{Gabriella/Gaby's POV}
"....And Michael you'll fall and turn the white snow red as strawberries in the summertime"
White Winter Hymnal, original ng Fleet Foxes, pero may version din si Birdy. Mahilig ako sa kakaibang kanta, kaya mahilig din ako sa mga indie bands. But I also like to listen to loud, bass-dropping music. I also like classic music, music from the 80's, 90's, where everything and everyone was simply amazing.
Naglalakad ako around the campus, konti na lang at makakaupo na ako sa 'favorite place' ko sa school. The second semester's just starting and I'm already hating my classes (and professors), biruin mo yun may drawing class. Last week yung first meeting ng class na yun, but I was too lazy to attend.
Pero di naman ako nagpakabalasubas at nag-malling. Nagpunta ako sa Library at nag advance reading sa mga major subjects ko. Mas interesado ako sa majors ko no! I'm kind of a nerd right now, but I'm not really a nerd. Maybe I'm just trying hard to be one. I want to be simple, I want my life to be peaceful.
I thought drawing was going to be easy though, nagpunta ako sa professor ko sa drawing para magtanong kung pwede humabol sa first activity nila, pinagbigyan ako at ginawa ko nang mag-isa. Nakalimutan ko na ang itsura ng gawa ko, basta alam ko, ayoko nang class na yun.
**********************************************
Andito na ako sa 'favorite place' ko.
Umupo ako sa ilalim ng puno, nagpapasalamat ako kasi malaki itong school namin, parang yung mga nasa America na sobrang laki talaga. May mga places na within the school pero wala namang napunta dun kasi wala rin namang makikita. Nandito ako sa pinakadulong parte ng campus, kung san wala nang tao, puro damo na lang at sceneries. I like it here. Medyo malaki na yung puno. Lagi akong umaakyat dito sa maliit na hill na 'to kapag free time ko. I just really like it here, tahimik, malinis at puro bundok sa malalayo ang makikita. Hindi rin naman ito bangin, pero kasi ang kasunod nito ay parang feilds na, so walang napunta dito. I really really like it here, It's mine.
The school I'm attending in is an exclusive school kumbaga pangmayayaman, mayaman ba ako? Ewan ko, siguro kasi wala naman akong pakielam. Di ako masyadong maluho, kung sa gadgets, kuntento na ako sa isa, gusto ko quality wise, yung tipong tatagal talaga. Sa damit naman di ako masyadong maarte, nagd-dress din ako minsan, kapag naisipan ko lang. Pero bakit napapansin pa rin nila ako?
Medyo malapit lang yung condo/apartment dito. Yung mga maarte tawag dun condo, ako apartment. Ang weird kasi kapag may condo sa loob ng campus, it's not a norm that I'm used to. Pero para talaga siyang condo, kasi yung rooms ng building na iyon ay pang individuals lang, may sariling bathroom, kitchen, living room, bedroom. One floor lang ako, ayoko ng two floors, nakakatakot. Masaya pero ang mahal. Puro mga sossy yung mga nandoon, kaya wala talagang pakielamanan. At ayoko din silang pakielamanan. They also have dorms here, mas madaming dorms, mga tatlo lang yung condo/apartment dito. Yung dalawa ay pangbabae, yung isa panglalaki. Pero kahit na sabihin mo pang pangbabae ang isang building, meron at meron pa ding lalaki na makakalabas pasok sa building na yun. Nothing new. this is the generation I live in.
BEEP! BEEP! BEEP! BEEP! BEEP! BEEP! BEEP! BEEP! BEEP! BEEP!
"Shit" tiningnan ko yung phone ko na nagsasabing drawing class ko na daw. Ah, sus.
".... Oh shiiiiit" matagal bago nag sink-in sakin na may klase na pala ako! Ayoko na mag absent!
Kumaripas ako ng takbo papunta sa St. Raphael building kung nasan ang room ko para sa drawing class. Nag-stairs na lang ako tutal 4th floor lang naman. Shiiiiit. Tumatakbo ako paakyat ng stairs kasi malapit na talaga akong ma-late.
"Haaaaah" I let out a deep breath. Andito na ako sa fourth floor, may nakalagay kasi may malaking 4 na naka paskil, pero nanlalabo na mata ko, nahihilo na ata ako. Tumakbo pa rin ako papuntang room ko, shit parang nagblu-blur yung vision ko. Andito na ako sa tapat ng pintuan, hinihingal ako at pawis na pawis ako.
"HAH!" kailangan ko lang talagang ilabas lahat ng naipong hangin sa baga ko. Ang sikip eh. "woooooo" hinga muna. Inayos ko ang buhok kong nakaharang sa mukha ko at......
Heto na ako, bubuksan ko na ang pintuan.
----------------------------------------------------------------------------------------------------
[REVISED] : Not all the chapters were revised. Just the ones that I need to polish.
A/N:
Anong pintuan nga ba ang mabubuksan ng ating protagonist? Madaming "pintuan" ang tinutukoy dito. Mehehe.
BINABASA MO ANG
I Wouldn't Mind
RomanceGabriella Ventura is a girl who has her own world. During her High school days at Auburn High (also a story) she was a snob, a smart girl and undeniably gorgeous. Boys swoon over her but she doesn't care at all, why? Because she already got her hear...