Chapter 6

90 1 2
                                    

Nagulat na lang ako nang biglang may nanghila sa akin.

"Ah! Ano ba?" tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at agad ko siyang tiningnan.

"Eh tara naaaa" hiyaw niya sa akin. Hay nako eto na naman itong si David, kung umungol parang bata!

Tinalikuran ko siya "Eh ayoko! tinatamad ako..." tumuloy na ako sa paglalakad nang harangan na naman ako nito.  Nakaharang ito sa daan kasama pa ng mahahaba nitong mga kamay. Ngumiti ito ng malaki sa akin "Sige naaaa please! please!"

"Kasama sila Joan?"

"Hindi na daw" nakasimangot itong sumagot, "Sige na pumayag ka na! Ayoko pa talagang umuwi sa unit ko..." dagdag pa niya.

"Ayoko sabi..." iniwasan ko ito ng tingin. Kahit kailan talaga, ang kati-kati ng paa nitong si David.

"Promise talaga! Magugustuhan mo na yung pupuntahan natin!" nagtaas pa ito ng kanang kamay, at ang kaliwang kamay naman ay nakalagay sa may puso niya.

Nabagot na naman ako nang maalala ko ang mga lugar na pinuntahan namin dati. Kahit kailan hindi ko siya pinagkatiwalaan pagdating sa mga ganito. Noong nakaraan dinala niya kami sa isang haunted house sa isang amusement park. At dahil napakapilyo nitong si David duon niya lang kami dinala at hindi na ito pumayag pang pasakayin kami sa ibang rides. Gabi kami pumunta duon, at sadyang ang haunted house lang ang sadya NILA duon. NILA kasi ayoko ng haunted house.

Nakokornihan ako. 

Pero nilunok ko din naman lahat ng sinabi ko nang makapasok kami duon. Para akong lantang gulay pagkalabas namin, at tinatawanan lang nila ako. Halos mapatay ko na rin sa inis itong si David. Kahit kailan talaga, HOBBY niya na ang asarin at inisin ako.

"Anong gagawin ko sayo kapag hindi ko nagustuhan?" tanong ko. 

"Ehh! Basta magugustuhan mo 'to promise!" hinila niya na ako palabas ng school building namin, habang naglalakad ay bigla akong tinawagan ni Joan. 

"Oh, Joan?" 

"Uy, San ka ngayon?" 

"Kasama ko si David, nangangati na naman yung paa niya eh" 

"Ahh, sorry di kami makakasama ni Ian ngayon, may date kami eh, hihi" 

"K" 

"Wag kang mag-alala! Aalagaan ka naman niyang si David! Hahaha! Goodluck Gaby! Sige na bye na! Kinukulit na ako ni Ian, hihi byieee" 

Binababa ko na ang phone. Halos official na itong si Joan at Ian, masaya naman ako para sa kanila, pero naiinis ako kapag iniiwan nila akong mag-isa kay David. You'll never know what he will do next. Nakakatakot siya promise. Hari ng kapilyuhan. 

Habang nasa daan kami ni David ay napag-usapan namin ang tungkol sa mga fears namin. Sabi ko sa kanya takot na takot ako sa mga palaka, at sa kahit anong makita kong mukhang malagkit na gumagalaw na may mata. Sabi niya, wala daw siyang kinatatakutan. It's quite obvious. 

Matagal-tagal na din kaming nagbo-bonding ni David, madami na din kaming alam tungkol sa isa't-isa. Bago lang si David dito sa school, kaya kami pa lang nila Joan at Ian ang mga kaibigan niya. Mukha man kaming tahimik pag magkasama, pag nagkausap kami ay sumasabog ang ulo ko. Minsan nonsense siya kausap, pero nakakatawa ang pagka-nonsense niya. Madalas kaming mag-asaran, minsan din nagtatalo kami, at binibilang namin ang mga panalo namin....

At minsan din ay tinatangay ako ng hangin kapag kausap siya....

Nasa kotse kami, at nagd-drive siya. Nahuli ko kasi siyang nakatingin sa akin, at agad ko itong inasar, "Ang ganda ko noh? Ahaha" nginitian ko ito ng pang-asar.

"Kapag tinitingnan ba nagagandahan agad? Di ba pwedeng naba-bother lang ako sa kapangitan mo?" 

Sinimangutan ko lang siya at natawa naman ito ng kaunti.

"Mas macho at gwapo pa nga ako sayo eh!!! Mas manly pa ako sayo! Hmp!"

" Hindi rin, kahawig mo nga lang ang paa ko. Hanggang paa lang kita! Hahaha!"

Waaaaah, ang sakit nun. T^T

"Che ewan ko sayo, ayaw na kitang kausapin, bahala kang magsalita mag-isa dyan, Bahala ka talaga promise, di talaga kita kakausapin, bahala ka talaga, ay nako bahala ka talaga dyan" mabilis akong nagsasalita sa inis sa kanya, umiwas ako ng tingin. Tinatawanan lang ako nito, pero bahala siya seryoso ako. 

* Matapos ang ilang minuto... *

"Uyyyy, joke lang yun! Sige na maganda ka na nga" bigla nitong sinabi. 

Natawa ako sa isip ko, pero syempre, may ibubuga din naman ako sa acting. Kaya  hindi ko pa rin ito iniimik. 

"Gaaaaabyyyyyy uy magsalita ka naaaa" iyak nito. Hahaha! Grabe natatawa pa din ako, pero kailangang magpigil. Kalma Gab, kalma. 

"Psst Ganda......Oy, chicks, oy ms. ganda" natatawa na talaga ako, mukhang nasusuka na si David sa mga sinasabi niya. 

"Sinong maganda?"pang-aasar kong sagot sa kanya, nainis itong tumingin sakin. Nakakatuwa din naman siyang inisin. Hahaha! 

"Paa ko"  inis na bulong niya.

"Ah, okay" tumingin ulit ako sa labas ng bintana ko.

"Eh, ikaw nga." bigla niyang sagot

"Ha? Sinong IKAW NGA? sino yun?" pang-asar ko pa. 

"Si..." tumingin muna ito sa akin, at huminga muna ito ng malalim bago sabihing, "Si Gabriella Louise Parael Ventura" nagkunwari pa itong nasuka pagkasabi niya nang pangalan ko. At agad naman akong natawa. Inasar ko ito "Asus! Di mo talaga ako matiis, hahahaha!"

"Andito na tayo!" excited niyang sabi. 

Bumaba na kami ng kotse nang bigla akong nanlambot sa nakita ko. 

ISINUSUMPA ko si David Luke Penas Ferrer.

I Wouldn't MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon