(Sam's POV)
After kong malaman ang katotohanan, agad agad akong sinugod si Migs. Sobra sobrang galit ang naramdaman ko ng mga oras na yun. Galit, para sa taong pinagkatiwalaan ko, tinuring ko, hindi lang bilang isang matalik na kaibigan, kundi bilang isang kapatid. At galit, para sa sarili ko. Dahil mas pinili ko na paniwalaan ang isang malaking kasinungalingan, at ang masaktan ang babaeng sobra sobra kong mahal.
Sa sobrang galit ko sa kanya dahil sa kagaguhan nya, muntik ng ma-Vhong Navarro yung mukha nya. Pasalamat sya, naawat agad kami nila Drew at ng iba pang kateammates.
"Gago ka Migs! Pano mo nagawa sakin to? Bakit sakin pa?! Ang daming pagkakataon na sana sinabi mo sakin na gusto mo pa din sya, na mahal mo na sya. Pero ano, mas pinili mo na panindigan yang kagaguhan mo. Nag-usap na tayo dati di ba? Sabi mo okay lang yun. Kaya nga sobra ang pasasalamat ko sayo eh, kasi kahit gusto mo sya, nagparaya ka, dahil sabi mo, alam mong mas mapapasaya ko sya. Tapos, ikaw din pala ang sisira ng lahat. Traydor ka!" BOOM! Sapul sa nguso, dugo ang nguso.
"Sam, sorry. Wala na kong gustong sabihin pa, kundi sorry talaga." Gago ka Migs. Di na ko maniniwala sayo. Kala mo!
"Kahit ilang beses ka pa magsorry, wala na, di na nun mababago lahat ng ginawa mo." Sabay walk-out ko, at sinundan ako ni Drew. Pero pinaalis ko na sya, ang gusto ko lang, ay mapag-isa.
Pagkaalis ko dun, dumeretso agad ako kana Kylie. Gustong gusto kong humingi ng tawad sa kanya. Sising-sisi ako dahil nagkamali ako ng pinaniwalaan.
Pa-doorbell na sana ko, ng biglang may humawak sa balikat ko. Pagharap ko, BOOM! Sapok. Galing kay Jase.
"Kapal ng mukha mong pumunta pa dito Sam. Matapos ang lahat ng ginawa mo sa utol ko, may lakas ka pa talaga ng loob na pumunta dito?"
"Jase, alam ko na ang lahat. Kaya ako nandito, dahil gusto kong humingi ng tawad sa kanya. Please, gusto ko talaga syang makausap."
"Umuwi ka na Sam. Nagsasayang ka lang ng oras. It's too late. Kahit ano pang sorry mo, di na nun mababawasan ang sakit na nararamdaman nya ngayon."
"Please Jase."
"Umuwi ka na, please."
At umuwi na ako, dahil baka magkagulo pa kami dun.
Kinabukasan... sa school
"Kylie, pwede ba kitang maka-usap?" Dinaanan nya lang ako, na para bang wala syang nakita at narinig.
"Kylie, sandali lang. Please, mag-usap tayo." Pero binangga nya lang ako, ng parang wala talaga syang nakikita.
"Sam, not now." Sabi ni JB.
"I really need to talk to her."
"Pero di pa sya ready." Sabi ni Chacha. At biglang hinila si JB, at sumunod na kay Kylie.
"Bro, pabayaan mo muna sya. Give her time." Payo ni Drew, at pumasok na lang kami sa room.
(KC's POV)
Pagpasok ko ng school, nakita ko na may sugat sya sa may labi, siguro dahil yun sa sapak sa kanya ni Jase kagabi. I'm thankful, dahil ginawa yun ni Jase sa kanya, dahil sa ginawa na yun ni Jase, baka sakaling matauhan na sya. Pero naiinis pa din ako sa sarili ko, dahil nakuha ko pang mainis kay Jase dahil sinaktan nya si Sam. Hay nako, ewan ko ba. Kahit na galit na galit ako sa kanya, di ko pa rin mapigilan na mag-alala pa sa kanya.
Pero buti, nacontrol ko sarili ko kanina. Nung makita ko sya, nagmamaka-awa na makipag-usap ako sa kanya, nangibabaw ang sama ng loob ko sa kanya. Dahil naalala ko yung sarili ko, nung panahong ako ang nagmamaka-awa para lang pakinggan nya.
BINABASA MO ANG
Why Why LOVE <3?!
RomanceIt's not just an ordinary love story. In this story, makikita nyo what love can do, and what you can do for love :).