, may nag-invite sakin sa prom nila. Isang junior, escort pa, si Blake Pascual. Napilitan lang naman ako na pumayag dun, kasi yung parents nya, business partner nila Mamita.

Nung 2nd year naman ako, ganun din, may nag-invite sakin na di ko din talaga gusto. Si Wesley Tolentino, escort naman ng 4th year. Pumayag lang ako kasi, utol sya nung nililigawan nun ni Jase, kaya pinagbigyan ko na si Jase.

At nung 3rd year naman ako, ang date ko ay si, Nicolo Ocampo. Cousin ni Barbie na escort ng 4th year. Siya naman, ayoko talaga sya ka-date, pero dahil sinalo nya yung bola ng volleyball na dapat sakin tatama, ayun, pumayag nako bilang pasasalamat at para quits na kami.

Oh di ba, ang taray ng lola nyo, lahat ng nakadate ko sa prom, mga escort. Haha. And this time, escort pa din, sino pa ba? Eh di ang aking pinakamamahal na boyfriend :-)

So yeah, this is it! Prom na talaga :-)

(Sam's POV)

Tonight is the night! Excited ako kasi first time ko aattend at may ka-date sa prom. Last year kasi, minalas ako. Nagkabulutong ako. Kaya di tuloy ako naka-attend nun. Buti this time, okay na ang lahat. Ako na ang may pinaka-magandang ka-date, sino pa ba? Eh syempre ang pinakamamahal kong girlfriend! Kinakabahan na nga ko eh, kasi syempre, prom yun, may slow dance, di pa naman ako marunong sumayaw. Baka mapahiya lang ako kay Pandan. Siya pa naman ang first and last dance ko.

Eto na, otw na ko to pick her up. Kinakabahan talaga ko sobra. Ayokong magkaroon ng palpak, special tong gabing to para sa kanya, syempre I want to make it.... MAGICAL.

(KC's POV)

Kanina pa ko natetense. Ewan ko ba kung bakit...

"Wow! Grabe, Kace! Naks, ganda mo naman! Ikaw na ang malupit! Nag-rejoice ka ba?" Loloko lokong sinabi ng mokong na si Jase.

"Sira! Pero seryoso na Jase, how do I look?"

"Eh di maganda. Sobrang ganda! Syempre, twin kita eh."

"Kapal talaga ng mukha mo. By the way, you look good."

"See? Kasi nga twins tayo!"

"Sige na. Go na. Baka ma-late ka pa sa pagsundo mo kay Barbie."

"Ay oo nga pala. Tamo na, nadistract ako sa kagandahan mo. Nakalimutan ko tuloy na susunduin ko pa nga pala ang Baby ko."

"Oo na. Sige na. Go na. Ingat. See you sa prom!"

Pag-alis ni Jase, saktong may nag-doorbell agad. I think it's Sam na. Woo. This is it!

"Goodevening po Tita, and Mamita." Yan na nga si Sam.

"Goodevening Sam. You look good!"

"Thank you po Tita."

"Wait, tatawagin ko lang si KC."

"Kace, sweetie. Andyan na ang prince charming mo." Sabi ni Mamita, na parang kinikilig pa.

"How do I look Mamita?"

"Sweetie, nakaka-100x mo na siguro naitanong yan sakin kanina pa. I told you, you look so beautiful. Trust me!"

Pababa pa lang ako ng hagdan, nakita ko na agad si Sam. Napatulala sya sakin. Oxygen MaGnesium, I'm xoxo kilig <3

Why Why LOVE &lt;3?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon